Inutusan tayo ng ating Ama sa langit na laging manalangin. Sa pamamagitan ng panalangin, nakikipag-ugnayan tayo sa ating Diyos. Ito ang ating linya sa Kanya, ang paraan para dalhin natin ang bawat kahilingan sa paanan ng ating Manlilikha. Doon tayo lumalapit kapag may mabigat sa dibdib, kapag may problema, at kapag nalulungkot tayo.
Sa panalangin, mas nakikilala ng Diyos ang ating mga pangangailangan at naririnig Niya ang ating tinig. Alam na Niya ang lahat tungkol sa atin bago pa tayo isinilang, pero gusto Niya na tayo mismo ang makipag-usap at lumapit sa Kanya.
Dito mo mapapatibay ang iyong pakikipagkaibigan, ang iyong relasyon, at ang iyong pagiging malapit sa Diyos. Isa ito sa mga sandata mo bilang mananampalataya kay Hesus, panlaban sa bawat pagsubok. Sa panalangin mo makakamit ang tagumpay sa lahat ng bagay. Hindi sa iyo nagmumula ang kapangyarihan ng panalangin, kundi kay Hesus. Siya ang sumasagot sa ating mga dalangin at Siya ang nagpapangyari ng mga bagay na akala natin ay imposible.
Kapag tayo ay nananalangin nang taos-puso, matatanggap natin ang kapanatagan, kapayapaan, at pagmamahal ng Ama. Lumapit ka sa Diyos nang may mapagpakumbabang puso, at hinding-hindi ka Niya tatanggihan.
(Efeso 6:18) Manalangin kayo sa Espiritu sa lahat ng pagkakataon, na may kahilingan at panawagan. Maging mapagbantay kayo at patuloy na manalangin para sa lahat ng mga banal.
Kapag nananalangin, magpasalamat din. Huwag lamang puro hiling ang iyong ilapit, kundi manahimik din sa Kanyang presensya. (1 Tesalonica 5:16-18) Magalak kayong lagi, walang sawang manalangin, at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng pagkakataon, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus.
Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.
Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.
“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.
Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.
Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.
Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan, sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang, ang panata kong handog ay doon ko iaalay.
Umawit kayo ng isang bagong awit para kay Yahweh, ang buong daigdig sa kanya ay magpuri! Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag; kayong lahat na nilalang sa karagatan! Umawit kayong lahat na nasa malalayong kapuluan.
Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, Diyos ng aking ama, aking dadakilain.
May nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na mga lingkod niya, dakila o hamak man, kayong may banal na takot sa kanya!”
Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.
Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.
Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan, Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)
Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.
Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.
Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.
At narinig kong umaawit ang mga nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon, “Ibigay sa nakaupo sa trono, at sa Kordero, ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, magpakailanman!”
Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama.
Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”
Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”
Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.
At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!
Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!”
Napakadakila mo, O Panginoong Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo. Ikaw lamang ang Diyos.
Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.
Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.
Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan.
Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!
Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!
O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.
Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko, kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.”
Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban; upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”
Maghandog kayo ng tinapay bilang pasasalamat; ipagyabang ninyo ang inyong mga kusang-loob na handog! sapagkat ito ang gustung-gusto ninyong gawin.
Nang Maghahating-gabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.
Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan, dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan,
Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.
kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.
Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.
Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
Nang marinig ng mga kaaway ang awitan, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo.
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.
Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.
Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!
Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.
O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan,
upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay.
Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila!
Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah)
Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.
Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.
Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo.
Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.
upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,
Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan.
Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.’”
Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan!
Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha!
Tayo ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus. Hindi tayo umaasa sa mga panlabas na seremonya.
Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan.
At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.
Magbangon ka, O Diyos, kaaway ay pangalatin, at ang mga namumuhi'y tumakas sa kanyang piling!
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod, ang mahirap nilang buhay sa pagpapala'y pinuspos.
May utos na pinalabas na si Yahweh ang nagbigay, ang nagdala ng balita ay babaing karamihan;
ang balitang sinasabi: “Nang dahil sa takot, mga hari't hukbo nila'y tumatakas sa labanan!” Kaya ang mga babae na ang nagparte ng samsam.
Para silang kalapati, nararamtan noong pilak, parang gintong kumikinang kapag gumalaw yaong pakpak; (Bakit mayro'ng sa kulungan ng tupa napasadlak?)
Mga haring nagsitakas pagsapit ng Bundok Zalmon, ang yelo ay pinapatak ni Yahweh sa dakong iyon.
O kay laki niyong bundok, yaong bundok nitong Bashan; ito'y bundok na kay raming taluktok na tinataglay.
Sa taluktok mong mataas, bakit kinukutya wari yaong bundok na maliit na ang Diyos ang pumili? Doon siya mananahan upang doon mamalagi.
Ang kasama'y libu-libong matitibay na sasakyan, galing Sinai, si Yahweh ay darating sa dakong banal.
At sa dakong matataas doon siya nagpupunta, umaahon siya roon, mga bihag ang kasama; kaloob mang nagbubuhat sa tauhang nag-aalsa, tinatanggap ng Panginoong Yahweh na doon na tumitira.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)
Kung paano'ng yaong usok tinatangay noong hangin, gayon sila itataboy, gayon sila papaalisin; at kung paanong kandila sa apoy ay natutunaw, sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas, si Yahweh ang Panginoon, Panginoon nating lahat! Sa bingit ng kamataya'y hinahango tayo agad.
Mga ulo ng kaaway ay babasagin ng Diyos, kapag sila ay nagpilit sa kanilang gawang buktot.
Si Yahweh ang nagsalita: “Ibabalik ko sa iyo kaaway na nasa Bashan; hahanguin ko nga sila sa gitna ng karagatan,
upang kayo'y magtampisaw sa dugo na bubuhos, sa dugo nilang yaon, pati aso ay hihimod.”
Mamamasdan ng marami ang lakad mong matagumpay, pagpasok ng Diyos kong hari, sa may dako niyang banal.
Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan, sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan.
“Ang Diyos ay papurihan, kung magtipong sama-sama, buong lahi ng Israel papurihan ninyo siya!”
Yaong lahi ni Benjamin, maliit ma'y nangunguna, kasunod ay mga puno at pulutong nitong Juda; mga puno ng Zebulun at Neftali'y kasunod na.
Sana'y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan, ang lakas na ginamit mo noong kami'y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo, na pati ang mga hari doo'y naghahandog sa iyo,
Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid; sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.
Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”
Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!
Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa.
Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus,
upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad.
Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.
O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!
Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,
kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.