Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Panaghoy 3:53 - Ang Salita ng Dios

53 Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

53 Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

53 Pinatahimik nila ako sa hukay at nilagyan ng bato sa ibabaw ko.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

53 Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

53 Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

53 Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

53 Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Panaghoy 3:53
9 Mga Krus na Reperensya  

Ipinasok nila si Jeremias sa isang selda sa ilalim ng lupa at nanatili siya roon ng matagal.


Pero ngayon, Mahal na Hari, kung maaari po ay pakinggan naman ninyo ako. Nakikiusap ako na huwag nʼyo na po akong ibalik doon sa bahay ni Jonatan na kalihim dahil mamamatay ako roon.”


Kaya kinuha nila si Jeremias sa kulungan at ibinaba nila sa balon na nasa himpilan ng mga guwardya. Ang balon na ito ay pag-aari ni Malkia na anak ng hari. Walang tubig ang balon pero may putik, at halos lumubog doon si Jeremias.


“Mahal na Hari, masama po ang ginawa ng mga taong iyon kay Jeremias. Inihulog nila siya sa balon, at tiyak na mamamatay siya doon sa gutom, dahil halos mauubos na po ang tinapay sa buong lungsod.”


Pagkatapos, tinakpan ng isang malaking bato ang kulungan na pinaghulugan kay Daniel, at tinatakan ng singsing ng hari at ng singsing ng mga marangal sa kaharian para walang sinumang magbubukas nito.


Pagkatapos ay umuwi si Haring Darius sa palasyo niya. Hindi siya kumain ng gabing iyon at hindi rin humiling na siya ay aliwin. At hindi siya makatulog.


Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda.


Inilagay niya ito sa bagong libingang hinukay sa gilid ng burol, na ipinagawa niya para sana sa sarili. Pagkatapos, pinagulong niya ang isang malaking bato upang takpan ang pintuan ng libingan, at saka siya umalis.


Kaya pumunta sila sa libingan, at tinatakan nila ang bato na nakatakip sa libingan upang malaman nila kung may nagbukas, at nag-iwan sila roon ng ilang mga bantay.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas