Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

91 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagtanggi sa mga Imahe at Maling Diyos


Exodus 20:3-5

“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.

“Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.

Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Deuteronomio 12:3

Gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang mga sinasambang haligi, sunugin ang mga imahen ng kanilang diyosang si Ashera, durugin ang kanilang mga diyus-diyosan, at alisin sa lugar na iyon ang anumang bakas nila.

Isaias 37:19

Sinunog nila ang diyos ng mga ito, sapagkat ang diyos nila'y hindi tunay; mga bato at kahoy lamang na gawa ng mga tao.

Jeremias 16:20

Maaari bang gumawa ng sarili nilang diyos ang mga tao? Hindi! Kung gagawa sila, hindi ito maaaring maging tunay na diyos.”

Mga Awit 135:15-18

Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.

Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita;

mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig.

Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!

Mga Awit 115:4-7

Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos, sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita, at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;

di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga, ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam, mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang, ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.

Jeremias 10:5

Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.”

Isaias 44:9

Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya.

Isaias 42:8

Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan.

Deuteronomio 27:15

“‘Sumpain ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’ “Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’

Deuteronomio 7:25

Sunugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan. Huwag ninyong pagnanasaan ang mga pilak o gintong ginamit sa mga iyon sapagkat ito ang magiging patibong sa inyo dahil iyon ay kasuklam-suklam kay Yahweh.

Deuteronomio 4:15-16

“Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Sinai, wala kayong nakitang anyo, kaya mag-ingat kayong mabuti.

Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao,

Leviticus 19:4

“Huwag kayong maglilingkod sa mga diyus-diyosan ni gagawa ng mga imahen upang sambahin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.’

Exodus 34:13-14

Sa halip, sirain ninyo ang kanilang mga altar, durugin ninyo ang mga batong ginagamit nila sa kanilang pagsamba at ibuwal ang mga haliging kinikilala nilang sagrado.

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos.

Exodus 20:4-5

“Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.

Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Deuteronomio 5:8-9

“‘Huwag kang gagawa ng diyus-diyosang imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.

Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

2 Mga Cronica 34:4

Ipinasibak niya sa kanyang harapan ang larawan ng mga Baal. Giniba niya ang mga altar ng insenso. Winasak niya ang mga imahen ni Ashera at ang mga diyus-diyosang kahoy at ginto. Ipinadurog niya ito nang pinung-pino at ipinasabog sa libingan ng mga sumamba sa kanila.

Mga Awit 135:18

Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!

Mga Awit 97:7

Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyosan, mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam. Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.

Exodus 34:17

“Huwag kayong gagawa ng diyus-diyosang metal at sasamba sa mga ito.

Jeremias 51:17

Sa ganitong kalagayan ay magiging mangmang at walang kaalaman ang lahat ng tao. Bawat panday ay inilalagay sa kahihiyan ng nililok niyang diyus-diyosan; sapagkat hindi tunay na diyos at walang buhay ang kanyang ginawa.

Habakuk 2:18

Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan? Tao lamang ang gumawa nito, at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito. Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa? Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita.

Isaias 57:13

Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy; ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip, kaunting ihip lamang, sila'y itataboy. Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa, ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”

Exodus 23:24

Huwag ninyong yuyukuran o sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan, ni tutularan ang kanilang ginagawa. Durugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan pati mga haliging ginamit nila sa pagsamba.

Ezekiel 23:49

Pagbabayaran ninyong magkapatid ang inyong kahalayan, at daranasin ang bigat ng parusa sa pagsamba sa diyus-diyosan. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

Mga Awit 115:4-8

Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos, sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita, at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;

di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga, ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam, mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang, ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.

Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala, lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.

1 Juan 5:21

Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.

Jeremias 3:6

Noong panahon ni Haring Josias, sinabi sa akin ni Yahweh: “Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Umaakyat siya sa bawat burol at nakikipagtalik sa lilim ng mayayabong na punongkahoy.

Ezekiel 8:10

Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakakapandiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyosan ng Israel.

Jeremias 44:8

Bakit ninyo ako ginagalit sa pamamagitan ng inyong pagsamba at pagsusunog ng handog sa mga diyus-diyosan sa Egipto na inyong tinatahanan? Winawasak ninyo ang inyong sarili at kayo'y magiging tampulan ng paghamak at pagsumpa ng lahat ng bansa.

1 Mga Hari 14:9

Higit ang ginawa mong kasamaan kaysa ginawa ng lahat ng mga nauna sa iyo. Tinalikuran mo ako at ginalit nang magpagawa ka ng sarili mong mga diyos, mga imaheng yari sa tinunaw na metal.

2 Mga Hari 23:5

Pinaalis niya ang mga paring itinalaga ng mga unang hari ng Juda upang magsunog ng insenso sa mga dambana ng mga diyus-diyosan sa Juda at sa palibot ng Jerusalem. Pinalayas din niya ang mga paring nagsusunog ng insenso para kay Baal, para sa araw, buwan at mga bituin sa langit.

1 Corinto 8:4

Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay larawan ng mga bagay na di-totoo, at alam nating iisa lamang ang Diyos.

Isaias 40:18-20

Saan ninyo ihahambing ang Diyos at kanino ninyo siya itutulad?

Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao, na binalutan ng ginto, at ipinatong sa pilak?

Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.”

Hindi rin siya maitutulad sa rebultong kahoy matigas man ang kahoy at hindi nabubulok, na nililok upang hindi tumumba at mabibili lang sa murang halaga.

Exodus 32:8

Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila'y iyon ang diyos na naglabas sa kanila sa Egipto.

Mga Hukom 6:25

Kinagabihan, sinabi ni Yahweh kay Gideon, “Kunin mo ang toro ng iyong ama, at isa pang toro na pitong taóng gulang. Gibain mo ang altar ni Baal na ipinagawa ng iyong ama at putulin mo ang rebulto ni Ashera sa tabi nito.

1 Mga Hari 21:26

Ginawa niya ang mga mahahalay na kasalanan sa pamamagitan ng pagsamba niya sa mga diyus-diyosan, gaya ng mga Amoreo na pinalayas ni Yahweh noong pumasok ang bayang Israel sa lupaing iyon.

2 Mga Hari 17:16

Nilabag nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos at gumawa ng dalawang guyang metal. Iginawa rin nila ng rebulto ang diyus-diyosang si Ashera. Sinamba nila ang araw, buwan at mga bituin at naglingkod din kay Baal.

Jeremias 11:12

Dahil dito'y tatawag sa mga diyus-diyosan ang mga taga-Juda at Jerusalem at magdadala ng mga handog sa harapan ng mga ito. Subalit hindi sila maililigtas ng mga diyus-diyosang ito kapag dumating na ang oras ng paglipol.

Hosea 8:4

“Pumili sila ng mga hari nang wala akong pahintulot; naglagay sila ng mga pinuno, ngunit hindi naman ayon sa aking kagustuhan. Ginawa nilang diyus-diyosan ang kanilang pilak at ginto na nagdala sa kanila sa kapahamakan.

Isaias 48:5

Kaya noon pa, ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo, upang kung maganap na'y huwag ninyong isipin na ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito.

Mga Awit 106:19-20

Sa may Bundok ng Sinai, doon ay naghugis niyong gintong guya, matapos mahugis ang ginawa nila'y kanilang sinamba.

Sinong mangangahas upang magpahayag na siya'y dakila? Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?

Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha, sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.

Exodus 23:13

“Pakinggan ninyong mabuti itong mga sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa mga diyus-diyosan, ni babanggitin man ang kanilang pangalan.

Hosea 13:2

Hanggang ngayo'y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan. Tinutunaw ang mga pilak at ginagawang diyus-diyosan. Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito! At halikan ninyo ang mga guyang ito.”

Ezekiel 14:6

“Sabihin mo nga sa bayang Israel na ipinapasabi ko: Magsisi na kayo at tigilan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Ezekiel 6:6

Saanman kayo magtayo ng bayan, ito'y gigibain ko. Wawasakin ko ang inyong dambana sa mataas na dako. Dudurugin ko ang inyong mga diyus-diyosan, ibabagsak ang inyong mga dambanang sunugan ng insenso, at ipagtatatapon ang inyong mga ginawa.

Deuteronomio 32:21

Pinanibugho nila ako sa mga diyos na hindi totoo, sa pagsamba sa kanila'y ginalit nila ako, kaya't bayang hangal kahit hindi akin ay siyang gagamitin, upang aking bayan galitin at panibughuin.

1 Samuel 7:3

Sinabi sa kanila ni Samuel, “Kung talagang buong pusong nanunumbalik na kayo kay Yahweh, alisin ninyong lahat ang mga diyus-diyosan at ang imahen ni Astarte. Italaga ninyo kay Yahweh ang inyong sarili at siya lamang ang inyong paglingkuran. Kapag ginawa ninyo ito, ililigtas niya kayo sa kapangyarihan ng mga Filisteo.”

Isaias 44:10

Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin.

Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo.

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Deuteronomio 11:16

Ngunit mag-ingat kayo! Huwag kayong padadaya. Huwag kayong sasamba ni maglilingkod sa mga diyus-diyosan.

Isaias 46:7

Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok.

Isaias 45:20

Sinabi ni Yahweh, “Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa; kayong mga mangmang na nagpapasan ng mga imaheng kahoy at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas. Ang mga taong ito'y walang nalalaman.

Jeremias 2:11

Mayroon bang bansa na nagpalit ng kanyang mga diyos, kahit na ang mga ito ay hindi naman talagang diyos? Ngunit ipinagpalit ako ng bayang aking pinarangalan, at sila'y sumamba sa mga diyus-diyosang wala namang kabutihang magagawa para sa kanila.

Isaias 2:20

Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at paniki, ang mga rebultong yari sa ginto at pilak na ginawa nila upang kanilang sambahin.

Mga Awit 106:36

Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran, sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.

1 Corinto 10:14

Kaya nga, mga minamahal, iwasan ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Isaias 44:17

Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!”

Exodus 20:23

Huwag kayong gagawa ng anumang diyus-diyosan, pilak man o ginto.

2 Mga Hari 23:24

Pinaalis ni Josias ang mga sumasangguni sa mga espiritu ng namatay na, ang mga manghuhula, ang mga diyus-diyosan at ang lahat ng kasuklam-suklam na mga bagay sa buong Juda at Jerusalem bilang pagtupad sa mga kautusang nasa aklat na natagpuan ni Hilkias sa Templo.

Jeremias 44:3

Ginawa ko ito dahil sa kasamaan nila. Nagsunog sila ng insenso at naglingkod sa mga diyos na hindi nila nakikilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno.

Ezekiel 20:39

Sinabi ni Yahweh, “Bayan ng Israel, kung ayaw ninyong makinig sa akin, huwag! Sumamba na kayo sa inyong mga diyus-diyosan hanggang gusto ninyo. Ngunit darating ang araw na hindi na ninyo ako lalapastanganin. Hindi na kayo maghahandog sa inyong mga diyus-diyosan.

Ezekiel 14:7

Sapagkat ako ang tuwirang sasagot sa sinumang Israelita o nakikipamayan sa Israel na sasangguni sa propeta habang siya ay malayo sa akin, at patuloy sa pagsamba sa diyus-diyosan at sa kanyang kasamaan.

Jeremias 10:3-5

Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan. Isang punongkahoy na pinutol sa gubat, inanyuan ng mga dalubhasang kamay,

at pinalamutian ng ginto at pilak. Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.

Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.”

Pahayag 21:8

Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

Pahayag 22:15

Subalit maiiwan sa labas ng lungsod ang mga asal-aso, ang mga mangkukulam, ang mga nakikiapid, ang mga mamamatay-tao, ang mga sumasamba sa diyus-diyosan, at ang mga mahilig magsinungaling at mandaya.

Deuteronomio 12:29-31

“Kapag napalayas na ng Diyos ninyong si Yahweh ang mga tao sa lupaing iyon at kayo na ang nakatira roon,

Gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang mga sinasambang haligi, sunugin ang mga imahen ng kanilang diyosang si Ashera, durugin ang kanilang mga diyus-diyosan, at alisin sa lugar na iyon ang anumang bakas nila.

huwag ninyong tutularan ang kasuklam-suklam nilang gawain. Huwag na ninyong alamin pa kung paano sila sumamba sa mga diyos nila, baka gayahin pa ninyo ang mga iyon.

Huwag ninyong gagawin kay Yahweh ang karumal-dumal na gawain nila sa pagsamba sa kanilang diyus-diyosan gaya ng pagsusunog ng kanilang anak bilang handog.

Isaias 46:1-2

Sina Bel at Nebo na dati'y sinasamba ng mga taga-Babilonia; ngayo'y isinakay na sa likod ng mga asno at baka, at naging pabigat sa likod ng mga pagod na hayop.

Sa simula pa'y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.

May tinawag na akong mandirigma sa silangan, siya ay darating na parang ibong mandaragit, at isasagawa ang lahat kong balak. Ako ang nagsasabi nito, at tiyak na matutupad.

“Makinig kayo sa akin, mga taong suwail; kayong naniniwalang malayo pa ang tagumpay.

Malapit na ang araw ng pagtatagumpay, ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal. Ililigtas ko ang Jerusalem, at doon ko bibigyan ng karangalan ang bayang Israel.”

Hindi nila mailigtas ang kanilang sarili. Sila'y parang mga bihag na itinapon sa malayo.

Micas 5:13

Wawasakin ko ang inyong mga diyus-diyosan at mga haliging itinuturing ninyong sagrado, at hindi na kayo sasamba sa ginawa ng inyong mga kamay.

Mga Gawa 17:29

Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na ang kanyang pagka-Diyos ay mailalarawan ng ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at gawa ng kamay ng tao.

Roma 1:22-23

Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal.

Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad, at ng mga hayop na gumagapang.

Mateo 4:10

Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

Mga Awit 16:4

Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunud-sunod, sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama; at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila.

Colosas 3:5

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

2 Corinto 6:16-17

O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi, “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko.

Kaya't lumayo kayo sa kanila, humiwalay kayo sa kanila,” sabi ng Panginoon. “Iwasan ninyo ang anumang marumi, at tatanggapin ko kayo.

Santiago 4:4

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.

Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Filipos 3:19

Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na may kinalaman sa mundong ito.

Mga Awit 31:6

Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga, ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa.

1 Tesalonica 1:9

Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos,

Isaias 1:29-31

Mapapahiya kayo dahil sa mga punongkahoy na inyong sinamba, at sa mga halamanang itinuring ninyong banal.

Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon, at ng asno kung saan siya pinapakain ng kanyang amo; ngunit hindi ako nakikilala ng Israel, hindi ako nauunawaan ng aking bayan.”

Makakatulad ninyo'y mga nalalagas na dahon ng puno at halamanang hindi na nadidilig.

Ang malalakas na tao'y matutulad sa mga tuyong kahoy, mga gawa nila'y madaling magliliyab, parehong matutupok, sa apoy na walang makakapigil.

Mateo 6:24

“Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.

Mga Awit 106:36-38

Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran, sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.

Pati anak nilang babae't lalaki'y inihaing lubos, sa diyus-diyosan, mga batang ito ay ginawang handog.

Ang pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malay para ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan, kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.

Jeremias 14:22

Hindi makakagawa ng ulan ang mga diyus-diyosan ng alinmang bansa; hindi makapagpapaambon man lamang ang mga langit. Nasa iyo, O Yahweh, ang aming pag-asa, sapagkat ikaw lamang ang makakagawa ng mga bagay na ito.

Mga Awit 81:9

Ang diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.

Exodus 32:4-5

Kinuha ni Aaron ang mga hikaw at tinunaw; ibinuhos niya sa isang hulmahan at ginawang hugis ng guya. Pagkayari, sinabi nila: “Israel, narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!”

Nang ito'y makita ni Aaron, gumawa siya ng altar sa harap nito at sinabi sa mga tao, “Ipagpipista natin bukas si Yahweh.”

Deuteronomio 4:15-19

“Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Sinai, wala kayong nakitang anyo, kaya mag-ingat kayong mabuti.

Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao,

hayop sa ibabaw ng lupa, ibon,

ng anumang gumagapang o ng anumang isda.

Huwag ninyong sasambahin ang araw, buwan, bituin o alinmang bagay sa kalawakan na nilalang ni Yahweh para sa tao.

Mga Gawa 14:15

“Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan! Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinapangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran ninyo ang mga walang kabuluhang bagay na iyan, at manumbalik kayo sa Diyos na buháy na lumikha ng langit, lupa, dagat, at lahat ng naroroon.

Roma 2:22

Sinasabi mong huwag mangangalunya, bakit ka nangangalunya? Nasusuklam ka sa mga diyus-diyosan, bakit ninanakawan mo ang mga templo nila?

Galacia 4:8-9

Noong hindi pa ninyo nakikilala ang Diyos, kayo'y alipin ng mga bagay na hindi totoong mga diyos.

Ngunit ngayong nakikilala na ninyo ang Diyos, o mas tamang sabihin, ngayong nakikilala na kayo ng Diyos, bakit kayo bumabalik sa mga tuntuning walang bisa at walang halaga? Bakit gusto na naman ninyong paalipin sa mga iyon?