Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Isaias 64:1 - Magandang Balita Bible (Revised)

1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 O buksan mo sana ang langit at ikaw ay bumaba, upang ang mga bundok ay mayanig sa iyong harapan—

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

1 Panginoon, punitin nʼyo po ang kalangitan. Bumaba kayo, at yayanig ang mga bundok kapag nakita kayo.

Tingnan ang kabanata Kopya




Isaias 64:1
22 Mga Krus na Reperensya  

Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.


ang lupa ay nayayanig, bumubuhos pati ulan; ganito ang nangyayari kapag ika'y dumaratal. Maging ang bundok ng Sinai, nayanig din sa pagdating, nang dumating na si Yahweh, itong Diyos ng Israel.


Bakit magtatanong itong mga bansa ng katagang ito: “Ang Diyos mo'y nasaan?” Ipaghiganti mo ang mga lingkod mong kanilang pinatay, ang pagpaparusa'y iyong ipakita sa iyong mga hirang.


at humanda sa makalawa, sapagkat akong si Yahweh ay bababâ sa Bundok ng Sinai para makita ng mga tao.


Kaya't bumabâ ako upang sila'y iligtas, ilabas sa Egipto at ihatid sa lupaing mainam, malawak, mayaman, at sagana sa lahat ng bagay. Ito'y ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo.


Gagawin kitang tulad ng panggiik, na may bago at matatalim na ngipin. Iyong gigiikin ang mga bundok at burol, at dudurugin hanggang maging alabok.


Magmula sa langit tunghayan mo kami Yahweh, at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono. Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan? Pag-ibig mo at kahabagan, huwag kaming pagkaitan.


Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan; ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.


Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol.


Si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, siya na humipo sa lupa at iyon ay natutunaw, at ang lahat ng naroon ay nagdadalamhati. Dahil dito'y ang buong lupain ay tumataas gaya ng Ilog Nilo, at bumababa gaya ng ilog sa Egipto.


Sa araw na iyon, tatayo si Yahweh sa Bundok ng mga Olibo sa gawing silangan ng Jerusalem. Magkakaroon ng maluwang na libis sa gitna ng bundok, pagkat mahahati ito mula sa silangan hanggang kanluran: ang kalahati ay mapupunta sa hilaga at sa timog naman ang kalahati.


Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang kalangitan at bumababa sa kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati.


Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas