Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 4:31 - Ang Salita ng Dios

31 Samantala, pinapakiusapan ng mga tagasunod niya si Jesus na kumain na.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

31 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

31 Samantala, hinimok siya ng kanyang mga alagad, “Rabi, kumain ka.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

31 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

31 Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

31 Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Rabi, kumain na kayo.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

31 Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 4:31
18 Mga Krus na Reperensya  

Nang mabigyan na sila ng pagkain, sinabi ng alipin, “Hindi ako kakain hanggaʼt hindi ko pa nasasabi ang pakay ko sa pagpunta ko rito.” Sumagot si Laban, “Sige, sabihin mo sa amin.”


At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Guro.’


Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Guro,’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro.


Nagtanong din si Judas na siyang magtatraydor sa kanya, “Guro, ako po ba iyon?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsabi.”


Lumapit si Judas kay Jesus at bumati, “Magandang gabi sa iyo, Guro!” saka hinalikan siya.


Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, “Guro, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!”


Kaya nang dumating si Judas, agad siyang lumapit kay Jesus at bumati, “Guro!” sabay halik sa kanya.


Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabutiʼt narito po kami! Gagawa kami ng tatlong kubol: isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”


Lumingon si Jesus at nakita silang sumusunod. Kaya tinanong niya sila, “Ano ang kailangan ninyo?” Sumagot sila, “Rabbi, saan po kayo nakatira?” (Ang ibig sabihin ng Rabbi ay “Guro.”)


Sinabi ni Natanael, “Guro, kayo nga ang Anak ng Dios! Kayo ang hari ng Israel!”


Sumagot sila, “Guro, kamakailan lang ay tinangka kayong batuhin ng mga Judio. Bakit pa kayo babalik doon?”


Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, alam naming isa kayong tagapagturo na mula sa Dios, dahil walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Dios.”


Kaya pumunta sila kay Juan at sinabi, “Guro, ang kasama nʼyo sa kabila ng Ilog ng Jordan, na ipinakilala nʼyo sa mga tao ay nagbabautismo na rin, at nagpupuntahan sa kanya ang halos lahat ng tao.”


Kaya pinuntahan ng mga tao si Jesus.


Pero sumagot si Jesus, “May pagkain akong hindi ninyo alam.”


Pagdating ng mga tao sa Capernaum, nakita nila si Jesus at tinanong, “Guro, kailan pa po kayo dumating dito?”


Tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya, “Guro, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas