Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 16:8 - Ang Biblia

8 Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

8 Mas mabuti ang kaunti na may katuwiran, kaysa malalaking kita na walang katarungan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

8 Maigi ang kaunti na may katuwiran Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

8 Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

8 Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

8 Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

8 Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 16:8
12 Mga Krus na Reperensya  

Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama.


Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan.


Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman.


Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.


Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.


Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.


Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.


Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan.


Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; sa kaniyang mga kaarawan ay iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas ay nagiging mangmang siya.


Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama, at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam?


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas