Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Isaias 64:1 - Ang Salita ng Dios

1 Panginoon, punitin nʼyo po ang kalangitan. Bumaba kayo, at yayanig ang mga bundok kapag nakita kayo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 O buksan mo sana ang langit at ikaw ay bumaba, upang ang mga bundok ay mayanig sa iyong harapan—

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

Tingnan ang kabanata Kopya




Isaias 64:1
22 Mga Krus na Reperensya  

Nagkakagulo ang mga bansa; bumabagsak ang mga kaharian. Sa sigaw ng Dios, ang mga tao sa mundo ay parang matutunaw sa takot.


nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan sa inyong harapan, O Dios ng Israel na nagpahayag sa Sinai.


Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa, “Nasaan na ang inyong Dios?” Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.


Siguraduhing handa sila sa ikatlong araw, dahil sa araw na iyon, ako, ang Panginoon ay bababa sa Bundok ng Sinai na kitang-kita ng mga tao.


Kaya bumaba ako para iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio, at para dalhin sila sa mayaman, malawak at masaganang lupain na tinitirhan ngayon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo.


Makinig ka! Gagawin kitang parang bagong panggiik, matalim at maraming ngipin. Gigiikin mo at dudurugin ang mga bundok at burol. Gagawin mo ito na parang ipa.


Tingnan nʼyo po kami mula sa langit, na siyang iyong banal at dakilang tahanan. Nasaan na ang inyong pagmamalasakit sa amin, at ang inyong kapangyarihan na ipinakita noon sa amin? Nasaan na ang inyong pag-ibig at awa sa amin?


Kami ay inyo mula pa noon, pero itinuring nʼyo kaming hindi sa inyo, at parang hindi nʼyo pinamumunuan.


Sinabi pa ng Panginoon tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito.


Kapag hinipo ng Panginoong Dios na Makapangyarihan ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Egipto.


Sa araw na iyon, tatayo siya sa Bundok ng mga Olibo, sa silangan ng Jerusalem. Mahahati ang bundok na ito mula sa silangan hanggang sa kanluran. Ang kalahati ng bundok ay lilipat pahilaga at ang kalahati naman ay lilipat patimog. At magiging malawak na lambak ang gitna nito.


Pagkaahon ni Jesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu tulad ng isang kalapati.


Pagkatapos, nakita ko ang malaki at puting trono at ang nakaupo roon. Ang langit at ang lupa ay biglang naglaho at hindi na nakita.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas