Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


117 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Parusa

117 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Parusa

Sa Biblia, madalas nating mababasa ang tungkol sa pagdidisiplina. Ito ay nagtuturo sa atin tungkol sa katarungan ng Diyos at kung paano Niya itinutuwid ang Kanyang mga anak. Makikita natin sa Banal na Kasulatan na dinidisiplina ng Diyos ang mga lumalayo sa Kanya at sumusunod sa kanilang sariling mga kagustuhan at kasalanan.

Pero, ang pagdidisiplinang ito ay hindi dapat tingnan bilang paghihiganti o kalupitan. Ito ay pagpapakita ng pagmamahal at katarungan ng Diyos. Sa Lumang Tipan, nakita natin kung paano dinisiplina ng Diyos ang Kanyang bayan noong tinalikuran nila ang Kanyang mga utos at sumamba sa ibang diyos. Hindi Niya ginawa ito para sila'y mawasak, kundi para sila'y maturuan at maituwid, tulad ng isang magulang na dinidisiplina ang anak para itama at gabayan sa tamang daan. Ginagawa rin ito ng Diyos sa atin nang may pagmamahal.

Sa Bagong Tipan naman, may kuwento tayo tungkol sa alibughang anak. Dito ipinakita ni Hesus ang mapagpatawad na katangian ng pagdidisiplina ng Diyos. Kahit lumayo ang alibughang anak sa kanyang ama at ginastos nang walang ingat ang kanyang mana, pagbalik niya nang may pagsisisi, tinanggap siya nang buong puso. Ang pagdidisiplina sa kuwentong ito ay hindi para parusahan ang anak, kundi para siya'y magsisi at maibalik ang relasyon niya sa kanyang ama.

Kaya, ang pagdidisiplina ay hindi dapat isipin na isang masamang bagay. Ito ay isang pagkakataon para tayo ay lumago, matuto, at makipagkasundo sa Diyos. Inaanyayahan tayo nito na pag-isipan ang ating mga ginagawa at suriin kung tayo ba ay namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kung tayo man ay magkamali at madisiplina, maaari tayong magtiwala sa awa at pagpapatawad ng Diyos.


Mateo 25:46

Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay pupunta sa buhay na walang hanggan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:11

“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:6

Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:12

Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:12

Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:11

Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:24

Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 5:17

“Kung ang sinuma'y makalabag sa alinmang utos ko kahit hindi niya ito nalalaman, siya'y nagkakasala at dapat parusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:48

Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:10-11

Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya. Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:15

Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:18

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:17

“Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:14

Ako'y kanyang magiging ama at siya'y aking magiging anak. Kung siya'y magkasala, paparusahan ko siya tulad ng pagpaparusa ng ama sa nagkakasalang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:11

“‘Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang gumamit nito nang walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:32-33

kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila, sila'y hahampasin sa ginawang sala. Ngunit ang pangako't pag-ibig kay David, ay di magbabago, hindi mapapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:5

Itanim ninyo sa inyong isipan na kayo'y dinidisiplina ni Yahweh na inyong Diyos gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:18

Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:20

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:10

Ang gumawa ng masama ay tatanggap ng parusa, at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:2

ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:36

Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayo'y turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:18-19

“Kung sa kabila nito'y hindi pa rin kayo makikinig, makapitong ibayo ang parusang igagawad ko sa inyo dahil sa inyong mga kasalanan. Paparusahan ko kayo dahil sa katigasan ng inyong ulo; hindi ko pauulanin ang langit at matitigang ang lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 6:1

O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit, o kaya'y parusahan kapag ika'y nag-iinit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 33:19

Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit, upang sa pamamagitan ng kirot ang tao'y maituwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:12-13

Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan. Pagkat sila'y magdaranas ng kapahingahan, hanggang yaong masasama'y mahulog sa kanilang hukay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:13-14

Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:18

Pinagdusa ako at pinarusahan nang labis at labis, ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:19

Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:7

Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko'y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:18

Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 14:18

‘Si Yahweh ay hindi madaling magalit, mahabagin at handang magpatawad. Subalit hindi niya ipinagwawalang-bahala ang kasamaan, sapagkat ang kasalanan ng mga magulang ay kanyang sisingilin hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:13

Sa labi ng may unawa matatagpuan ang karunungan, ngunit sa likod ng isang mangmang, pamalo ang kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:21

Sapagkat darating si Yahweh mula sa kalangitan, upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa sandaling ito'y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang at mabubunyag pati ang kanilang libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:16

Apoy at espada ang gagamitin niya sa pagpaparusa sa mga nagkasala; tiyak na marami ang mamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:28-29

Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig at sila'y babangon. Lahat ng gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:8-9

na may naglalagablab na apoy. Parurusahan ang lahat ng hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Panginoong Jesus. Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:6

Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya].

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:1

Yahweh, huwag mo po akong kagalitan! O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:17

Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:22

Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay mas kahahabagan pa ang mga taga-Tiro at taga-Sidon kaysa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:32

Ngunit hinahatulan tayo ng Panginoon dahil itinutuwid niya tayo, upang hindi tayo maparusahang kasama ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:35

Akin ang paghihiganti, ako ang magpaparusa; kanilang pagbagsak ay nalalapit na. Araw ng kapahamakan sa kanila'y darating, lubos na pagkawasak ay malapit ng sapitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:30-32

“Kung ang mga anak niya ay susuway, at ang aking utos ay di igagalang, kung ang aking aral ay di papakinggan at ang kautusa'y hindi iingatan, kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila, sila'y hahampasin sa ginawang sala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:5

Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:47-48

“Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:11

Ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo. Lilipulin ko ang lahat ng bansang pinagkalatan ko sa inyo; subalit kayo'y hindi malilipol. Paparusahan ko kayo nang marapat, ngunit ako'y magiging makatarungan sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:36

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:34-35

At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:23-25

Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, paparusahan ang nakasakit: buhay din ang kabayaran sa buhay, mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 25:2-3

at kung ang angkop na parusa ay hagupit, padadapain ng hukom ang may sala, at hahagupitin ayon sa bigat ng kanyang kasalanan. Apatnapu ang pinakamaraming hagupit na maaaring ibigay sa may sala; ang higit dito ay paghamak na sa kanyang pagkatao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30-32

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa. Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay sapagkat di kayo dapat mamatay, mga Israelita. Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, kaya magpakabuti na kayo upang mabuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:17-18

“Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam. Ginagamot niya ang kanyang nasugatan, pinapagaling niya ang kanyang nasaktan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:26-27

Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7-8

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:4

Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila'y itinapon sa impiyerno kung saan sila'y iginapos sa kadiliman upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:4

Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 7:3-4

Dumating na ngayon ang inyong katapusan. Ibubuhos ko na sa inyo ang aking matinding poot at hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga gawa. Paparusahan ko kayo dahil sa inyong kasamaan. Wala akong patatawarin isa man. Paparusahan ko kayo dahil sa inyong kasamaan. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:39

Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:10

Ang matalino'y natututo sa isang salita ngunit ang mangmang ay hindi, hampasin mang walang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:13

Kaya't sinimulan ko na ang inyong pagbagsak at pagkawasak dahil sa inyong mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:17-18

Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman, kaya sila'y aking itinakwil. Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin. Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan, at ang nagluluksa'y aking aaliwin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:15-16

“Subalit kung hindi kayo makikinig kay Yahweh na inyong Diyos at hindi susunod sa kanyang mga utos at mga tuntuning ibinibigay ko sa inyo ngayon, mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito: “Susumpain niya kayo, ang inyong mga lunsod at ang inyong mga bukid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:14-16

“Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi tutuparin ang mga utos ko, kung tatanggihan ninyo ang aking mga tuntunin at kautusan, kaya't ayaw ninyong sundin ang mga ito at sisirain ninyo ang ginawa kong kasunduan sa inyo, padadalhan ko kayo ng mga sakuna. Makakaranas kayo ng matitinding sakit na magpapalabo ng inyong mata, at magpapahina ng inyong katawan. Hindi ninyo makakain ang pinagpagalan ninyo sapagkat ito'y kakainin ng inyong mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 6:1

“Halikayo, tayo'y manumbalik kay Yahweh; sapagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya't siya rin ang gagamot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:13-14

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:5

Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 8:11

Ang hatol sa kasamaan ay di agad iginagawad kaya naman ang tao'y nawiwili sa paggawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 3:11

At sa masasamang tao: “Kawawa naman kayo! Ang sasapitin ninyo'y kapahamakan, kung ano ang inyong inutang ay siya ring kabayaran, kung ano ang inyong ginawa, gayundin ang gagawin sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:17

May nangagkasakit, dahil sa kanilang likong pamumuhay; dahil sa pagsuway, ang dinanas nila'y mga kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:29

May hatol na nakalaan para sa mga mapanuya, at sa mga mangmang ay may hagupit na nakahanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:29

at sila'y babangon. Lahat ng gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:29

“Dahil dito'y paparusahan ko sila; maghihiganti ako sa kanilang bansa. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:30

Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan, at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:10

Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa katawang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:12-13

Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:14

Nilimot ka na ng lahat mong mangingibig; wala na silang malasakit sa iyo. Sinaktan kita, gaya ng isang kaaway, buong lupit kitang pinarusahan; sapagkat matindi ang iyong kasamaan at napakarami mong kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:12

Nahirapan sila, pagkat sa gawain sila'y hinagupit; sa natamong hirap, nang sila'y bumagsak ay walang lumapit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:5

Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatarungang paghatol ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 13:3

Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:1-2

Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko at aking ihahayag ang pagliligtas mo. Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla. Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat. Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y iyong tatanggapin. Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:9

Dumarating na ang araw ni Yahweh, malupit ito at nag-aalab sa matinding poot, upang wasakin ang lupain at ang masasama ay lipulin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:5

Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 4:1

“Darating ang araw na gaya ng isang nagbabagang hurno, tutupukin ang mga palalo at masasama gaya ng dayami at walang matitira sa kanila,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:9

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:18

Paparusahan niya ang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa, kahit ang nasa malalayong lugar ay kanyang gagantihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:5

ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang masira man ang kanyang katawan, maliligtas naman ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:4

Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang magkasala ay mamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36

“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:33

Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:27

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:11

Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:6

Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:8

Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 1:17-18

Padadalhan ko ng matinding kalungkutan ang mga tao; lalakad sila na parang bulag, sapagkat nagkasala sila laban kay Yahweh. Mabubuhos na parang tubig ang kanilang dugo, at mangangalat ang kanilang bangkay na parang basura. Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o ginto sa araw ng poot ni Yahweh. Matutupok sa apoy ng kanyang mapanibughuing poot ang buong daigdig, sapagkat bigla niyang wawasakin ang lahat ng naninirahan sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:5

Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:9

Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:15-16

Darating si Yahweh na may dalang apoy at nakasakay sa mga pakpak ng bagyo upang parusahan ang mga kinamumuhian niya. Apoy at espada ang gagamitin niya sa pagpaparusa sa mga nagkasala; tiyak na marami ang mamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:19

Ang poot ni Yahweh ay parang bagyong nagngangalit, parang nag-aalimpuyong ipu-ipo na kanyang pababagsakin sa masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:58-59

“Kapag hindi ninyo sinunod ang lahat ng utos sa aklat na ito at hindi ninyo iginalang ang kahanga-hanga at kakila-kilabot na pangalan ni Yahweh, kayo at hanggang sa inyong kaapu-apuhan ay padadalhan niya ng matinding kahirapan at mga salot na walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:11-12

Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan. Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw, laban sa lahat ng palalo at mayabang, laban sa lahat ng mapagmataas;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:10-11

ay paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 46:28

Inuulit ko, Jacob na aking lingkod, huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo,” sabi ni Yahweh. “Ganap na magwawakas ang lahat ng bansang pinagtapunan ko sa iyo, subalit ikaw ay hindi ko wawasakin. Paparusahan kita sapagkat iyon ang nararapat; hindi maaaring hindi kita parusahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:42

Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:6-8

Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:30-31

Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.” Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:6-7

Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. Kayo namang mga nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin kapag ang Panginoong Jesus ay inihayag na mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:4

Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha, at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa. Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita, sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nahum 1:2-3

Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin at mapaghiganti; si Yahweh ay naghihiganti at napopoot. Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin; kanyang mga kaaway, kanyang pinaparusahan. Si Yahweh ay hindi madaling magalit subalit dakila ang kanyang kapangyarihan; at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban. Bagyo at ipu-ipo ang kanyang dinaraanan; ang mga ulap ay kagaya lamang ng alikabok sa kanyang mga paa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 25:17

Paparusahan ko sila nang mabigat bilang paghihiganti, at madarama nila ang tindi ng aking galit. Sa gayon, malalaman nilang ako si Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang makatarungan, banal, at sakdal, kay buti ng iyong kalooban at ng bawat isa sa iyong mga iniisip. Sa iyo ang lahat ng papuri at pasasalamat dahil sa iyong karunungan at katalinuhan. Laging nahahayag ang iyong dakilang pag-ibig at kapangyarihan. Purihin ka nawa magpakailanman. Ang aking kaluluwa ay sumasamba sa iyo, Kristo. Dakila ka, Panginoon, sa iyong walang hanggang awa. Nananalangin ako nang may pagpapakumbaba sa iyong harapan, na patawarin mo ako sa aking mga pagkakamali at kasalanan. Inaamin ko na ako'y nagkulang at gumawa ng mga maling desisyon sa aking buhay. Amang mahal, kailangan ko ang iyong kapatawaran at kaligtasan mula sa kaparusahang nararapat sa akin. Alam kong ikaw ay Diyos na mabagal magalit at puspos ng habag, kayang magpatawad sa lahat ng aking mga pagkukulang sa pamamagitan ng iyong walang hanggang pag-ibig. Taos-puso akong nagsisisi sa aking mga nagawa at determinado akong ituwid ang aking landas upang sundin ang iyong kalooban. Nawa’y ang iyong kabutihan at awa ay mapasaakin, upang ako’y maipanganak muli sa iyong biyaya at mamuhay nang naaayon sa iyong kalooban. Dalangin ko, O Diyos, na patawarin mo ako at tulungan mo akong maging mas mabuting tao. Iniaalay ko sa iyo ang aking buhay at kapalaran, nagtitiwala sa iyong walang hanggang kabutihan. Salamat, aking Diyos, sa pakikinig sa aking panalangin ngayong araw at sa iyong walang hanggan na pagmamahal. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas