“Umuwi na kayo at magdiwang, kumain kayo at uminom ng bagong alak! Bigyan ninyo ang mga walang pagkain at inumin sapagkat ang araw na ito ay banal para kay Yahweh, kaya huwag kayong malungkot. Ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo.”
Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan.
Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan.
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,
Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.
O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita, sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!” Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin.
Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kaabalahan para sa akin na ulitin ang naisulat ko na, dahil ito naman ay para sa inyong kapakanan.
Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas. Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”
Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway, sa dalisay namang puso maghahari'y kagalakan. Kayong mga matuwid, kay Yahweh ay magalak, sa banal niyang pangalan kayo'y magpasalamat.
Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!
Ang pag-asa ng matuwid ay may magandang kahinatnan, ngunit ang pag-asa ng masama, ang dulot ay kabiguan.
Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.
Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.
“May galak na lilisanin ninyo ang Babilonia, mapayapa kayong aakayin palabas ng lunsod. Aawit sa tuwa ang mga bundok at mga burol, sisigaw sa galak ang mga punongkahoy.
Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid; sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.
Mapalad ang bansang kanyang pinagpala. Mapalad ang bayang si Yahweh'y Diyos na dinadakila!
Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo'y aking kagalakan. Ako'y sa iyo, Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Ako'y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako'y umaawit dahilan sa tuwa.
Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa.
“Gayundin naman, nalulungkot kayo ngayon, ngunit muli ko kayong makikita, at mag-uumapaw sa inyong puso ang kagalakang hindi maaagaw ninuman.
Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.
Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog, yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot; sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos, buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!
Ang mga taga-Efraim ay magdiriwang, katulad nila'y kawal na nagtagumpay. Aawit sila sa galak na parang nakainom ng alak. Makikita ito ng mga anak nila at matutuwa, si Yahweh ay pupurihin sapagkat siya ang gumawa.
Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!
Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman, ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan.
Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Nagagalak sila na parang panahon ng anihan, at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan.
lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.
Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan ka at sa pag-ibig mo'y namumuhay sila. Sa buong maghapon, ika'y pinupuri, ang katarungan mo'y siyang sinasabi.
Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: “Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan.
Silang lumalapit sa iyo'y dulutan ng ligaya't galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!” ng nangaghahangad maligtas na kusa.
Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.
Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan,
Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”
Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!
Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian.
Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.
Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”
Lubos ang aking pagtitiwala sa inyo; lagi ko kayong ipinagmamalaki! Sa kabila ng lahat naming tinitiis, ang nadarama ko'y kaaliwan; nag-uumapaw sa puso ko ang kagalakan.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa.
Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
Ang mga tinubos ninyo'y babalik sa Jerusalem, magsisigawan sa galak, umaawit sa tuwa. Ang mamamalas sa kanilang mukha ay walang hanggang galak, at sa puso nila ang lungkot at hapis ay mawawalang lahat.
Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban.
Habang ako'y tumutugtog ay sisigaw na may galak, masigla kong aawiting: “Ako'y iyong iniligtas.”
Ihahagis mo sila at tatangayin ng hangin; pagdating ng bagyo ay pakakalatin. Magdiriwang kayo sa pangalan ni Yahweh, at pararangalan ang Banal na Diyos ng Israel.
Dahil dito, natitiyak kong ako'y mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa Panginoon.
ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina, kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.
Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit.
Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga, makikigalak pati mga binata't matatanda; ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa, aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.
Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh na masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.
Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan.
Iyong mga pari hayaang maghayag sa aking pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak.
Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan. Ako mismo'y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
Sa gayon, kung loloobin ng Diyos, masaya akong makakarating diyan at muling pasiglahin sa inyong piling.
Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.
Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Magdiwang kayo, kalangitan! Gayundin kayo, kalaliman ng lupa! Umawit kayo, mga bundok at kagubatan, sapagkat nahayag ang karangalan ni Yahweh nang iligtas niya ang bansang Israel.
Sinundan ninyo ang aming halimbawa at ang halimbawa ng Panginoon. Kahit dumanas kayo ng napakaraming paghihirap, tinanggap ninyo ang salita ng Diyos nang may kagalakang mula sa Espiritu Santo.
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot.
At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.
O langit, magpuri ka sa tuwa! Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok, sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang, sa gitna ng hirap ay kinahahabagan.
Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!
Timog at hilaga, ikaw ang naglagay; Bundok Hermo't Tabor ay nag-aawitan, nagpupuri sila sa iyong pangalan.
Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’ Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.” Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
Ganito ang naging panalangin ni Ana: “Pinupuri kita, Yahweh, dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.
Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak, magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag.
Nawa'y purihin ka ng mga nilikha, pagkat matuwid kang humatol sa madla; ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)
Pagkatapos, sila ay isinama niya sa kanyang tahanan at ipinaghanda ng pagkain. Masayang-masaya ang bantay at ang kanyang buong sambahayan, sapagkat sila'y sumampalataya sa Diyos.
Magsiawit kayo, mga guhong pader nitong Jerusalem; sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan; iniligtas na niya itong Jerusalem.
Kayong mga matuwid, kay Yahweh ay magalak, sa banal niyang pangalan kayo'y magpasalamat.
Kapag naaalala ko ang iyong pagluha, nananabik akong makita ka upang malubos ang aking kagalakan.
Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak, sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.”
Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik, ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip. Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!”
Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino.
Iyong mga pari, hayaang maghayag ng iyong pagliligtas, ang mga hinirang sumigaw sa galak!
upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon.
Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.
Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Dapat kayong magalak, sapagkat kayo'y kanyang bayan, ang lahat ng sumasamba sa kanya ay magdiwang.
Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.
Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa, at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”
“Sabihin mo sa kanila na ang mga araw ng pag-aayuno tuwing ikaapat, ikalima, ikapito at ikasampung buwan ng taon ay gagawin kong araw ng kagalakan at pagdiriwang ng Juda. Kaya't pahalagahan ninyo ang katotohanan at kapayapaan.”
Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya'y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon nang buong puso.
Ibangon mo kami, sana'y ibalik mo ang nawalang lakas, at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.
“Magalak kayo, mga taga-Zion! Matuwa kayo dahil sa ginawa ni Yahweh na inyong Diyos. Pinaulan niya nang sapat sa taglagas, at gayundin sa taglamig; tulad ng dati, uulan din sa tagsibol.
Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.
Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.
Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak.
Kung umaga'y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit.
Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)
Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.
Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak.
“Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’
Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan.
Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo.
Dahilan sa pangako mo, nagagalak yaring buhay, katulad ko ay taong nakatuklas noong yaman.
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
Ang disyerto ay aawit sa tuwa, ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon. Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh.
Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
Gumagala yaong tupa sa gitna ng kaparangan, at hitik na hitik naman ang trigo sa kapatagan. Ang lahat ay umaawit, sa galak ay sumisigaw!
“Pinagpala ang mga taong pinatawad na ang pagsuway, at ang mga taong pinawi na ang mga kasalanan. Pinagpala ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.”
Itinuro mo sa akin ang mga landas patungo sa buhay, dahil ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’
Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!
Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod, nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.
Ikagagalak ko ang gawan sila ng kabutihan. Ipinapangako kong patatatagin ko sila sa lupaing ito, at gagawin ko ito nang buong puso't kaluluwa.”
Nang araw na iyon, nag-alay sila ng maraming handog at masayang nagdiwang ang mga tao dahil sa kagalakang dulot sa kanila ng Diyos. Pati mga babae at mga bata ay nagdiwang din kaya't ang ingay nila'y narinig sa malalayong lugar.
Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.
ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin, at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.
Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay.
Sa kanya na makapag-iingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin, sa kanya ang kaluwalhatian, kadakilaan, kapamahalaan at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailanman! Amen.
Sa isang kasalan, ang babaing ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na nagagalak kapag narinig niya ang tinig nito. Gayundin naman, lubos na ang aking kagalakan ngayon.
Doon din kayo magsasalu-salo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos bilang pasasalamat sa mga pagpapala niya sa inyo.
Sa laki ng tuwa ay mag-aawitan ang aking mga lingkod, samantalang kayo'y tataghoy sa hirap at sama ng loob.
Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak nagsipasok sa palasyo, kanyang hari ay hinanap.
Sa pamamagitan ng [pagsampalataya] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.
Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.
Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon.