Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

42 Mga Talata sa Bibliya para sa Paglalakbay

Alam mo, may mga anghel tayong handang lumaban para sa atin, handang protektahan tayo. Pero kailangan din nating humingi ng tulong nila. Kaya naman, tuwing aalis tayo ng bahay, malapit man o malayo, 'wag nating kalimutang magdasal.

Trabaho man o bakasyon, ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga plano. Hilingin natin na ingatan Niya ang ating pag-alis at pag-uwi, na gabayan Niya ang ating mga hakbang para maging kalugod-lugod sa Kanya ang lahat ng ating gagawin, at maging masaya rin tayo. Manatili tayong nakakapit sa Panginoon at 'wag nating maliitin ang mga patibong ng kaaway.

Mag-ingat tayo at 'wag pababayaan ang pananalangin. Parang leong umaatungal ang kaaway, naghahanap ng malalapa. Ipagkatiwala natin ang ating mga plano sa kalooban ng Diyos at tiyak na pagpapalain Niya ang lahat ng ating gagawin. Sabi nga sa Salmos 121:8, “Iingatan ka ng Panginoon sa iyong paglabas at pagpasok, mula ngayon at magpakailanman.”


Mga Awit 91:11

Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.

Mga Bilang 6:24-26

Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka:

Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo:

Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.

Exodus 23:20

Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo.

Mga Kawikaan 3:23

Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod.

Isaias 6:8

At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.

Mga Awit 121:8

Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Genesis 28:15

At, narito't ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

Deuteronomio 33:27

Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan, At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig: At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway, At sinabi, Lansagin mo.

Deuteronomio 31:6

Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.

Mga Kawikaan 3:5-6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:

Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Exodus 33:14

At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan.

Deuteronomio 31:8

At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.

Mga Awit 37:23

Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.

Mga Kawikaan 16:9

Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.

Mga Awit 23:3-4

Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.

Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.

Galacia 5:25

Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.

Zacarias 10:12

At aking palalakasin sila sa Panginoon; at sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.

Mga Gawa 9:3

At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:

Mga Awit 37:23-24

Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.

Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.

Mga Awit 32:8

Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.

Mga Awit 91:11-12

Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.

Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

Mga Awit 46:1

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

Mga Awit 121:7-8

Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.

Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Mga Kawikaan 3:23-24

Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod.

Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.

Roma 15:13

Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Deuteronomio 8:2

At iyong aalalahanin ang buong paraan na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.

Isaias 41:10

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Isaias 45:2

Ako'y magpapauna sa iyo, at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:

Mga Awit 121:1-2

Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?

Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.

Isaias 58:11

At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.

Jeremias 29:11

Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.

1 Pedro 5:7

Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.

Isaias 26:3

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Mateo 28:20

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Mga Hebreo 13:5-6

Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?

Juan 14:27

Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

Roma 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

2 Corinto 5:7

(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin);

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Filipos 4:13

Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.

2 Tesalonica 3:3

Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama.

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang Walang Hanggan, lubos po ang aking pagsamba sa Iyo. Wala pong katulad ang Iyong awa at kapangyarihan. Kay buti mo po, Panginoong Hesus. Ikaw ang aking gabay at sandigan. Alam ko pong ligtas ako sa lilim ng Iyong mga pakpak. Turuan mo po akong lumakad sa Iyong kalooban. Marami man ang aking mga plano, ang sa Iyo lamang ang nananatili. Gabayan N’yo po ako sa aking mga desisyon upang ang lahat ay naaayon sa Iyong kagustuhan. Iniaalay ko po sa Iyo ang paglalakbay na ito. Nawa’y pagpalain N’yo po ako at patnubayan ng Iyong Banal na Espiritu saan man ako mapadpad. Hinihiling ko po ang Iyong biyaya at pagkalinga. Nawa’y paligiran ako ng Iyong mga anghel, maging sa aking sasakyan. Salamat po sa Iyong pangako na babantayan ang aking paglabas at pagpasok, ngayon at magpakailananman. Takpan N’yo po ako ng Iyong mahalagang dugo. Alisin N’yo po ang anumang balakid at kapahamakan sa biyaheng ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.