Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 1:7 - Ang Biblia 2001

7 Siya ay dumating bilang saksi, upang magpatotoo tungkol sa ilaw, upang sa pamamagitan niya'y sumampalataya ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

7 Isinugo siya upang magpatotoo kung sino ang ilaw, upang sa pamamagitan ng kanyang patotoo ay sumampalataya ang lahat ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 1:7
16 Mga Krus na Reperensya  

“Narito, sinusugo ko ang aking sugo upang ihanda ang daan sa unahan ko; at ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo! Ang sugo ng tipan na inyong kinalulugdan ay narito, dumarating,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo.


Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos,


Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at sumigaw, “Siya yaong aking sinasabi, ‘Ang dumarating na kasunod ko ay naging una sa akin sapagkat siya'y nauna sa akin.’”


Ito ang patotoo ni Juan nang suguin ng mga Judio ang mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem upang siya'y tanungin, “Sino ka ba?”


At kanyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad at sinabi, “Narito ang Kordero ng Diyos!”


Siya ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa bawat dumarating sa sanlibutan.


Sinabi ni Pablo, “Nagbautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa mga tao na sila'y manampalataya sa darating na kasunod niya, samakatuwid ay kay Jesus.”


Sapagkat kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.


at maliwanagan ang lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga, na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Diyos na lumalang ng lahat ng mga bagay,


na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makarating sa pagkakilala ng katotohanan.


Sapagkat nagpakita ang biyaya ng Diyos, na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao,


Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kanyang pangako, na gaya ng kabagalang itinuturing ng iba, kundi matiyaga sa inyo, na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas