Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 1:7 - Ang Salita ng Dios

7 Isinugo siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw, upang sa pamamagitan ng kanyang patotoo ay sumampalataya ang lahat ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Siya ay dumating bilang saksi, upang magpatotoo tungkol sa ilaw, upang sa pamamagitan niya'y sumampalataya ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 1:7
16 Mga Krus na Reperensya  

Makinig kayo sa sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo. At ang Panginoon na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugo na magsasagawa ng aking kasunduan.”


Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.


Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ ”


Pinapunta ng mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang mga pari at Levita upang tanungin si Juan kung sino talaga siya. Tinapat sila ni Juan. Sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.”


Nang makita niya si Jesus na dumaraan, sinabi niya, “Narito na ang Tupa ng Dios!”


Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.


Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Jesus.”


Kayong lahat ay mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya ninyo kay Cristo Jesus.


at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Dios. Noong unaʼy inilihim ito ng Dios na lumikha ng lahat ng bagay,


Nais niyang maligtas ang lahat ng tao at malaman ang katotohanan.


Sapagkat ang biyaya ng Dios na nagbibigay ng kaligtasan ay inihayag na sa lahat ng tao.


Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas