Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Lucas 6:8 - Magandang Balita Bible (Revised)

8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito sa unahan.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

8 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

8 Subalit alam niya ang kanilang mga iniisip at sinabi niya sa lalaki na tuyo ang kamay, “Halika at tumayo ka sa gitna.” At siya'y tumindig at tumayo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

8 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito sa unahan.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

8 Pero alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Tumayo ka at lumapit dito sa harapan.” Lumapit nga ang lalaki at tumayo sa harapan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Lucas 6:8
19 Mga Krus na Reperensya  

“At ikaw naman, Solomon, anak ko, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at paglingkuran mo siya nang buong puso at pag-iisip, sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang ating damdamin at nauunawaan ang ating binabalak at iniisip. Kung lalapit ka sa kanya, tatanggapin ka niya. Ngunit kung tatalikuran mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.


Alam kong sinasaliksik ninyo ang puso ng bawat tao, at natutuwa kayo sa mga matuwid. O Diyos, buong puso kong ipinagkakaloob sa inyo ang lahat ng ito. Nasaksihan ko rin ang buong puso at may kagalakang pagkakaloob ng inyong bayan na narito ngayon.


“Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin.


ito'y iyong mababatid pagkat sa iyo'y walang lihim, sa iyo ay walang lingid na isipan at damdamin.


Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga't katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”


Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan?


Tinawag ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito!”


Nang siya'y makita ni Jesus, tinawag siya at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman.”


Palibhasa'y alam ni Jesus ang kanilang pag-uusap, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan?


Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”


Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang kalooban ng lahat ng tao.


Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.


Kailangang gawin natin ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin habang umaga pa; malapit na ang gabi, at wala nang makakagawa pagsapit niyon.


Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao.


Naririto ang Haring Agripa. Malakas ang loob kong magsalita sa harap niya sapagkat alam niya ang lahat ng ito. Tiyak na walang nalilingid sa kanya sapagkat hindi sa isang sulok lamang nangyari ito.


Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y maliligtas, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng tagumpay.


Walang makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo mananagot.


Dahil si Cristo'y nagtiis ng hirap sa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtitiis ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan.


Papatayin ko rin ang kanyang mga tagasunod upang malaman ng mga iglesya na ako ang nakakaalam sa puso't isip ng mga tao. Gagantimpalaan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas