Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

100 Mga Talata sa Bibliya para Protektahan ang Iyong Sarili sa Inggit


1 Corinto 4:7

Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?

1 Pedro 2:12

Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating.

2 Timoteo 2:22

Kaya nga, iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan, sa halip ay pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis na tumatawag sa Panginoon.

Mga Kawikaan 28:6

Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

Efeso 5:5

Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Filipos 4:8

Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Mga Kawikaan 15:17

Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit.

1 Samuel 16:7

Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”

Lucas 22:25-26

Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinipilit ng mga hari ng mga Hentil na sila'y ituring na panginoon ng kanilang nasasakupan, at ang mga may kapangyarihan ay nagnanasang matawag na mga tagatangkilik.

Ngunit hindi ganoon ang dapat mangyari sa inyo. Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay na pinakamababa, at ang namumuno ay maging tagapaglingkod.

Mga Kawikaan 22:1

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.

1 Corinto 10:24

Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.

Mateo 6:33

Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Mga Kawikaan 13:7

May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman.

Mga Awit 62:10

Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan.

Mga Kawikaan 23:4

Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon.

1 Pedro 3:9

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

1 Timoteo 6:9

Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.

Filipos 2:3

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.

Mga Awit 139:23-24

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;

kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Mga Hebreo 12:15

Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba.

Mga Kawikaan 27:2

Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Mga Awit 112:10

Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.

Lucas 6:41-42

“Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang troso sa iyong mata?

Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo na ang puwing ng iyong kapatid.”

Mga Kawikaan 19:23

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

Mga Awit 1:1

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.

1 Corinto 13:5

hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.

Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Mga Kawikaan 11:28

Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.

Mateo 5:3

“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

Colosas 3:17

At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Mga Awit 112:1

Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

1 Timoteo 4:8

Sa pagsasanay ng katawan ay mayroon ding pakinabang, ngunit ang maka-Diyos na pamumuhay ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito'y may pangako hindi lamang para sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating.

Roma 8:6

Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.

Lucas 9:48

Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang pinakaaba sa inyong lahat ay siyang pinakadakila.”

Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Santiago 1:17

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago.

Efeso 4:2

Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.

Galacia 5:16

Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman.

Mateo 20:16

At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Mga Kawikaan 15:33

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.

Santiago 1:5

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.

1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Kawikaan 19:1

Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman.

Filipos 3:8

Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo

Eclesiastes 5:10

Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.

Roma 12:9

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.

Mateo 6:19-20

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.

“Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.

Mga Kawikaan 21:26

Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw, ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.

Mga Kawikaan 14:30

Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan.

Santiago 4:7

Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo.

Mga Kawikaan 27:4

Ang galit ay mabagsik, ang poot ay mabangis, ngunit ang pagseselos ay may ibayong lupit.

Mga Awit 37:7

Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.

Roma 13:13

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan.

Mga Awit 37:8

Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.

Mga Kawikaan 24:19-20

Huwag kang maiinggit sa mga gumagawa ng masama ni tutulad sa kanilang mga gawa.

Ang nasa isip nila'y laging kaguluhan, at ang dila nila'y puno ng kasinungalingan.

Ang masama ay walang kinabukasan, walang inaasahan sa hinaharap.

Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

1 Timoteo 6:6

Sa katunayan, may malaki ngang pakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan.

Mga Awit 119:36

Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos.

Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,

kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

1 Corinto 3:3

sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Ang inyong pag-iinggitan at pag-aaway-away ay palatandaan na makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman.

Mga Awit 73:3

Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama.

Roma 12:15

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.

Santiago 3:16

Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.

Exodus 20:17

“Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.”

Filipos 4:11-12

Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.

Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.

1 Corinto 13:4

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

Mga Awit 37:1

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa.

Mga Kawikaan 24:1

Huwag mong kainggitan ang mga makasalanan ni sa kanila'y makipagkaibigan.

Santiago 4:2-3

Mayroon kayong ninanasa ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't pumapatay kayo, mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong ninanais dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.

At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.

Galacia 5:26

Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.

Mga Kawikaan 23:17

Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip, si Yahweh ay laging igalang at sundin.

1 Pedro 2:1

Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit at paninirang-puri.

Mga Kawikaan 14:10

Walang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon din naman sa ligayang nadarama nito.

Mga Awit 73:26

Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.

Roma 12:16

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

Mga Kawikaan 4:23

Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

Mateo 6:21

Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Efeso 4:31

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.

1 Pedro 5:6-7

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Mga Awit 16:11

Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Galacia 6:4

Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba,

2 Corinto 10:12

Hindi kami nangangahas na ipantay o ihambing man lamang ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at pamantayan ng kanilang sarili!

Job 5:2

Ang sama ng loob ay pumapatay sa mga taong hangal. Ang pagkainggit ay kumikitil sa mga taong mangmang.

Mga Kawikaan 28:25

Ang taong gahaman ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh, uunlad ang kabuhayan.

Mga Awit 73:17

Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas, na ang masasama ay mapapahamak;

Lucas 12:15

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Colosas 3:5

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Mga Kawikaan 3:31

Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas.

1 Tesalonica 4:11

Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo.

Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Santiago 1:14

Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa.

Eclesiastes 4:4

Nakita ko ring ang tao'y nagpapakapagod upang mahigitan ang kanyang kapwa. Ngunit ito man ay walang kabuluhan, tulad lang ng paghahabol sa hangin.

Mga Kawikaan 15:16

Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban.

1 Juan 2:16

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Mga Awit 49:16-17

Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman, lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan;

hindi ito madadala kapag siya ay namatay, ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.

Mga Kawikaan 23:5

Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.

Mga Awit 37:16

Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala.