Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 1:6 - Ang Salita ng Dios

6 Isinugo ng Dios ang isang tao na ang pangalan ay Juan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

6 Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

6 Mayroong isang tao na isinugo mula sa Diyos na ang pangalan ay Juan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

6 Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

6 At naparito si Juan na isinugo ng Diyos

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

6 Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

6 At naparito si Juan na isinugo ng Diyos

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 1:6
15 Mga Krus na Reperensya  

Makinig kayo sa sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo. At ang Panginoon na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugo na magsasagawa ng aking kasunduan.”


Siya ang binabanggit ng Dios sa Kasulatan, ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.’


Kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Dios o sa tao?” Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Dios, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’


Pero sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Dios ang panalangin mo. Magkakaanak ng isang lalaki ang asawa mong si Elizabet, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya.


Sinabi naman ni Zacarias sa anak niya, “Ikaw naman, anak ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Dios, dahil mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang mga tao sa kanyang pagdating.


Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya, ngunit ang Dios na nag-utos sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Kapag nakita mong bumaba ang Banal na Espiritu at nanatili sa isang tao, ang taong iyon ang magbabautismo sa Banal na Espiritu.’


Kayo na rin ang makakapagpatunay na sinabi kong hindi ako ang Cristo. Isa lang akong sugo na nauna sa kanya upang ipahayag ang pagdating niya.


Bago pa magsimula si Jesus sa kanyang gawain, nangaral si Juan sa lahat ng Israelita na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas