Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 16:9 - Ang Biblia

9 Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Ang puso ng tao ang nagpapanukala ng kanyang daan, ngunit ang Panginoon ang nangangasiwa ng kanyang mga hakbang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

9 Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 16:9
11 Mga Krus na Reperensya  

Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab.


Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.


Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon.


Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.


May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.


Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?


Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin.


Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon.


Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:


Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.


Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas