Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


150 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Proteksyon ng mga Anghel

150 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Proteksyon ng mga Anghel
Mga Awit 91:11-12

Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:14

Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga magkakamit ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:7

Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:20

“Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:10

“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 6:22

Wala pong nangyari sa akin sapagkat ang bibig ng mga leon ay pinatikom ng mga anghel na isinugo ng aking Diyos. Ginawa po niya ito sapagkat alam niyang wala akong kasalanan ni nagawang masama laban sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 32:1-2

Nagpatuloy si Jacob sa paglalakbay at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos. Hindi po ako karapat-dapat sa lahat ng kagandahang-loob ninyo sa akin. Nang tumawid po ako sa Jordan, wala akong dala kundi tungkod, ngunit ngayon sa aking pagbabalik, dalawang pangkat na ang aking kasama. Iligtas ninyo ako sa kamay ng aking kapatid na si Esau. Nangangamba po akong sa pagkikita nami'y patayin niya kami pati mga babae at mga bata. Nangako po kayong hindi ninyo ako pababayaan. Sinabi ninyong pararamihin ninyo ang aking lahi, sindami ng mga buhangin sa dagat.” Kinabukasan, si Jacob ay naghanda ng regalo para kay Esau. Pumili siya ng dalawampung barako at dalawandaang inahing kambing, dalawandaang inahing tupa at dalawampung barako, tatlumpung gatasang kamelyo na may mga anak, apatnapung inahing baka at sampung toro, at dalawampung inahing asno at sampung lalaking asno. Bawat kawan ay ipinagkatiwala niya sa isang alipin. Sinabi niya sa kanila, “Mauna kayo sa akin, ngunit huwag kayong magsasabay-sabay; lagyan ninyo ng pagitan ang bawat kawan.” Sinabi niya sa naunang alipin, “Kung masalubong mo ang aking kapatid at tanungin ka, ‘Sino ang iyong panginoon? Saan ka pupunta? Kaninong mga hayop ito?’ Sabihin mong, ‘Ito po'y galing sa inyong lingkod na si Jacob. Regalo po niya ito sa panginoon niyang si Esau.’ Sabihin mo ring kasunod na ninyo ako.” Ganito rin ang iniutos niya sa pangalawa, pangatlo at sa lahat ng aliping kasama ng kawan. Kaya't sinabi niya, “Ito ang hukbo ng Diyos,” kaya tinawag niyang Mahanaim ang lugar na iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 12:7

Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa silid-piitan. Tinapik nito si Pedro sa tagiliran at ginising. “Dali, bumangon ka,” sabi ng anghel. Nakalag ang mga tanikala sa mga kamay ni Pedro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 6:16-17

Sinabi ni Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila.” At siya'y nanalangin, “Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya'y makakita.” Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:11

Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:19

Ngunit kinagabiha'y binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:5-6

Gawing parang ipa na tangay ng hangin, habang tinutugis ng sinugong anghel. Hayaang magdilim, dumulas ang landas, ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:20-21

O purihin n'yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos, kayong mga nakikinig at sa kanya'y sumusunod! Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 19:5-7

Pagkatapos, nahiga siya at nakatulog. Ngunit dumating ang isang anghel, kinalabit siya nito at ang sabi, “Gising na at kumain ka!” Nang siya'y lumingon, nakita niya sa may ulunan ang isang tinapay na niluto sa ibabaw ng mainit na bato, at tubig sa isang lalagyan. Kumain nga siya at uminom. Pagkatapos ay nahiga muli. Ngunit bumalik ang anghel ni Yahweh, ginising siya muli at sinabi, “Bumangon ka at kumain. Napakahaba pa ng lalakarin mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 28:12

Nang gabing iyon, siya'y nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik-manaog doon ang mga anghel ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 6:12

Nagpakita sa kanya ang anghel ni Yahweh at sinabi sa kanya, “Sumasaiyo si Yahweh, magiting na lalaki.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 3:28

Dahil dito, sinabi ng hari, “Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego! Isinugo niya ang kanyang anghel upang iligtas ang mga lingkod niyang ito na ganap na sumampalataya sa kanya. Hindi sinunod ng mga ito ang aking utos; ginusto pa nilang sila'y ihagis sa apoy kaysa sumamba sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:43

Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:7

“Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ni Yahweh, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 48:16

At pati na ang anghel na sa akin ay nagligtas, pagpalain nawa kayo, tanggapin ang kanyang basbas; maingatan nawa ninyo at taglayin oras-oras ang ngalan ko, at ang ngalan ni Abraham at ni Isaac. Nawa kayo ay lumago, dumami at lumaganap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:53

Hindi mo ba alam na kung hihingi ako ng tulong sa aking Ama ay papadalhan agad niya ako ng higit sa labindalawang batalyon ng mga anghel?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 1:10-11

Ang mga ito ay isinugo ni Yahweh upang magmanman sa buong daigdig.” Sinabi ng mga tinutukoy ng anghel ni Yahweh, “Natingnan na po namin ang kalagayan ng buong daigdig; payapa po ang lahat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 14:19

Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay sa paglalakbay ng mga Israelita ay nagpahuli sa kanila, gayundin ang haliging ulap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:17

Ang kasama'y libu-libong matitibay na sasakyan, galing Sinai, si Yahweh ay darating sa dakong banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 27:23-24

Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na nagmamay-ari sa akin at siya kong pinaglilingkuran. Sinabi niya sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo! Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang sa iyo'y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama mong naglalakbay.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 20:16

Dahil dito, dumaing kami kay Yahweh. Dininig niya kami at isinugo sa amin ang isang anghel na siyang naglabas sa amin mula sa Egipto. At ngayo'y narito kami sa Kades, sa may hangganan ng iyong nasasakupan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 10:13

Ngunit pinigilan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia sa loob ng dalawampu't isang araw, hanggang sa dumating si Miguel, isa sa mga pangunahing pinuno na sumaklolo sa akin sapagkat naiwan ako noong nag-iisa kasama ng mga hari ng Persia.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 9:21

ang anghel na si Gabriel, na nakita ko sa aking unang pangitain, ay mabilis na lumipad palapit sa akin sa oras ng paghahandog sa gabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 13:3-6

Minsan, nagpakita sa babae ang anghel ni Yahweh at sinabi, “Hindi ka pa nagkakaanak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at manganganak. Kaya, mula ngayon ay huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang ipinagbabawal na pagkain. Kapag naisilang mo na ang iyong anak na lalaki, huwag mo siyang puputulan ng buhok sapagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay ilalaan na siya sa Diyos bilang isang Nazareo. Siya ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.” Lumapit ang babae sa kanyang asawa at sinabi, “Nagpakita sa akin ang isang lingkod ng Diyos, at ang hitsura niya'y kakila-kilabot na parang anghel ng Diyos. Hindi ko tinanong kung saan siya galing at hindi naman niya sinabi kung sino siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:18

Ililigtas ako mula sa labanan, at pababaliking taglay ang tagumpay, matapos gapiin ang mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:11-13

Nagpakita sa kanya doon ang isang anghel ng Panginoon na nakatayo sa gawing kanan ng altar na sunugan ng insenso. Nasindak si Zacarias at natakot nang makita niya ito. Ngunit sinabi ng anghel sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang iyong asawang si Elizabeth ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipapangalan mo sa bata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:26-28

Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:26

Pagkatapos, sinabi ng isang anghel ng Panginoon kay Felipe, “Pumunta ka sa gawing timog sa daang mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Halos hindi na iyon dinadaanan ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:1

Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ang layunin ng paghahayag na ito'y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 5:11-12

Tumingin akong muli at narinig ko ang tinig ng milyun-milyon at libu-libong anghel. Sila'y nakapaligid sa trono, sa apat na buháy na nilalang at sa matatandang pinuno. Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, kaluwalhatian, papuri at paggalang!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 12:1

“Sa panahong iyon, darating ang dakilang anghel na si Miguel, ang makapangyarihang pinuno at tagapagtanggol ng bansang Israel, at magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 21:16

Tumingala si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh sa pagitan ng langit at lupa. May hawak itong espada at nakaamba sa Jerusalem. Si David at ang matatandang pinuno ay nagsuot ng damit-panluksa, at nagpatirapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 14:17

Iniisip ko rin po na ang salita ninyo ay makapagdudulot sa akin ng kapanatagan sapagkat tulad kayo ng anghel ng Diyos na nalalaman ang lahat ng bagay. Sumainyo nawa si Yahweh na inyong Diyos!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:3-4

Minsan, nang bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain; kitang-kita niyang pumasok ang isang anghel ng Diyos at siya'y tinawag, “Cornelio.” Sumagot si Cornelio, “May apat na araw na ngayon ang nakakalipas, bandang alas tres din ng hapon, habang ako'y nananalangin dito sa aking bahay, biglang tumayo sa harap ko ang isang lalaking nakakasilaw ang kasuotan. “Sinabi niya, ‘Cornelio, nakarating sa Diyos ang iyong mga panalangin at nakita niya ang pagtulong mo sa dukha. Ipasundo mo sa Joppa si Simon Pedro. Nanunuluyan siya sa bahay ni Simon na tagapagbilad ng balat ng hayop. Siya ay nakatira sa tabing-dagat.’ Kaya't kaagad akong nagsugo sa inyo ng ilang tao, at sa inyong kagandahang-loob ay pumarito kayo. Ngayon ay naririto kaming lahat sa harap ng Diyos upang pakinggan ang lahat ng ipinapasabi ng Panginoon.” At nagsalita si Pedro, “Ngayon ko lubusang nauunawaan na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit tagasaan mang bansa. Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Ipinahayag niya sa kanila ang Magandang Balita ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na siyang Panginoon ng lahat! Alam ninyo ang pangyayaring naganap sa buong lupain ng mga Judio, na nagsimula sa Galilea pagkatapos na ipangaral ni Juan ang mensahe tungkol sa bautismo. Alam ninyo ang tungkol kay Jesus na taga-Nazaret at kung paanong pinili siya ng Diyos at pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na pumunta siya sa iba't ibang dako upang gumawa ng kabutihan sa mga tao at pagalingin ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo. Nagawa niya ang mga ito sapagkat kasama niya ang Diyos. “Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Siya'y pinatay nila; siya ay ipinako nila sa krus. Tumingin siya at takot na takot na nagtanong, “Ano po iyon?” Sumagot ang anghel, “Nasiyahan ang Diyos sa iyong mga dalangin at pagtulong mo sa mga dukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 12:10-11

Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay at nakarating sa pintuang bakal na labasan papunta sa lungsod. Ito'y kusang bumukas at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang kalye, bigla siyang iniwan ng anghel. Noon natauhan si Pedro, kaya't sinabi niya, “Ngayon ko natiyak na totoo pala ang lahat! Isinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na mangyari sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:25

Ang kaloob na pagkai'y pagkain ng mga anghel, hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 33:23-24

“O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel, na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin. Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, ay magsabi ng ganito: ‘Siya ay pawalan, hindi siya dapat humantong sa libingan, narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 63:9

sa kapahamakan at kahirapan. Hindi isang anghel, kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila; iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag, na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:2-3

Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:10

Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:6

Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:3

Ikaw nawa ang muog ko, aking ligtas na kanlungan, matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 12:7-9

Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at hindi na sila pinayagang manatili sa langit. Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 16:7

Sinalubong siya ng anghel ni Yahweh sa tabi ng isang bukal sa ilang na malapit sa daang patungo sa Shur.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 19:5-8

Pagkatapos, nahiga siya at nakatulog. Ngunit dumating ang isang anghel, kinalabit siya nito at ang sabi, “Gising na at kumain ka!” Nang siya'y lumingon, nakita niya sa may ulunan ang isang tinapay na niluto sa ibabaw ng mainit na bato, at tubig sa isang lalagyan. Kumain nga siya at uminom. Pagkatapos ay nahiga muli. Ngunit bumalik ang anghel ni Yahweh, ginising siya muli at sinabi, “Bumangon ka at kumain. Napakahaba pa ng lalakarin mo.” Kumain nga siyang muli at uminom. At ang pagkaing iyo'y nagbigay sa kanya ng sapat na lakas upang maglakbay ng apatnapung araw at apatnapung gabi hanggang sa Sinai, ang Bundok ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 6:2-3

May mga serapin sa kanyang ulunan, at ang bawat isa'y may anim na pakpak: dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa sa mga paa, at dalawa ang ginagamit sa paglipad. Sinasabi nila sa isa't isa ang ganito: “Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 7:10

Parang bukal ang apoy na dumadaloy mula sa kanya. Pinaglilingkuran siya ng milyun-milyon, bukod pa sa daan-daang milyon na nakatayo sa harap niya. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang mga aklat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:41

Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 12:8

Sa araw na iyon, palalakasin ko ang mga taga-Jerusalem upang pati ang mga mahihina ay magiging sinlakas ni David. Ang sambahayan ni David ay magiging makapangyarihang tulad ng Diyos, tulad ng anghel ni Yahweh na nanguna sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:8-9

Akong si Juan ang nakarinig at nakakita sa lahat ng ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat, ako'y nagpatirapa sa paanan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga ito upang siya'y sambahin. Ngunit sinabi niya, “Huwag mong gawin iyan! Ako ma'y aliping tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:2

Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:7-8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:1

Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng napakalalim na hukay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:23

Pangungunahan kayo ng aking anghel patungo sa lupain ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Hivita at Jebuseo, at sila'y lilipulin ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 7:11

Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatandang pinuno, at ng apat na nilalang na buháy. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 10:21

Naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang nasa Aklat ng Katotohanan. Sa pakikipaglaban ko'y wala akong makatulong kundi si Miguel na iyong pinuno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 3:2

Doon, ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kanya na parang apoy na nagmumula sa gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ang puno ngunit hindi nasusunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 22:31

Sa sandaling ito'y ipinakita ni Yahweh kay Balaam ang anghel na nakatayo sa daan at may hawak pa ring tabak. Kaya't nagpatirapa si Balaam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 19:1-2

Nang gabing dumating sa Sodoma ang dalawang anghel, nakaupo si Lot sa may pintuan ng lunsod. Pagkakita sa kanila'y tumayo si Lot at sinalubong sila. Nagpatirapa siya sa harapan ng mga anghel. Ngunit hinaltak siya ng kanyang mga panauhin, at isinara ang pinto. Pagkatapos, binulag nila ang mga tao sa labas kaya't hindi makita ng mga ito ang pinto. Sinabi ng dalawang panauhin kay Lot, “Magmadali ka! Isama mong lahat ang iyong mga anak at iba pang kamag-anak na nakatira sa lunsod na ito. Umalis na kayo rito, sapagkat gugunawin na namin ang lunsod na ito! Pinakinggan ni Yahweh ang mabibigat na sumbong laban sa mga taga-Sodoma at pinapunta kami ni Yahweh upang wasakin ang lunsod na ito.” Kaya't pinuntahan ni Lot ang mga mapapangasawa ng kanyang mga anak na babae at sinabi sa kanila, “Umalis na kayo agad sapagkat wawasakin ni Yahweh ang lunsod na ito.” Ngunit akala nila'y nagbibiro lamang si Lot. Nang magbubukang-liwayway na, inapura ng mga anghel si Lot, “Magmadali ka! Umalis na kayo ng iyong asawa't mga anak nang hindi kayo madamay sa pagkawasak ng lunsod.” Nag-aatubili pa si Lot ngunit sa habag ni Yahweh, halos kaladkarin na sila ng mga lalaki palabas ng lunsod. Pagkatapos, isa sa mga anghel ay nagsabi, “Iligtas ninyo ang inyong sarili! Huwag kayong lilingon o hihinto sa libis! Magtago kayo sa kaburulan para hindi kayo mamatay!” Ngunit sumagot si Lot, “Huwag na po roon, Ginoo. Napakalaki na ng utang na loob ko sa inyo; napakabuti ninyo at iniligtas ninyo ako. Ngunit napakalayo ng mga kaburulan. Baka hindi na ako makarating doon nang buháy. “Mga ginoo,” wika niya, “inaanyayahan ko po kayo sa amin. Doon na kayo maghugas ng paa at magpalipas ng gabi. Bukas na ng umaga kayo magpatuloy ng paglalakbay.” Ngunit sumagot sila, “Huwag na, dito na lang kami sa lansangan magpapalipas ng gabi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 21:12-16

tatlong taóng taggutom, tatlong buwang pananalanta ng mga kaaway, o tatlong araw na pananalanta ng Diyos sa pamamagitan ng salot sa buong Israel na isasagawa ng anghel ni Yahweh. “Magpasya ka ngayon upang masabi ko ito kay Yahweh,” sabi ni Gad kay David. “Napakahirap ng kalagayan ko,” sagot ni David. “Gusto kong si Yahweh ang magparusa sa akin sapagkat mahabagin siya. Ayaw kong tao ang magparusa sa akin.” Nagpadala nga ng salot sa Israel si Yahweh, at pitumpung libo ang namatay sa kanila. Sinugo ng Diyos ang isang anghel ni Yahweh upang wasakin ang Jerusalem, ngunit nang wawasakin na ito, ikinalungkot ni Yahweh ang nangyayari. Kaya't sinabi niya, “Tama na! Huwag mo nang ituloy iyan.” Ang anghel noon ay nakatayo sa tabi ng giikan ni Ornan na isang Jebuseo. Tumingala si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh sa pagitan ng langit at lupa. May hawak itong espada at nakaamba sa Jerusalem. Si David at ang matatandang pinuno ay nagsuot ng damit-panluksa, at nagpatirapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 1:20

Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:39-40

Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan laban sa masama, ipagsasanggalang; sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:10-11

dahil nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’ at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:7

Kayo namang mga nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin kapag ang Panginoong Jesus ay inihayag na mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:1

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:4-5

Samantalang nagtataka sila kung ano ang nangyari, biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nakakasilaw ang damit. Habang sinasabi niya ito, ipinapakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.] Parang hindi pa rin sila makapaniwala sa laki ng galak at pagkamangha, kaya't tinanong sila ni Jesus, “May pagkain ba kayo riyan?” Siya'y binigyan nila ng isang hiwa ng isdang inihaw. Kinuha niya ito at kinain sa harap nila. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.” Binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magdusa at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.” Dahil sa matinding takot, sila'y nagpatirapa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:7

Sandaling panahong siya'y ginawa mong mas mababa kaysa mga anghel, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati, [ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng iyong nilikha]

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 19:35

Nang gabing iyon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at 185,000 kawal ang pinatay nito. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 4:6-7

Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu. Maging ang pinakamalaking hadlang ay makikita ninyong maaalis. Muli mong itatayo ang templo at habang inilalagay mo ang kahuli-hulihang bato, magbubunyi ang mga tao at kanilang sasabihin, ‘Napakaganda!’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 8:3-4

Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos. Mula sa kamay ng anghel ay tumaas sa harapan ng Diyos ang usok ng insenso kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:31

pagkat siya'y laging handang tumulong sa mahihirap, na lagi nang inuusig at ang gusto'y ipahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:9

Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, nang makipagtalo siya sa diyablo tungkol sa bangkay ni Moises, ay hindi nangahas gumamit ng paglapastangan. Ang tanging sinabi niya ay, “Parusahan ka nawa ng Panginoon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:20

Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:31

Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:6

At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng mga anghel ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:22

Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 21:17

Narinig ng Diyos ang iyak ng bata, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos, “Hagar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot. Naririnig ng Diyos ang iyak ng iyong anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:35-37

Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. Hindi ba't ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 10:10-11

Walang anu-ano, may kamay na biglang humawak sa akin. Dahil sa takot, nanginginig pa rin ang aking mga kamay at mga tuhod. Sinabi niya, “O Daniel, lubos kitang minamahal, tumayo ka at pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko. Isinugo ako para sabihin ito sa iyo.” Nanginginig naman akong tumayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17

Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:6-7

Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 19:15-16

Nang magbubukang-liwayway na, inapura ng mga anghel si Lot, “Magmadali ka! Umalis na kayo ng iyong asawa't mga anak nang hindi kayo madamay sa pagkawasak ng lunsod.” Nag-aatubili pa si Lot ngunit sa habag ni Yahweh, halos kaladkarin na sila ng mga lalaki palabas ng lunsod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 27:22-24

Ito ngayon ang payo ko, lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mamamatay isa man sa inyo! Kaya nga lamang, mawawasak ang barko. Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na nagmamay-ari sa akin at siya kong pinaglilingkuran. Sinabi niya sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo! Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang sa iyo'y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama mong naglalakbay.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:5-6

Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:3-4

Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan. Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:7

Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya, “Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 62:6

Naglagay ako ng mga bantay sa mga pader mo, Jerusalem; hindi sila tatahimik araw at gabi. Ipapaalala nila kay Yahweh ang kanyang pangako, upang hindi niya ito makalimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 13:21-22

Sa kanilang paglalakbay araw-gabi, patuloy silang pinapatnubayan ni Yahweh: kung araw ay sa pamamagitan ng haliging ulap at kung gabi'y sa pamamagitan naman ng haliging apoy na tumatanglaw sa kanila. Laging nasa unahan nila ang haliging ulap kung araw at ang haliging apoy kung gabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18-20

Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo. Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila. aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman. Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 27:23

Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na nagmamay-ari sa akin at siya kong pinaglilingkuran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:20-21

Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay, huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan, pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay. Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan, sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:22

Namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:16

Itinuro ko na sa iyo ang aking salita, upang ito'y maipahayag mo; at iingatan ka ng aking mga kamay. Ako ang naglatag nitong kalangitan, pati mga pundasyon ng buong daigdig, ako rin ang naglagay; sabi ko sa Jerusalem, ‘Ikaw ang aking bayan.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 33:27

Sa mula't mula pa'y ang Diyos na ang inyong tanggulan, walang hanggan niyang bisig ang inyong kanlungan. Mga kaaway ninyo'y kanyang ipinagtabuyan, at inutusan kayong sila'y lipuling lubusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:14

na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:11

Ang nagpapakumbaba ay kanyang itinataas, ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:13

Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 19:10

Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako ma'y aliping tulad mo at tulad ng iyong mga kapatid na nagpapatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang pagpapatotoo tungkol kay Jesus ang diwa ng propesiya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:2

Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:12

Ngayon ay lalakad kayong hindi na nagmamadali. Hindi na kayo magtatangkang tumakas. Papatnubayan kayo ni Yahweh; at iingatan sa lahat ng saglit ng Diyos ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 1:10

Inaalagaan ninyo siya, ang kanyang pamilya at ang lahat ng ari-arian niya. Pinagpapala ninyo ang lahat ng kanyang gawin, at halos punuin ninyo ng kanyang kayamanan ang buong lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:2

Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 18:2

Walang anu-ano'y may nakita siyang tatlong lalaking nakatayo sa di kalayuan. Patakbo niyang sinalubong ang mga ito, at sa kanila'y yumuko nang halos sayad sa lupa ang mukha,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 14:14

Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:17

Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:10

Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:5

Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:4

Mga anak, kayo nga'y sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:19

Kaya katatakutan siya ng mga taga-kanluran, at dadakilain sa dakong silangan; darating si Yahweh, tulad ng malakas na agos ng tubig, gaya ng ihip ng malakas na hangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:3

Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:5

Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:17

Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:8

Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway, hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong kalusugan. Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa, at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:7

Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 32:7-8

“Maging matapang kayo. Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa mga taga-Asiria. Mas malakas ang kapangyarihang nasa panig natin kaysa nasa panig nila. Nasa tao ang kanyang lakas samantalang nasa panig natin ang ating Diyos na si Yahweh. Tutulungan niya tayo at ipaglalaban.” Sa sinabing ito ni Haring Ezequias, nabuhayan ng loob ang mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:8

Huwag kang matakot sa kanila sapagkat ako'y kasama mo at iingatan kita. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:1

Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:8

Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:22

Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:25-26

Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang. Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo, at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:13

Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:4

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:14

Yahweh, pagalingin mo ako, at ako'y lubusang gagaling; sagipin mo ako, at ako'y ganap na maliligtas. Ikaw ang tangi kong pupurihin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:1

Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag; sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas, pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak, ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:21

Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:5

Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:14-15

Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas