Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

97 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtawa

Alam mo, binago ng Diyos ang ating pag-iyak sa pagsasayaw, pinalitan Niya ang ating sakit ng kagalakan para lagi tayong masaya. Totoo, marami tayong pagsubok na haharapin sa araw-araw, pero mga pagkakataon ito para lalo tayong kumapit sa Diyos, makilala Siya, at mabuhay nang may tiwala sa kapangyarihan ng Kanyang pagmamahal.

Kaya ngiti ka, tumawa ka, ipakita mo sa kalaban mo na higit ka pa sa isang nagtagumpay kay Kristo. Hayaang mapuno ng galak ang puso mo dahil sa gagawin ng Panginoon sa buhay mo. Huwag mong tingnan ang sitwasyon mo ngayon, dahil ibabalik Niya ang galak ng iyong kaligtasan at matatawa ka sa hinaharap, dahil umaasa ka sa Panginoon, Siyang nagbabangon sa iyo, sumusuporta, at hindi ka kailanman iiwan.

Tumawa ka, kahit mag-isa, hayaang marinig ang iyong tawa at malito ang iyong mga kaaway. Kahit na nahihirapan ka ngayon, hindi ka hahayaan ng iyong Lumikha na nakahandusay, babangun ka Niya at ipagtatanggol ang iyong panig, bibigyan ka ng tagumpay at tutulungan kang makalaya sa sakit at takot. Mapupuno ng tawa ang iyong bibig, palagi mong pupurihin ang Kanyang kadakilaan at patuloy na makikita ng iyong mga mata ang Kanyang kabutihan dito sa lupa ng mga nabubuhay.


Job 8:21

Patatawanin ka niya at pasisigawin sa tuwa,

Eclesiastes 2:2

Ang halakhak ay ipinalagay kong kahangalan at ang kaligayahan ay walang kabuluhan.

Mga Awit 2:4

Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.

Job 5:22

Kaguluhan at taggutom, iyo lamang tatawanan, at mababangis na hayop, hindi mo katatakutan.

Job 41:29

Kahoy na panghampas sa kanya'y para lamang patpat, tumatawa lamang siya kapag siya'y sinisibat.

Mga Awit 37:13

Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na.

Santiago 4:9

Maghinagpis kayo, umiyak at tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan ang inyong kagalakan!

Mga Awit 126:2

Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!”

Mga Awit 59:8

Ngunit ikaw, Yahweh, tinatawanan mo't iyong kinukutya; gayon ang gawa mo sa may salang bansa.

Genesis 18:12-15

Lihim na natawa si Sara at nagwika sa sarili, “Ngayong ako'y matanda na pati ang aking asawa, masisiyahan pa kaya ako sa pakikipagtalik?”

“Bakit natawa si Sara, at nagsabing kung kailan pa siya tumanda saka siya magkakaanak?” tanong ni Yahweh kay Abraham.

“Mayroon bang hindi kayang gawin si Yahweh? Tulad ng sinabi ko, babalik ako sa isang taon at pagbalik ko'y may anak na siya.”

Dahil sa takot, nagkaila si Sara at ang wika, “Hindi po ako tumawa.” Ngunit sinabi niya, “Huwag ka nang magkaila, talagang tumawa ka.”

Lucas 6:21

“Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin. “Pinagpala kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magsisitawa!

Eclesiastes 3:4

Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang.

Mga Kawikaan 1:26

Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan.

Eclesiastes 7:3

Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa katuwaan, pagkat maaaring malungkot ang mukha ngunit masaya ang kalooban.

Mga Awit 52:6

Ito'y makikita ng mga matuwid, matatakot sila, at ang sasabihing pawang nagtatawa:

Mga Kawikaan 14:13

Sa gitna ng ligaya maaaring dumating ang kalungkutan, ngunit ang kaligayaha'y maaaring magwakas sa panambitan.

Genesis 21:6

Sinabi ni Sara, “Nakakatawa ang ginawang ito sa akin ng Diyos at sinumang makarinig nito'y tiyak na matatawa rin.”

Eclesiastes 7:6

Ang halakhak ng mangmang ay tulad ng siklab ng apoy, walang kabuluhan.

Mga Kawikaan 17:22

Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.

Mga Kawikaan 31:25

Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal.

Mga Awit 16:11

Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Mga Awit 126:5

Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.

Isaias 55:12

“May galak na lilisanin ninyo ang Babilonia, mapayapa kayong aakayin palabas ng lunsod. Aawit sa tuwa ang mga bundok at mga burol, sisigaw sa galak ang mga punongkahoy.

Mga Awit 144:15

Mapalad ang bansang kanyang pinagpala. Mapalad ang bayang si Yahweh'y Diyos na dinadakila!

Mga Awit 4:7

Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin.

Mga Awit 126:6

Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!

Eclesiastes 2:24

Ang mabuti pa sa tao'y kumain at uminom, at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos.

Eclesiastes 5:19-20

Ganoon din ang dapat gawin ng lahat ng niloob ng Diyos na yumaman: tanggapin ang kanilang bahagi at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.

Huwag kang pabigla-bigla sa pananalangin. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya sapagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Mag-ingat ka sa pagsasalita.

Sa gayon, hindi siya malulungkot kahit na maikli ang buhay niya sa daigdig sapagkat puno naman ito ng kasiyahan.

Eclesiastes 8:15

Kaya para sa akin, ang tao'y dapat magpakasaya sa buhay. Walang pinakamabuti kundi kumain, uminom at magsaya. Ito ay magagawa niya habang siya'y nabubuhay at nagpapakapagod sa mundong ito.

Eclesiastes 9:7-9

Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo.

Nawa'y lumigaya ka sa bawat oras.

Magpakaligaya ka sa piling ng babaing iyong minamahal habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito sapagkat iyon ang iyong bahagi at bunga ng iyong pinagpaguran sa maikling buhay na ito.

Isaias 61:3

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Isaias 65:18-19

Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan.

Ako mismo'y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.

Zefanias 3:17

Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan,

Juan 15:11

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan.

Juan 16:24

Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo, at kayo'y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.”

Juan 17:13

Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan.

Mga Awit 51:12

Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat.

Mga Kawikaan 12:25

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.

Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Mga Awit 32:11

Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!

Mga Awit 30:11-12

Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit.

Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Mateo 5:12

Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”

Mateo 25:21

“Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’

Roma 12:15

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.

Roma 14:17

Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.

Mga Kawikaan 15:13

Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.

Mga Kawikaan 15:15

Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya.

Mga Kawikaan 15:30

Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan, at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan.

Mga Kawikaan 21:15

Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.

Mga Kawikaan 29:6

Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan, ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.

Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!

1 Tesalonica 5:16

Magalak kayong lagi,

Mga Awit 97:1

Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!

Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Mga Awit 100:2

Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!

Mga Kawikaan 10:28

Ang pag-asa ng matuwid ay may magandang kahinatnan, ngunit ang pag-asa ng masama, ang dulot ay kabiguan.

Isaias 12:3

Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”

Isaias 9:3

Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Nagagalak sila na parang panahon ng anihan, at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan.

Jeremias 15:16

Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo'y aking kagalakan. Ako'y sa iyo, Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Mga Awit 68:3

Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid; sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.

Mga Awit 92:4

Ako'y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako'y umaawit dahilan sa tuwa.

Lucas 15:7

Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Lucas 15:10

Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”

Lucas 6:23

Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

1 Pedro 1:8

Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita,

1 Juan 1:4

Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan.

Filipos 2:17-18

Kung ang buhay ko ma'y ibuhos bilang handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo.

Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan.

Mga Awit 149:2

Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa.

Mateo 9:15

Sumagot siya, “Dapat bang malungkot ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ito, saka pa lamang sila mag-aayuno.

Mateo 9:2

Pagdating doon, dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”

Lucas 1:14

Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya. Marami ang magagalak sa kanyang pagsilang

Lucas 10:20

Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”

Mga Gawa 2:46

Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban.

2 Corinto 7:4

Lubos ang aking pagtitiwala sa inyo; lagi ko kayong ipinagmamalaki! Sa kabila ng lahat naming tinitiis, ang nadarama ko'y kaaliwan; nag-uumapaw sa puso ko ang kagalakan.

Isaias 61:10

Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.

Jeremias 31:13

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga, makikigalak pati mga binata't matatanda; ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa, aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.

Mga Awit 33:21

Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.

Mga Awit 35:9

Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak; sa habag sa akin ako'y iniligtas.

Mga Awit 119:111

Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

Mga Awit 126:1-3

Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik, ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip.

Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!”

Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

Juan 16:20

Pakatandaan ninyo: iiyak kayo at tatangis, ngunit magagalak ang sanlibutan. Labis kayong malulungkot, subalit ang inyong kalungkutan ay mapapalitan ng kagalakan.

Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Isaias 51:11

Ang mga tinubos ninyo'y babalik sa Jerusalem, magsisigawan sa galak, umaawit sa tuwa. Ang mamamalas sa kanilang mukha ay walang hanggang galak, at sa puso nila ang lungkot at hapis ay mawawalang lahat.

Mga Gawa 13:52

Ang mga alagad naman sa Antioquia ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.

2 Corinto 6:10

Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong kami'y laging nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman; mga walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.

Mga Kawikaan 24:17

Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan.

2 Samuel 6:14-16

Isinuot ni David ang isang linong efod, at nagsasayaw siya sa harapan ni Yahweh.

Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta.

Nang sila'y papasok na ng lunsod, si David ay naglululundag at nagsasayaw. Nang siya'y madungawan ni Mical na anak ni Saul, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni David.

Lucas 6:25

“Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom! “Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!

Isaias 60:5

Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa.

Nehemias 8:10

“Umuwi na kayo at magdiwang, kumain kayo at uminom ng bagong alak! Bigyan ninyo ang mga walang pagkain at inumin sapagkat ang araw na ito ay banal para kay Yahweh, kaya huwag kayong malungkot. Ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo.”

Mga Awit 63:7

ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina, kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.

Filipos 4:7

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Isaias 35:10

Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh na masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.

Job 22:26

Sa Makapangyarihang Diyos ka palaging magtiwala, at ang Maykapal ang pagkukunan mo ng tuwa.

Mga Awit 5:11

Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan.

Efeso 5:19-20

Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal at kagila-gilalas ang iyong pangalan, walang kapantay ang iyong kabanalan. Amang Banal, lumalapit ako sa iyo nang may pasasalamat dahil sa bawat araw na pinagkakalooban mo ako ng iyong kabutihan at nakakapagpahinga ako sa iyong mga bisig, naghihintay sa iyong salita dahil nangako kang pupuspusin mo ng halakhak ang aking bibig at ng kagalakan ang aking mga labi. Panginoon, salamat dahil ang aking kagalakan ay hindi nagmumula sa mga damdamin o pangyayari, kundi sa pamamagitan ng iyong presensya. Tulungan mo akong palaging maipamalas ang bunga ng iyong Banal na Espiritu upang hindi ako umasa o magtiwala sa nakikita ng aking mga mata, dahil tunay ngang ipinahayag mo: “Tatawanan ko ang pagkawasak at kagutuman, at hindi ako matatakot sa mababangis na hayop sa parang.” Turuan mo akong araw-araw na iangkla ang aking pananampalataya sa iyong salita upang ang iyong presensya ang maging prayoridad sa aking buhay at sa gayon ay makahawa ng halakhak sa mga nakapaligid sa akin, maunawaan na ikaw ang lumalaban sa aking mga laban at dumadaig sa aking mga kaaway, sapagkat, sabi ng iyong salita: “Siyang nananahan sa kalangitan ay tatawa; Panginoon ay tutuya sa kanila.” Sa ngalan ni Hesus, Amen.