Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 1:6 - Ang Salita ng Dios

6 Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon ang mga matuwid, ngunit ang buhay ng taong masama ay hahantong sa kapahamakan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

6 sapagkat ang lakad ng matuwid ang Panginoon ang nakakaalam, ngunit mapapahamak ang lakad ng makasalanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 1:6
17 Mga Krus na Reperensya  

Ngunit alam niya ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan niya ako, makikita niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto.


Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.


Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano ang nangyayari sa akin. Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan.


Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.


Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.


Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway; sila ay lubusang nawasak. Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan, at silaʼy lubusan nang makakalimutan.


Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.


Kinamumuhian ng Panginoon ang taong ang gawain ay masama, ngunit ang taong nagsusumikap na gumawa ng matuwid ay minamahal niya.


Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.


“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon.


Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.


Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.


Ganoon pa man, nananatiling matibay ang saligang itinatag ng Dios, at may nakasulat na “Alam ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at “Dapat lumayo sa kasamaan ang bawat taong nagsasabi na siyaʼy sa Panginoon.”


Pero nilalapastangan ng mga gurong ito ang mga bagay na wala naman silang alam. Para silang mga hayop na walang isip at ipinanganak para hulihin at patayin. Talagang lilipulin ang mga taong ito.


Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan. Ngunit lilipulin niya ang masasama. Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas