Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagnanakaw, Pagnanakaw

111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagnanakaw, Pagnanakaw

Alam mo, sabi sa Biblia, bawal ang magnakaw. Kasalanan 'yan sa mata ng Diyos at labag din sa batas ng tao. Walang justification, walang reward, puro parusa lang ang aabutin.

Kaya, linisin natin ang ating mga puso mula sa kasamaan at iwasan ang mga landas na patungo sa kapahamakan. Wala kang mapapala sa pagnanakaw, parang sinasakal mo lang ang sarili mo. Kahit gaano kaliit o kalaki ang ninakaw mo, kung hindi sa'yo, hindi sa'yo. Wala kang maidadahilan sa Diyos, kahit gaano kahirap ang buhay.

Sabi nga sa Biblia, "Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip ay magtrabaho siya, na gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang mayroon siyang maibigay sa nangangailangan." Imbes na mang-agaw, gusto ni Jesus na maging mapagbigay tayo at laging may maibahagi sa iba.

Kaya dapat magtrabaho tayo nang marangal. Huwag nating babalewalain ang pinaghirapan ng iba. 'Wag mong isipin na porke hindi ka nahuli sa unang beses, ligtas ka na. Darating ang araw na mabubunyag ang lahat at baka makulong ka pa nang matagal.

Isipin mo kung ano ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang padala sa bugso ng damdamin o hayaang bulagin ka ng sitwasyon. Hanapin mo ang Diyos. Sa kanyang walang hanggang awa, ipagkakaloob Niya ang kailangan mo ayon sa kanyang kayamanan at kaluwalhatian.

Huwag kang mahulog sa patibong ng kaaway. Humingi ka ng tulong. Iwanan mo na ang mga maling gawain at hayaan mong ang Banal na Espiritu ang gumabay sa'yo. Sundin mo ang mga utos ng Diyos, manatili kang matatag sa kanyang salita at makikita mo kung paano ka niya aalagaan sa bawat araw.


Mga Awit 62:10

Huwag kang tumiwala sa kapighatian, at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw: kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:2

Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:11

Huwag kayong magnanakaw; ni magdadaya, ni magsisinungaling ang sinoman sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22-23

Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 5:3-4

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon. Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at tatahan sa gitna ng bahay niya, at pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:10

Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:18

Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:8

At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22

Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:70

Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:21

Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:10

Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay ang aral ng Dios na ating Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo. Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:6

Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:30

Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:8

Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1-4

Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa. Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman: Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli. Datapuwa't kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon. Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa. At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli. Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan. At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya. Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga. Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway. Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala. Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay hindi aariing mamamataytao ang pumatay. Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin. At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto. Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila. Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at sila'y dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing; At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila. Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo. Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw; Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y mapagbiyaya. Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan. Huwag kang magmamakupad ng paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin. Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamataytao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw. Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin. At kayo'y magpapakabanal na tao sa akin: na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga asno. Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng ibayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:1

Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:27

Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:61

Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:7

Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:9

Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:24

Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, hindi ito pagsalangsang; Yao'y kasama rin ng maninira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 24:2

May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:6-7

Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan; Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:11

Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:2

Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:18

Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:12

Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:43-44

Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:23

Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:23

Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:10

Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan, at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-30

Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala, Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:12

Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:11

Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:11

Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1

Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:14

At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:3

Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:40-42

At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal. At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya. Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:10

Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:119

Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:16-17

Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago: Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:17

Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:70-72

Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa: Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana. Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 7:10

At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:19

Ni magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:16-17

Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama. Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:7

Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:8

May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:28

Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat: nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3

Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:6

Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha, sa kaniyang usap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:94

Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:24

Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:10

Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan, siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw: nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:11

Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:1-3

Magsiparito ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating. Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon. Narito, tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon. Nguni't higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit, ni ang lupa, ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo, ay maging oo; at ang inyong hindi, ay maging hindi; upang kayo'y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol. Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya ang mga pagpupuri. May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya. Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. At muli siyang nanalangin; at ang langit ay nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga. Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman; Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga. Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan. Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15

Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:13-14

Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:155

Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:13

At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:5

Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:7

Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:30-37

Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na. At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi. At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi. Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag, At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan. At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko. Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan? At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21-22

Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay. Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:6

Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

Kaya't hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:118

Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:22

Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:12

At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa makapito sa kanilang sinapupunan, ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:2

Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:1

Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:17

Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:25

Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:10

Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 53:4

Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:21

Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:16

Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:17

Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:8

Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:1

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:9

Kayo baga'y mangagnanakaw, magsisipatay, at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:30

Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:15

Huwag kang magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1

Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:26

Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:19

Nalalaman mo ang mga utos, Huwag kang pumatay, Huwag kang mangalunya, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Huwag kang magdaya, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:28

Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Espiritu Santo, ikaw ang aking gabay, ang aking aliw, at ang siyang bumabago sa akin. Dalangin ko po na tulungan mo ako at palayain mula sa lahat ng bagay na nagbibigkis sa akin sa kasalanan. Sabi ng iyong salita: “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, bagkus ay magpagal, na gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang siya'y may maibahagi sa nangangailangan.” Panginoong Hesus, patawarin mo po ako sa bawat taong aking tinakot at nilapastangan upang nakawin ang kanilang pag-aari, patawad po sa lahat ng aking ninakaw, dahil man sa pangangailangan o sa pagsasamantala. Panibaguhin at palakasin Mo po ang aking kalooban, tulungan mo akong hubarin ang aking dating pagkatao na puno ng mapandayang pagnanasa upang hindi ko na bigyan ng puwang ang kasalanan sa aking buhay. Tinatalikuran ko na po ang lahat ng karumihan at lahat ng bagay na nagtutulak sa akin sa pagnanakaw. Ilayo Mo po sa akin, Panginoon, ang lahat ng taong may masamang impluwensya sa akin at ang mga nagnanais ng aking kapahamakan; alisin Mo sila sa aking landas. Sabi ng iyong salita: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan.” Panginoon, tulungan Mo po akong magtagumpay at isara ang pinto sa kasalanan. Nawa’y kamuhian at itakwil ng aking puso ang pagnanakaw, pangangalunya, pornograpiya, pagsisinungaling, kalibugan, kasakiman, at lahat ng uri ng karumihan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas