Kaibigan, kapag kumapit ka na sa kamay ng Diyos, hinding-hindi ka Niya pababayaan. Mahal na mahal ka Niya. Alam Niya ang bawat sandali ng iyong araw, nakita Niya ang iyong mga gawa para sa Kanya, alam Niya ang iyong mga sakripisyo at pagbibigay. Kaya nangako Siyang sasamahan ka hanggang sa dulo, hanggang sa huling hininga mo.
Nariyan ang Diyos sa lahat ng oras, sa gitna ng sakit, ng paghihirap, kahit sa oras ng pagpanaw. Nasa tabi mo ang iyong Ama, dahil tapat Siya sa Kanyang mga pangako at hindi Niya sisirain ang kahit isa man sa mga ito. Pagpapalain Niya ang iyong buhay at ipapakita Niya ang Kanyang kabutihan sa iyong mga pagsubok, kinikilala ang iyong katapatan bilang isang tapat na lingkod.
Dadalhin ka ng Panginoon sa kapahingahan at inihanda Niya para sa iyo ang mga tahanang langitin kung saan wala nang sakit at pagdurusa. Papahirin Niya ang iyong mga luha at gagantimpalaan ang iyong paghihirap dito sa lupa, binibigyan ng halaga ang iyong walang kundisyong pagmamahal at lubos na pagtatalaga.
Dahil sa iyong katapatan sa maliit na bagay, gagantimpalaan ka ng iyong Amang walang hanggan nang sagana. Huwag kang matakot sa hinaharap, manalig ka sa Diyos at magtiwala ka sa Kanya. Hindi ka mapapahiya, dahil itataas Niya ang iyong buhay.
Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.
Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago; ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.
Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan.
Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.
Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.
Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.
Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.
at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay sa mga binuhay mula sa kamatayan, at ang pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan.
Kaya't pakatatandaan ninyong si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at siya ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin. Ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong salinlahi.
Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, “Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat.
Ang aking pinakananais at inaasahan ay ang hindi ako mapahiya sa anumang bagay; kundi sa lahat ng panahon, at lalo na ngayon, ay buong tapang kong maparangalan si Cristo sa buhay man o sa kamatayan.
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay;
at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
Ang pangako sa lingkod mo, sana'y iyong gunitain, pag-asa ang idinulot ng pangako mo sa akin.
Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.
Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.
Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.
O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.
Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan,
Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito.
Pagkat ang pag-ibig na ukol sa ati'y dakila at wagas, at ang katapatan niya'y walang wakas. Purihin si Yahweh!
Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.
Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!
“Malapit na akong pumanaw sa daigdig na ito. Alam ninyo sa inyong puso't kaluluwa na tinupad ng Diyos ninyong si Yahweh ang bawat mabuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala siyang hindi tinupad.
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
Akong si Yahweh ang magsasabi ng dapat sabihin. Hindi na magtatagal, mga Israelitang mapaghimagsik, at mangyayari sa inyong kapanahunan ang lahat ng aking sasabihin.”
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.
Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.
Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay.
Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw, ang sa tuwi-t'wina'y aking aawitin; ang katapatan mo'y laging sasambitin.
Iyang dambuhalang kung tawagi'y Rahab ay iyong dinurog sa taglay mong lakas, lahat mong kaaway ay iyong winasak, kapangyarihan mo'y ubod nang lakas.
Sa iyo ang langit, sa iyo ang lupa, ang buong daigdig ikaw ang maylikha, lahat nang naroo'y sa iyo nagmula.
Timog at hilaga, ikaw ang naglagay; Bundok Hermo't Tabor ay nag-aawitan, nagpupuri sila sa iyong pangalan.
Ang taglay mong lakas at kapangyarihan, ay walang kaparis, di matatawaran!
Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan.
Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan ka at sa pag-ibig mo'y namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ika'y pinupuri, ang katarungan mo'y siyang sinasabi.
Ang tagumpay namin ay iyong kaloob, dahilan sa iyong kagandahang-loob.
Sapagkat si Yahweh ang aming sanggalang, ang aming hari ay siya ang humirang, Banal ng Israel, siya'y aming sandigan.
Noon pa mang una, sa mga lingkod mo, ika'y nagsalita, sa pangitaing ipinakita'y ito ang badya: “Aking pinutungan ang isang dakila, na aking pinili sa gitna ng madla.
Ang iyong pag-ibig walang katapusan, sintatag ng langit ang iyong katapatan.
Walang hanggan, O Yahweh, ang lahat ng tuntunin mo, sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.
O Yahweh na Makapangyarihang Diyos, O Yahweh, mayroon pa kayang katulad kang lubos? Sa kapangyarihan ay tunay na puspos, kadakilaan mo'y sadyang lubus-lubos.
Sumusunod sa iyo dagat mang mabangis, alon mang malaki'y napapatahimik.
Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos.
Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito.
O Yahweh na Makapangyarihang Diyos, O Yahweh, mayroon pa kayang katulad kang lubos? Sa kapangyarihan ay tunay na puspos, kadakilaan mo'y sadyang lubus-lubos.
Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait, wagas ang pag-ibig, di madaling magalit, lubhang mahabagi't banayad magalit.
Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang.
Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.
Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig kayang sabihin niyon ay hindi na rin tapat ang Diyos?
sapagkat iisa lamang ang Diyos. Kapwa niya ituturing na matuwid ang mga Judio at mga Hentil batay sa kanilang pananampalataya.
Pinapawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga namin ito.
Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Kapag ikaw ay nagsalita, mapapatunayan kang matuwid at kung ikaw ay hahatulan, ikaw ay mananaig.”
Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan, tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;
Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya.
Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!
Kaya nga, ang mga nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako.
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.
Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.
Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampaslupa.
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili;
hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.
Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.”
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
“Purihin si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng kapayapaan ang bayan niyang Israel. Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira.
Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin.
Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.
Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!
Ganito ang sinabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel, sa itinakwil at kinamuhian ng mga bansa at inalipin ng mga pinuno: “Makikita ng mga hari ang pagpapalaya sa iyo; sila'y titindig bilang pagpaparangal sa iyo. At yuyukod ang mga prinsipe bilang paggalang sa iyo, sapagkat hinirang ka ni Yahweh, ang banal na Diyos ng Israel.”
Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao, wala nang taong tapat at totoo.
“Ako si Yahweh. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagbabago sa aking pangako.
Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.
Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”
Nababatid ko, O Yahweh, matuwid ang iyong batas, kahit ako'y pagdusahin, nananatili kang tapat.