Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

63 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kamatayan

Alam mo, sabi nga sa Kawikaan 18:21, napakalakas ng ating mga salita. Kaya nitong magbigay-buhay, kaya rin nitong pumatay. Isipin mo, ang bigat 'di ba?

Kaya dapat gamitin natin ang mga salitang ito para magpala, hindi para manira. Para maging repleksyon tayo ng kabutihan ng Diyos dito sa lupa. Kasi nga, darating at darating din naman ang araw natin. Kaya habang nabubuhay tayo, dapat responsable at masipag tayo sa bawat araw na ibinibigay sa atin.

Naaalala ko nga 'yung tawag ni Hesus sa atin, para sa mga dakilang bagay. Lakarin natin 'yun kasama Siya, sa liwanag at hindi sa dilim. Gusto Niyang maging maingat tayo sa ating pananalita kasi may kapangyarihan itong humubog ng realidad.

Piliin natin si Hesus, na siyang buhay, at hindi ang kasalanang naghahatid ng kamatayan. Nawa'y lagi nating isaisip 'yan.


Jeremias 21:8

“Sabihin mo sa bayang ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Narito ang buhay at ang kamatayan. Mamili kayo sa dalawa.

2 Corinto 7:10

Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.

1 Corinto 15:26

Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan.

Roma 6:9

Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

Roma 8:6

Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.

Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,

ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

2 Timoteo 1:10

ngunit ito'y nahayag na ngayon, nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ang kapangyarihan ng kamatayan at inihayag ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.

2 Corinto 2:15-16

Para kaming mabangong samyo ng insensong inihahandog ni Cristo sa Diyos at nalalanghap naman ng mga naliligtas at ng mga napapahamak.

Sa mga napapahamak, ito'y parang alingasaw na nakamamatay, ngunit sa mga naliligtas, ito'y halimuyak na nagdudulot ng buhay. Sino ang may sapat na kakayahang gumawa ng mga bagay na ito?

1 Corinto 15:21

Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao.

Jeremias 8:3

Para sa mga nabubuhay pa sa makasalanang lahing ito na nagkalat sa mga lupaing pinagtapunan ko sa kanila, nanaisin pa nila ang mamatay kaysa patuloy na mabuhay. Akong si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang nagsasabi nito.”

Deuteronomio 30:15

“Binibigyan ko kayo ngayon ng pagpipilian: buhay o kamatayan; kasaganaan o kahirapan;

Juan 11:25-26

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay;

at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

Mateo 5:4

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Mga Awit 23:4

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Roma 7:9

Noong una, namuhay ako nang walang Kautusan. Subalit nang dumating ang utos, nabuhay ang kasalanan

Juan 5:24

“Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi nakatawid na siya sa buhay mula sa kamatayan.

1 Corinto 3:22

si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito'y para sa inyo.

Deuteronomio 30:19

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.

1 Corinto 15:54-55

Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!”

“Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”

Mga Awit 33:18-19

Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.

Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay.

Marcos 12:27

Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay; siya ang Diyos ng mga buháy. Talagang maling-mali kayo!”

1 Tesalonica 4:13-14

Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa.

Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos upang isama kay Jesus ang lahat ng mga namatay na sumasampalataya sa kanya.

Mga Hebreo 2:14

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.

1 Pedro 4:5

ngunit mananagot sila sa Diyos na handang humatol sa mga buháy at sa mga patay.

2 Corinto 4:12

Kaya't habang nagwawagi sa amin ang kamatayan, nagwawagi naman sa inyo ang buhay.

2 Corinto 2:16

Sa mga napapahamak, ito'y parang alingasaw na nakamamatay, ngunit sa mga naliligtas, ito'y halimuyak na nagdudulot ng buhay. Sino ang may sapat na kakayahang gumawa ng mga bagay na ito?

1 Corinto 15:36

Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing itinatanim hangga't hindi iyon namamatay.

Ezekiel 18:32

Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, kaya magpakabuti na kayo upang mabuhay.”

2 Timoteo 2:11

Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo, mabubuhay din tayong kasama niya.

Filipos 1:21

Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang.

Isaias 57:2

Mapayapa ang buhay, ng taong lumalakad sa katuwiran kahit siya'y mamatay.

1 Corinto 15:55-57

“Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”

Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.

Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Isaias 25:8

Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan, at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.

Mga Hebreo 9:27

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.

Eclesiastes 3:2

Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.

2 Corinto 5:1

Alam naming kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, kami'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao.

Job 14:1-2

“Ang buhay ng tao'y maikli lamang, subalit punung-puno ng kahirapan.

Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kanyang katapusan, pagkalagot ng kanyang hininga, saan naman kaya siya pupunta?

“Tulad ng ilog na tumigil sa pag-agos, at gaya ng lawa na ang tubig ay naubos.

Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangon hanggang ang langit ay maparam.

Itago mo na sana ako sa daigdig ng mga patay, hanggang sa ang poot mo'y mapawi nang lubusan, at muli mong maalala ang aking kalagayan.

Kung ang tao ay mamatay, siya kaya'y muling mabubuhay? Ngunit para sa akin, paglaya ko sa hirap ay aking hihintayin.

Ikaw ay tatawag at ako'y sasagot, sa iyong nilikha, ikaw ay malulugod.

Kung magkagayon, bawat hakbang ko'y iyong babantayan, di mo na tatandaan ang aking mga kasalanan.

Ang mga kasalanan ko'y iyong patatawarin, lahat ng kasamaan ko'y iyong papawiin.

“Darating ang araw na guguho ang kabundukan, malilipat ng lugar mga batong naglalakihan.

Sa buhos ng tubig, ang bato ay naaagnas, ang lupang matigas sa baha ay natitibag, gayon ang pag-asa ng tao, kapag iyong winasak.

Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas, parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam.

Mga Awit 116:15

Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.

Mga Awit 39:4-5

“Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay, kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.”

Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)

Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Genesis 3:19

sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.”

Mga Awit 146:4

kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong plano nila'y natatapos.

Mga Awit 90:10

Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taóng singkad, minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas; ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap, pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.

Colosas 3:3

sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.

Lucas 23:43

Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Roma 14:8

Kung tayo'y nabubuhay, para sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo'y namamatay, para sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo'y sa Panginoon.

1 Pedro 1:24-25

Ayon sa kasulatan, “Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at ang bulaklak ay kumukupas,

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.” Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Job 19:25-26

Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.

Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.

Mga Hebreo 2:14-15

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.

Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila'y inalipin ng takot sa kamatayan.

Mga Kawikaan 14:32

Ang masama ay ibinabagsak ng sariling kasamaan, ngunit ang kanlungan ng matuwid ay ang kanyang kabutihan.

Mga Awit 49:15

Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan. (Selah)

Eclesiastes 7:1

Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan.

Mga Awit 88:10-12

Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan, para purihin ka niyong mga patay? (Selah)

Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag, o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat?

Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita, o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na?

Mateo 24:44

Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Lucas 12:5

Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Isaias 57:1-2

Ang taong matuwid kapag namamatay, walang nakakaunawa at walang nakikialam; ngunit siya'y kinukuha upang iligtas sa kapahamakan.

Lubha kayong nagpagod sa maraming lakbayin, at kailan ma'y hindi sinabi na wala na itong pag-asa. Kayo ay nagpanibagong-lakas, at dahil dito ay hindi nanghina.

Ang tanong ni Yahweh, “Sino ba ang inyong kinatatakutan kaya nagsinungaling kayo sa akin at lubusang tumalikod? Matagal ba akong nanahimik kaya kayo tumigil ng pagpaparangal sa akin?

Akala ninyo'y tama ang inyong ginagawa. Ibubunyag ko ang masama ninyong gawa; at tingnan ko lang kung tutulungan kayo ng mga diyus-diyosang iyan.

Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy; ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip, kaunting ihip lamang, sila'y itataboy. Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa, ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”

Ang sabi ni Yahweh: “Ang mga hinirang ay inyong bayaang magbalik sa akin, ang bawat hadlang sa daan ay inyong alisin; ang landas ay gawin at inyong ayusin.”

“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.

Ako ang nagbigay ng buhay sa aking bayan, sila'y hindi ko patuloy na uusigin; at ang galit ko sa kanila'y hindi mananatili sa habang panahon.

Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman, kaya sila'y aking itinakwil. Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin.

Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan, at ang nagluluksa'y aking aaliwin.

Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man. Aking pagagalingin ang aking bayan.

Mapayapa ang buhay, ng taong lumalakad sa katuwiran kahit siya'y mamatay.

Mga Awit 30:5

Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

1 Juan 5:11-12

At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak.

Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang hanggan; ngunit kung wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.

Galacia 6:7-8

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

Job 14:5

Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw, at bilang na rin ang kanyang mga buwan, nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan.

Mga Awit 16:10

Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Hesus, sa oras na ito sinasamba ko ang iyong pangalan at kadakilaan. Ikaw ay banal at karapat-dapat sa lahat ng papuri. Dalangin ko na bigyan mo ako ng mga salitang makapagbabago, mga salitang nagbibigay-buhay at hindi kamatayan. Nawa'y ang aking pandama ay nakatuon sa mga bagay ng Espiritu, sapagkat ito ang nagbibigay ng buhay, at hindi sa mga bagay ng laman na nagdudulot lamang ng kamatayan. Ipinapahayag ko ngayon sa aking pamilya, mga kaibigan, at sa mga hindi pa nakakakilala sa iyo, nawa'y maranasan nila ang isang buhay na sagana sa iyo. Sabi ng iyong salita, "Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, at ang umiibig dito ay kakain ng bunga nito." Panginoon, dalangin ko na bigyan mo ng buhay ang mga mag-asawang nawalan na ng pag-ibig, hipan mo ng buhay at pag-asa ang kanilang relasyon. At nawa'y ang kapangyarihan ng iyong Banal na Espiritu ay pumukaw sa lahat ng mga taong nalalayo sa pananampalataya at dahil dito'y namatay sa espirituwal. Nawa'y hipan mo sila ng hininga ng buhay at muling mabuksan ang kanilang mga mata at tainga sa espirituwal. Sa pangalan ni Hesus, Amen.