Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 3:30 - Magandang Balita Bible (Revised)

30 Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y maging mababa.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

30 Siya'y kinakailangang dumakila, nguni't ako'y kinakailangang bumaba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

30 Siya'y kailangang tumaas, nguni't ako'y kailangang bumaba.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

30 Siya'y kinakailangang dumakila, ngunit ako'y kinakailangang bumaba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

30 Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y maging mababa.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

30 Dapat siyang maitaas at ako nama'y maibaba.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

30 Kailangang lalo pa siyang makilala, at ako namaʼy makalimutan na.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 3:30
15 Mga Krus na Reperensya  

Dahil dito siya'y aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.”


Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian. Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.


Sa isang kasalan, ang babaing ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang abay na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal ay lubos na nagagalak kapag narinig niya ang tinig nito. Gayundin naman, lubos na ang aking kagalakan ngayon.


Ang mula sa itaas ay dakila sa lahat; ang mula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa. Ang mula sa langit ay dakila sa lahat.


Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo. Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon.


Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat.


Hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at mula sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na kay Cristo na ating Panginoon. Maghahari siya magpakailanman!”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas