Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 3:30 - Ang Salita ng Dios

30 Kailangang lalo pa siyang makilala, at ako namaʼy makalimutan na.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

30 Siya'y kinakailangang dumakila, nguni't ako'y kinakailangang bumaba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

30 Siya'y kailangang tumaas, nguni't ako'y kailangang bumaba.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

30 Siya'y kinakailangang dumakila, ngunit ako'y kinakailangang bumaba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

30 Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y maging mababa.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

30 Dapat siyang maitaas at ako nama'y maibaba.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

30 Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y maging mababa.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 3:30
15 Mga Krus na Reperensya  

Dahil dito, pararangalan ko siya katulad ng mga taong tanyag at makapangyarihan dahil ibinigay niya ang buhay niya. Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan. Nagdusa siya para sa maraming makasalanan at hiniling pa niya sa Dios na silaʼy patawarin.”


Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoong Makapangyarihan na matutupad ito.


Kagaya sa isang kasal: ang babaeng ikakasal ay para sa lalaking ikakasal, at ang abay na naghihintay ay natutuwa sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ganoon din sa akin, tuwang-tuwa ako ngayon na lumalapit na ang mga tao kay Jesus.


Sinabi pa ni Juan, “Si Cristoʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat. Tayo naman ay taga-lupa at nagsasalita tungkol lang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit si Cristo na nagmula sa langit ay dakila sa lahat.


Bakit, sino ba si Apolos? At sino nga ba naman akong si Pablo? Kami ay mga lingkod lamang ng Dios na ginamit niya upang sumampalataya kayo. At ang bawat isa sa amin ay gumagawa lamang ng gawaing ibinigay sa amin ng Panginoon.


Si Cristo ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pinagmulan nito, ang unang nabuhay sa mga patay, para maging pinakadakila siya sa lahat.


Nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang Cristo na kanyang pinili. At maghahari siya magpakailanman.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas