Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 1:2 - Magandang Balita Bible (Revised)

2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 kundi nasa kautusan ng Panginoon ang kanyang kagalakan, at nagbubulay-bulay araw at gabi sa kanyang kautusan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; At sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

2 Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 1:2
24 Mga Krus na Reperensya  

Nang magtatakip-silim, siya'y namasyal sa kaparangan at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo.


Buong sikap na pinag-aralan ni Ezra ang Kautusan ni Yahweh upang maisagawa niya ito at upang maituro niya sa bayang Israel ang mga batas at tuntunin nito.


Ako'y hindi lumalabag sa kanyang kautusan, at ang kanyang mga salita ay aking iniingatan.


Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan, pagkat ako'y nagagalak, nagpupuri sa Maykapal.


Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.


Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.


Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.


Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam.


Higit pa sa ginto't pilak nitong buong sanlibutan, ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan. (Yod)


Kung ang iyong kautusa'y di bukal ng aking galak, namatay na sana ako sa dinanas na paghihirap.


Ang nais kong sundi'y iyong kalooban; aking itatago sa puso ang aral.”


Yahweh, aking Diyos, tanging ikaw lamang, aking kaligtasan, pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan.


Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo'y aking kagalakan. Ako'y sa iyo, Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat.


Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa mga minamahal niya na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal?


at ngayo'y walumpu't apat na taon na siyang biyuda. Lagi siya sa Templo, at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin.


Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos.


Mga kapatid, tiyak na natatandaan pa ninyo kung paano kami nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balitang mula sa Diyos.


Isagawa mo ang mga ito at pag-ukulan mo ng panahon upang makita ng lahat ang iyong paglago.


Tuwing inaalala kita sa aking panalangin araw at gabi, nagpapasalamat ako sa Diyos na aking pinaglilingkuran nang tapat gaya ng ginawa ng aking mga ninuno.


Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.


sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ang tumutupad ng kanyang mga utos. Hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas