Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


103 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsisinungaling

103 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsisinungaling

Isipin mo, kaibigan, ang pagsisinungaling, hindi 'yan basta-basta. Sa harap ng Diyos, mabigat ang kasalanan ng pagsisinungaling at may mapait na bunga para sa gumagawa nito lalo na kapag nabunyag. Huwag kang magsisinungaling para lang makaiwas sa responsibilidad o para magpalakas sa iba. Dahil sa pagsisinungaling, mawawala ang tiwala sa'yo ng mga tao.

Kapag nagsisinungaling ka, pinipili mo 'yun. At kung hindi ka man nakokonsensya, baka dahil nawawala na ang takot mo sa Diyos at nasanay ka na sa pagsisinungaling. Kung kaya mo nang magsinungaling habang nakatingin sa mata ng kapwa mo, delikado na 'yan. Hindi lang dahil sa ginagawa mo sa kanya, kundi dahil wala ka nang pakialam kung paano ka titingnan ng Diyos.

Kapag naging sinungaling ka na, lumalayo ang loob mo sa iba. Baka sa una, iniisip mong okay lang magsinungaling nang minsan, pero kapag inulit mo, para kang nagbukas ng pinto. At kapag narealize mo na ang mali mo, huli na ang lahat, hindi ka na makatigil at malaki na ang butas na nagawa mo. Ang pagsisinungaling ay maglalayo sa'yo sa Diyos at mawawala pa ang mga mahalagang kaibigan at karelasyon mo.

Niloloko lang ng sinungaling ang sarili niya. Nawawala ang respeto, paghanga, at tiwala sa kanya. Ngayong alam mo na ito, mag-ingat ka sa mga salitang lumalabas sa bibig mo. Huwag mong hayaang maging alipin ka ng masasamang espiritu na ayaw mong magsabi ng totoo.

Ang pagsisinungaling ay parang bitag na makakalaya ka lang kung aaminin mo ang iyong mga kasalanan kay Kristo, lalayo sa kasamaan, at magiging tapat sa lahat ng oras. Ang pagsisinungaling ay maglalayo sa'yo sa Diyos, huwag mong hayaang mabuhay nang wala Siya sa buhay mo. May oras ka pa para ituwid ang landas mo at gawin ang tama. Nasa Bibliya rin naman 'yan.


Pahayag 22:15

Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:9

Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:5

Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:163

Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:5

Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:16

Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:8

Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:3

Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:10

Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:19

Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:7

Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay: siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:5

Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:7

Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:13

Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 19:18-19

At sisiyasating masikap ng mga hukom: at, narito, kung ang saksi ay saksing sinungaling, at sumaksi ng kasinungalingan laban sa kaniyang kapatid; Ay gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid: sa gayo'y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:22

Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:25

Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:13-14

Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:44

Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10

Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:2-4

Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan. Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah) Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita, Oh ikaw na magdarayang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:16

Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:14-15

Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:18

Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:6

Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29

Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:8

Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:4

Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 27:35

At kaniyang sinabi, Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya, at kinuha ang basbas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 120:2

Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:28

Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:7

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 58:3

Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:2

Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:59-60

Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay; Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin, At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:29

Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:18

Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:2

Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:2-3

Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso. Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:21

Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:2

Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:6

Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36

At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:4

Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:6

Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:18

Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1

Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:12

Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:2-3

Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso. Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila, ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan, ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:14

Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat ng panglalait,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:14

Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:19

Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:13

Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

Kaya't hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:13

Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 58:1-2

Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao? Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama. Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa. Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:37

Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:36

Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:27

Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:1

Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:9

Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:6

Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:8

Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:26

Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:18

Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:7

Layuan mo ang bagay na kasinungalingan, at ang walang sala at ang matuwid, ay huwag mong papatayin: sapagka't hindi ko patototohanan ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:12

Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:14

Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:15

Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya: At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:3

Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:17

Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap; nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:26

Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:2

Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:1-3

Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo, At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac- Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag, Ay sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso. Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan. Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari. Sapagka't sinasabi niya kay Moises, Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan. Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa. Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa. Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas. Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban? Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso. Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya. Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira: At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian, Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil? Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig. At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo'y hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay. At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas: Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin. At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra. Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak ayon sa laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:31

At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:6

Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:21

Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17

Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:3

Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:28

Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:5

Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:1-2

Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok? Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at Kagalang-galang na Ama, sinasamba kita at pinupuri ang kadakilaan ng iyong kabanalan at kapangyarihan. Mahal kong Ama, lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo, sapagkat ikaw ay Diyos na mapagmahal sa katotohanan, hindi ka tao na magsisinungaling at walang anumang kadiliman sa iyo. Kaya nga humihingi ako ng kapatawaran at nagsusumamo na bigyan mo ako ng sapat na kapakumbabaan upang humingi ng tawad sa mga taong aking niloko, dinaya, at siniraan. Tulungan mo akong manatili sa katapatan sa harap mo, at sa mga nakapaligid sa akin. Nais kong magsabi ng totoo sa lahat ng oras dahil ang iyong salita ay nagsasabi: "Ang may nais na mahalin ang buhay at makakita ng mabubuting araw, ay pigilin niya ang kanyang dila sa kasamaan, at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya." Banal na Espiritu, gawin mo akong marunong at maingat sa pagsasalita, nawa'y ang aking mga labi ay huwag magsalita ng daya, ilayo mo ako sa pagtawag sa iba na taksil dahil lamang sa hindi sila kapareho ko ng iniisip. Turuan mo akong mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili at husgahan ang aking sarili gaya ng paghuhusga ko sa iba. Linisin mo ang aking puso upang mahalin ang katotohanan, upang hanapin ang kapayapaan at isabuhay ito. Diyos ko, ayoko nang lumayo ang mga tao sa akin dahil sa pagiging sinungaling, taksil, o tsismoso. Linisin mo ang pintuan ng aking mga labi, nawa'y ang mga salita ng aking puso at ang pagninilay ng aking puso ay maging kalugud-lugod sa iyo, sapagkat nasusulat: "Ang mga labi na sinungaling ay karumaldumal sa Panginoon; Ngunit ang mga gumagawa ng katotohanan ay kanyang kinalulugdan." Turuan mo akong mahalin ang aking sarili at parangalan ang iba sa pamamagitan ng aking mga gawa at salita. Gawin mo akong taong may pang-unawa sa mga panahon na handang magbigay-lugod sa iyo sa harap ng madla at sa aking pag-iisa. Ingatan mo ang aking mga iniisip at dagdagan mo ng katotohanan ang aking buhay. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas