Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Lucas 6:7 - Magandang Balita Bible (Revised)

7 Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Ang mga eskriba at ang mga Fariseo ay nagmamatyag sa kanya kung siya'y magpapagaling sa Sabbath upang makakita sila ng maibibintang laban sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

7 Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Jesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya




Lucas 6:7
14 Mga Krus na Reperensya  

Silang nagnanais na ako'y patayin, nag-umang ng bitag upang ako'y dakpin; ang may bantang ako'y saktan at wasakin, maghapon kung sila'y mag-abang sa akin.


Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri, mga sinungaling na saksi at mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.


Naririnig kong maraming nagbubulungan. Tinagurian nila akong “Takot sa Lahat ng Dako.” Sinasabi nila, “Isumbong natin! Isumbong natin sa may kapangyarihan!” Pati matatalik kong kaibiga'y naghahangad ng aking kapahamakan. Sabi pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya; pagkatapos, hulihin natin at paghigantihan.”


Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.


May ilang taong naroroon at inaabangan kung pagagalingin ni Jesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.


Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi nito sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang kayo'y magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling ng mga sakit at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”


Kaya't naghintay sila ng magandang pagkakataon. Sinuhulan nila ang ilang katao upang magkunwaring naghahanap ng katotohanan. Ginawa nila ito upang siluin si Jesus sa kanyang pananalita, at nang sa gayon, maisasakdal siya sa gobernador.


Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas