Alam mo, may dalawang bahagi ang Santuwaryo noon: ang Lugar Santo at ang Lugar Kabanal-banalan. Araw-araw, ang mga pari lang ang puwedeng pumasok sa Lugar Santo para sambahin ang Diyos. Bawal na bawal ang sinumang hindi pari, dahil mamamatay ang sinumang papasok doon nang marumi.
Nais ng Diyos noon pa man na magkaroon tayo ng relasyon sa Kanya, kahit na nahiwalay tayo sa Kanya dahil sa ating mga kasalanan. Pero dahil kay Hesukristo, ang ating Dakilang Pari, na nag-alay ng sarili para sa ating mga kasalanan, wala na ang pagkakahiwalay na kinakatawan ng tabing ng Lugar Santo.
Dahil sa sakripisyo Niya, may pribilehiyo na tayong lumapit sa ating Ama sa Langit at sambahin ang Kanyang kadakilaan. Dati, imposibleng makapasok sa Lugar Santo, pero ngayon, puwede na tayong mamuhay nang banal at malinis mula sa kasalanan dahil sa mahalagang dugong ibinuhos Niya sa Krus ng Kalbaryo.
Kaya dapat nating sikaping mamuhay nang mapayapa at banal, dahil sabi nga sa Hebreo 12:14, “Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at mamuhay nang banal, dahil kung wala ito, walang sinuman ang makakakita sa Panginoon.”
Salamat po, mahal naming Tagapagligtas, na kasama Ka namin sa araw-araw. Nawa'y lagi Ka naming maalala.
“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.
Ang bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi, “Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na siyang nakaraan, kasalukuyan, at darating.”
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.
Magpakabanal kayo sapagkat akong si Yahweh ay banal. Kayo'y pinili ko sa gitna ng mga bansa upang maging akin.
na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob. Sa simula pa, ito ay ibinigay na niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus,
Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.
Mga minamahal, yamang ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos.
Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa,
sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”
Ngunit si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, pupurihin siya sa hatol niyang matapat, at sa pagpapakita ng katuwiran, makikilalang ang Diyos ay Banal.
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.
Sinasabi nila sa isa't isa ang ganito: “Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.”
Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan, na tatawaging Landas ng Kabanalan. Sa landas na ito ay hindi makakaraan, ang mga makasalanan at mga hangal.
“Sabihin mo sa buong sambayanan ng Israel, ‘Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal.
Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at naging alipin na ng Diyos, ang natamo ninyo'y isang buhay na banal at ang ibinubunga nito'y buhay na walang hanggan.
Kapag nakita nila ang kanilang mga anak na ginawa kong dakilang bansa, makikilala nila na ako ang Banal na Diyos ni Jacob; igagalang nila ang itinatanging Diyos ni Israel.
Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal. Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan.
Sa ganyang paraan ko ipapakita sa lahat ng bansa na ako ay makapangyarihan at ako ay banal. Sa gayo'y makikilala nilang ako si Yahweh.”
Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!
Ipapakita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh kung maipakita ko na sa kanila na ako ay banal.
Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan, sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan! Si Yahweh na ating Diyos ay banal!
Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.
“Ikaw Yahweh, sino sa mga diyos ang iyong kagaya? Sa kabanala'y dakila at kamangha-mangha, sa mga himala'y di mapantayan, sa kababalaghan ay di matularan?
Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; Banal at dakila ang kanyang pangalan!
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan!
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.
Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan.
Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa,
Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,
Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,
“Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo niya?
Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya na dapat niyang bayaran?”
Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.
Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal.
Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging Diyos ninyo. Dapat kayong maging banal sapagkat ako'y banal.”
Sasamahan ka ng madla, kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway; magmula sa mga bundok, lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.
Ipapakilala ko ang aking pangalan sa gitna ng bayan kong Israel at di ko na pababayaang malapastangan ito. Sa gayo'y makikilala ng lahat ng bansa na ako si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel.”
Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan.
Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.
Walang hanggan, O Yahweh, ang lahat ng tuntunin mo, sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.
“Sabihin mo sa mga Israelita na ipangilin ang Araw ng Pamamahinga sapagkat ito ang magsisilbing palatandaan sa inyo at sa inyong mga salinlahi na kayo'y aking pinili para maging bayan ko.
Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.
“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.
Ngunit paano ninyo natitiis ang mga taksil at masasamang taong ito? Napakabanal ng inyong paningin upang masdan ang kasamaan. Hindi ninyo matitiis ang mga taong gumagawa ng mali. Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nila ang mga taong higit na mabuti kaysa kanila?
Sa araw na iyon, ang mga kampanilyang palamuti sa mga kabayong pandigma ay susulatan ng ganito, “Itinalaga kay Yahweh.” Magiging sagrado ang lahat ng lutuan sa templo, tulad ng mga palanggana sa harap ng altar.
Lahat ng lutuan sa Jerusalem at Juda ay magiging sagrado para kay Yahweh upang magamit sa lahat ng paghahandog. At mawawala na ang mga mangangalakal sa templo ni Yahweh.
Gumagamit ako ng karaniwang pangungusap dahil sa inyong likas na kahinaan. Kung paanong ipinailalim ninyo noong una ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, isuko ninyo ngayon ang inyong sarili bilang alipin ng katuwiran para sa mga banal na layunin.
Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago.
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Ngunit naging tao ang Anak ng Diyos at sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay ay ipinagkasundo kayo sa Diyos. Nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis.
Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.
Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala.
Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.
Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan.
Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak;
nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan.
Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.
Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.
Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,
Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.
Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan? Ikaw lamang ang banal! Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo, sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”
Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay liwanag at walang anumang kadiliman sa kanya.