Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

MGA TALATA NG PAGPAPAtibay-loob

Alam mo, parang rollercoaster din itong buhay natin, minsan nasa taas, minsan nasa baba. Pero sabi nga sa Biblia, dapat tayong maging parang punong nakatanim sa tabi ng ilog, 'di natitinag kahit anong unos pa ang dumating. Minsan, parang 'di na tayo makakaahon sa lungkot at paghihirap. Pero laging nandiyan ang Diyos, handang umalalay. 'Wag kang mag-alala.

Ang salita Niya, parang tubig na bumubuhay sa atin. Basta't buksan mo lang ang puso mo sa Kanya, makakayanan mo lahat. Isipin mo, kasama mo Siya lagi. Hindi ka nag-iisa. Siya ang magpapagaling ng mga sugat mo at magpupuno ng galak sa puso mo.

Nawa'y maramdaman mo ang ginhawa at lakas na hatid ng Espiritu Santo. Dasal ko na mapalakas ka ng Diyos at mabuhayan ang iyong espiritu. Kapit lang!


1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Awit 20:4

Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.

Mga Bilang 6:24-26

Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;

kahabagan ka nawa at subaybayan ni Yahweh;

lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.

Filipos 1:3-4

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.

Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat,

Mga Awit 90:12

Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.

Judas 1:2

Sumagana nawa sa inyo ang habag, kapayapaan at pag-ibig.

Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Mga Awit 139:13

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

Mga Awit 65:11

Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa, at saanman magpunta ka'y masaganang-masagana.

1 Corinto 1:4

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

1 Corinto 1:3-4

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos.

Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang ipagmalaki.”

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Mga Kawikaan 4:10

Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin.

Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

3 Juan 1:2

Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal.

Jeremias 1:5

“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”

Jeremias 29:11

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Mga Kawikaan 9:11

Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay.

Isaias 43:1-2

Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit.

Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa; walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin.

Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko.

Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman, walang makakatakas sa aking kapangyarihan; at walang makakahadlang sa aking ginagawa.”

Sinabi pa ni Yahweh, ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel: “Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo. Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsod at mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon.

Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal, ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang!

Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat, upang maging kalsadang tawiran.

Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo. Nilipol niya ang kanilang mga kabayo. At ang kanilang mga karwahe'y winasak; sila'y nabuwal at hindi na nakabangon; parang isang ilaw na namatay ang dingas.”

Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon.

Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Mga Kawikaan 3:1-2

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;

Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,

pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo.

Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito.

Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay.

Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.

Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw.

Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman.

Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.

upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan.

2 Corinto 9:15

Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!

Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Mga Kawikaan 2:7-8

Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan.

Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.

Isaias 46:4

Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan.”

Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!

Filipos 1:6

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.

Mga Awit 138:8

O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.

Mga Awit 9:7

Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol.

Mga Panaghoy 3:22-23

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.

Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.

Mga Awit 92:1-2

Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan.

Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas.

Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan.

Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay.

Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami.

Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa.

Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan.

Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

Efeso 2:10

Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Mga Awit 95:1-2

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan!

Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’

Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.”

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Mga Awit 21:4

Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman.

Eclesiastes 3:1

Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Mga Awit 126:3

Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

Filipos 1:3-6

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.

Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat,

dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.

Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Mga Awit 91:16

Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Mga Kawikaan 4:7

Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.

Mga Awit 84:11

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Isaias 43:4

Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka, sapagkat mahalaga ka sa akin; mahal kita, kaya't pararangalan kita.

Mga Awit 112:1-2

Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.

Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala.

Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

2 Corinto 5:17

Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.

Mga Awit 23:1-2

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;

pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.

Mga Awit 23:1-3

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;

pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.

Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

1 Pedro 4:10

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo.

Mga Awit 27:4

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

Panalangin sa Diyos

Dakap-pusong Diyos! Ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Sa pamamagitan po ni Hesukristo, hinihiling ko na panumbalikin Mo ang aking lakas. Pagod na pagod na po ako at parang nawawalan na ng gana. Minsan, parang gusto ko nang sumuko, kaya naman nagdadálangin ako na ibuhos Mo ang Iyong biyaya at awa sa aking buhay upang makapagpatuloy ako sa aking paglalakbay nang walang pag-aalinlangan. Sabi nga po sa Iyong salita: "Aking tanggulan at aking kanlungan, aking Diyos, na siya kong tiwalaan; na siyang pumipigil sa aking bayan sa ilalim ko." Kahit pa po binabalot ako ng pagod at problema sa trabaho at sa bahay, pupurihin pa rin kita, Panginoon, at maghihintay sa Iyo dahil alam kong darating Ka upang saklolohan ako. Espiritu Santo, tulungan Mo po akong tumakbo patungo kay Hesus nang walang pagod at reklamo. Gusto ko pong maging matatag at malakas, pero kailangan ko ang Iyong pag-alalay at lakas, Panginoon. Ipinapahayag ko po ngayon na ang Diyos ang aking kalasag at aking Panginoon, Ikaw ang aking matibay na bato, aking tagapagtanggol, aking tagapagligtas, Ikaw ang aking lakas at aking kalasag, aking makapangyarihang tagapagligtas, aking kanlungan, at dahil dito, hindi ako matitinag at hindi ako mahihiwalay sa batong si Kristo. Linisin Mo po ako at dalisayin, Panginoon. Hawakan Mo at pagharian ang aking damdamin, isip, at bawat aspeto ng aking buhay. Ipagkaloob Mo po sa akin ang Iyong kagalakan at kapayapaan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.