Maraming tao ang naglalaan ng oras sa kanilang panlabas na anyo, gustong magmukhang maganda, pero nakakaligtaan naman ang panloob. Sa gitna ng kaabalahan at mabilis na takbo ng buhay, mas nakapokus tayo sa mga mamahaling damit o sa uso, kaysa sa kung ano ba talaga ang mahalaga: ang nasa loob natin.
Sabi nga sa Efeso 4:24, "At isuot ninyo ang bagong pagkatao, na nilikha ayon sa wangis ng Diyos sa tunay na katuwiran at kabanalan." Hindi gusto ng Diyos na maganda lang ang panlabas mo kung ang kalooban mo naman ay napabayaan. Ayaw Niyang magbihis ka ng hindi malinis at hindi karapat-dapat hangaan.
Sa oras na ito, tinatawag ka ng Espiritu Santo na magbihis ng kabanalan. Matapos mong tanggapin si Hesus sa puso mo, dapat pagsikapan mong mapanatili ang kaligtasang ibinigay Niya sa pamamagitan ng kabanalan, dahil kung wala ito, hindi mo makikita si Hesus.
Alisin mo ang lahat ng dumi sa pagkatao mo, ang lahat ng mali, ang lahat ng nagpapalungkot sa Espiritu Santo at naglalayo sa'yo sa Kanya. Ayaw ng Diyos na masayang ang buhay mo. Ayusin mo na ang buhay mo ngayon kasama si Hesus, at ang pinakamagandang isuot mo ay ang kabanalan.
Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis.
at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Ang magtatagumpay ay dadamitan ng puti, at hindi ko kailanman buburahin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
Iyong mga pari, hayaang maghayag ng iyong pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak!
Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.
Ipagpagawa mo ang kapatid mong si Aaron ng maganda at marangal na kasuotang nararapat sa kanyang banal na gawain.
Ito ang kasuotang ipapagawa mo: pektoral, efod, abito, mahabang panloob na kasuotan, turbante at pamigkis. Ipagpagawa mo ng sagradong kasuotan si Aaron at ang mga anak niyang lalaki upang magamit nila sa paglilingkod sa akin bilang mga pari.
Gumagawa siya ng makakapal na sapin sa higaan at damit na pinong lino ang sinusuot niya.
“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
Si Cristo mismo ang inyong isinuot na parang damit nang kayo'y nabautismuhan sa inyong pakikipag-isa sa kanya.
Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siya'y dumaing sa akin, papakinggan ko siya sapagkat ako'y mahabagin.
“Sundin ninyo ang aking mga tuntunin. Huwag ninyong palalahian ang hayop na inyong alaga sa hayop na di nito kauri. Huwag din kayong maghahasik ng dalawang uri ng binhi sa isang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang uri ng sinulid.
Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Ikaw, Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga! Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka. Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan. Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, maging hayop na mailap may tubig na naiinom. Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga. Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig. Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina. Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig, mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim. Sa malagong mga puno at malabay nitong sanga, mga ibo'y nagpupugad, doon sila tumitira. Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan. Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha, araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda. O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.
Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.
ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.
Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan, mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan.
Iyong mga pari hayaang maghayag sa aking pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak.
Gumawa rin sila ng mahabang panloob na kasuotan para kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ang mga ito'y yari sa pinong lino,
Siya'y maliligo; pagkatapos, magsusuot ng sagradong kasuotan—linong mahabang panloob na kasuotan, linong salawal, linong pamigkis, at linong turbante.
Mga kapatid ko, bilang mga mananampalataya kay Jesu-Cristo na ating maluwalhating Panginoon, dapat maging pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao. Ang lumalabag sa isang utos, kahit tumutupad sa iba pa, ay lumalabag sa buong Kautusan, sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Huwag kang mangangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan. Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pagkilos at pananalita, sapagkat hahatulan kayo ayon sa kautusang nagpapalaya sa inyo. Walang awang hahatulan ang di-marunong maawa; ngunit mangingibabaw ang awa sa paghatol. Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao na siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di ba? Mabuti naman! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang lalaking may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating din doon ang isang dukha na gusgusin ang damit, Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? Hindi ba't ang ating amang si Abraham ay itinuring ng Diyos na matuwid dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac? Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. Natupad ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.” Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang. Gayundin si Rahab, ang babaing nagbebenta ng aliw; pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at itinuro pa sa kanila ang ibang daan upang sila'y makatakas. Dahil sa ginawa niyang iyon, siya'y itinuring na matuwid. Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa. at inasikaso ninyong mabuti ang nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sinabi naman ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya'y, “Sa sahig ka na lang umupo,” nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.
Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal.
At sinabi ni Yahweh, “Palalo ang mga anak na babae ng Jerusalem, taas-noo kung lumakad, pasulyap-sulyap kung tumingin, pakendeng-kendeng kung humakbang, at pinakakalansing pa ang mga alahas sa paa. Dahil diyan, pagsusugatin ni Yahweh ang kanilang ulo hanggang sa sila'y makalbo.” Sa araw na iyon, aalisin ni Yahweh ang mga alahas niya sa paa, ulo at leeg; ang mga kuwintas, pulseras at bandana; ang magigiting na bayani at ang mga kawal; ang mga hukom at mga propeta, ang mga manghuhula at ang matatandang pinuno; ang mga alahas sa buhok, braso, baywang, mga sisidlan ng pabango at mga agimat; ang mga singsing sa daliri at sa ilong; ang mamahaling damit, balabal, kapa at pitaka; ang maninipis nilang damit, mga kasuotang lino, turbante, at belo. Ang dating mabango ay aalingasaw sa baho, lubid ang ibibigkis sa halip na mamahaling sinturon; ang maayos na buhok ay makakalbo, ang magagarang damit ay papalitan ng sako; ang kagandahan ay magiging kahihiyan.
At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
“Gumawa ka rin ng isang palamuting ginto na may nakaukit na ganito: ‘Inilaan kay Yahweh.’
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.
“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
Ang leon, pinakamatapang na hayop at kahit kanino ay di natatakot. Ang tandang na magilas, ang kambing na mabulas, at ang hari sa harap ng bayan.
Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina sa kanyang paniniwala.
Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.
Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman, lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan; hindi ito madadala kapag siya ay namatay, ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.
Tumingin ka sa paligid at masdan ang nangyayari. Ang mga mamamayan mo'y nagtitipun-tipon na upang umuwi. Ako si Yahweh, ang Diyos na buháy, ang nagsasabi: ipagmamalaki mo sila balang araw, tulad ng babaing ikakasal na suot ang kanyang mga alahas.
Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa.
Ang ibabaw ng saliga'y ginawa mong karagatan, at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan. Ngunit noong magalit ka, itong tubig ay tumakas, nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad. Bumuhos sa kabundukan, umagos sa kapatagan, natipon sa isang dako't naging isang karagatan,
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.
Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.
Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit.
Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.
Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas.
“Ipagpagawa mo si Aaron ng mahabang panloob na kasuotan at turbanteng yari sa telang lino at pamigkis na buburdahan nang maganda.
Sa lahat ng dako, nais kong ang mga lalaki ay manalangin nang may malinis na puso, walang sama ng loob at galit sa kapwa.
Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan, ang putong ng katandaan, buhok na panay uban.
Ang magandang babae ngunit mangmang naman, ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
Sa kaanyuan, para ngang ayon sa karunungan ang ganoong uri ng pagsamba, pagpapakumbaba at pagpapahirap sa sariling katawan. Ngunit ang mga ito ay walang silbi sa pagpigil sa hilig ng laman.
Ang pagsumpa sa kapwa sa kanya ay parang damit, kasuotang oras-oras nagagawa ang magbihis; sana'y siya ang ginawin, katulad ng nasa tubig tumagos sa buto niya, iyong sumpang parang langis.
Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan.
Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao,
Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan.
Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang. Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito.
upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
Si Aaron at ang mga anak niyang lalaki ay magsusuot nito pagpunta sa Toldang Tipanan o paglapit sa altar sa Dakong Banal para hindi magkasala at nang hindi sila mamatay. Mananatili itong tuntunin para kay Aaron at sa kanyang salinlahi.
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
“Walang nagtatagpi ng bagong tela sa isang lumang kasuotan. Sapagkat kapag umurong ang bagong tela, mababatak nito ang tinagpian at lalong lalaki ang punit.
Ang bawat isa'y binigyan ng tig-iisang bihisan, maliban kay Benjamin. Lima ang kanyang bihisan at pinadalhan pa ng tatlong daang pirasong pilak.
Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya. Kapag hindi ka nakabayad, hindi ba't kukunin pati ang higaan mo?
Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis, sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid, umaagos ito't nababasâ pati ang suot na damit.
Ganoon din ang dapat gawin ng lahat ng niloob ng Diyos na yumaman: tanggapin ang kanilang bahagi at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.
Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.
Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas, tinalikuran ko't iniwan nang ganap; ang mga gawain na magpapatanyag iniwan ko na rin, di ko na hinangad. Mapayapa ako at nasisiyahan, tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.
Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal.
Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan.
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
Ang dating mabango ay aalingasaw sa baho, lubid ang ibibigkis sa halip na mamahaling sinturon; ang maayos na buhok ay makakalbo, ang magagarang damit ay papalitan ng sako; ang kagandahan ay magiging kahihiyan. Mamamatay sa tabak ang inyong mga kalalakihan, at ang magigiting ninyong kawal sa digmaan.
Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin.
“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.
Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan.
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.
Samantala, ang biyudang mahilig sa kalayawan ay maituturing nang patay, bagaman siya'y buháy.
Ang taong mahirap kadalasa'y tinatalikuran, ngunit ang mayaman ay maraming kaibigan. Ang humahamak sa kapwa ay gumagawa ng masama, ngunit ang matulungin, ligaya ang tinatamasa.
Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha.
Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
Kaya't sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyong lahat ang diyus-diyosang taglay ninyo, maglinis kayo ng inyong katawan, at magbihis kayo.
Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.
Ako'y hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’
Si Cristo mismo ang inyong isinuot na parang damit nang kayo'y nabautismuhan sa inyong pakikipag-isa sa kanya. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak, para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato, lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos, umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos.