Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


107 Mga Talata sa Bibliya para sa mga Anibersaryo

107 Mga Talata sa Bibliya para sa mga Anibersaryo

Alam mo, ang sentro ng pagsasama natin bilang mag-asawa dapat ay ang Diyos. Kasi, Siya lang ang may kakayahang tumulong sa atin para maging mapagmahal at tapat sa ating kabiyak. Mas matibay ang pundasyon ng pagsasama kung may basbas Niya. Kaya mahalaga na magpasalamat tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagsamba at paghingi ng gabay ng Banal na Espiritu.

Lahat ng taon ng saya, hirap, at pagsubok, ipagkatiwala natin sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa ganitong paraan, mas tatagal at titibay ang ating pagsasama at makakasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa bawat anibersaryo.

Maglaan din tayo ng oras para sa isa't isa. Balikan natin ang kabutihan ng Diyos at magpasalamat sa lahat ng biyaya. Damhin natin ang saya na magkasama tayo at patuloy na maglakbay hawak ang kamay ng Panginoon.


Mga Awit 126:3

Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:9

Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:2

Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:9

Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:16

Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:23

At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:13

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:5-7

Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal ng isang inahin, na nagsisisabsab sa gitna ng mga lila. Hanggang sa ang araw ay lumamig at ang mga lilim ay tumakas, ako'y paroroon sa bundok ng mira, at sa burol ng kamangyan. Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; at walang kapintasan sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:25

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:12

Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:16

Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4-5

Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 3:4

Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:6-7

Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-6

At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:37-39

At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:6-9

Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:12-13

Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo. Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:8

Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:15

Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo; Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus. At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan daan man ang diablo. Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan. Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig. Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31-32

Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala: At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala, Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko. Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat, Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:1-2

Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag, Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo: Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan, Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan. Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat: At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin. Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan. Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Mangagalak kayong lagi; Magsipanalangin kayong walang patid; Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:17-19

Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak; Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi; Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:1-2

Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid. Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo. Sapagka't ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento. Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan. Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta. Sapagka't dito'y wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating. Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod. Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan. Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay. At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo. Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:17

Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:6-7

Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan; Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19

Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:4-5

Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:19

Oh pagkadakila ng iyong kabutihan, na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo, na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo, sa harap ng mga anak ng mga tao!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:10-11

Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot. Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, at ang iyong mga pagiisip sa amin: hindi malalagay na maayos sa harap mo; kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, sila'y higit kay sa mabibilang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain. Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2

Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:13

Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:22

Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:14

Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:7

Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-5

At sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal. Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:22-26

At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit. Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon! At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:1-3

Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama. At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin. Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo. Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo. Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't inyong makikita ako: sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo. Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya. Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin. Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo. Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi. Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man. Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin. At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:46-47

At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso. Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-5

At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:4-9

Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus; Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman; Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo: Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo; Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo. Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan; Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20-21

Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:6-7

Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya, Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:12

Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:11-14

Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pag-aari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:10

Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28

Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:3-5

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay, Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo, Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10

Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:1-2

Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad: Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin. Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya; mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit. Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap, mga granizo at mga bagang apoy. Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; mga granizo, at mga bagang apoy. At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila; Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila. Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig, at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan, sa iyong pagsaway, Oh Panginoon, sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong. Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako; sinagip niya ako sa maraming tubig. Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway, At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin. Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay. Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-3

Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:5-7

Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan. Huwag kang tumiwala sa kapighatian, at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw: kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso. Ang Dios ay nagsalitang minsan, makalawang aking narinig ito; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios: Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa. Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-4

Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak. Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang. Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako. Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko, Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian. Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah) Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa. Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila. Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon: Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin. Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin. Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:1-2

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw; Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan: Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal. Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati. Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan, Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:1-3

Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon. Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man. Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:1-3

Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan. Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron. Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas. Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak. Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao. Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan; Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon. Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios? Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:12-13

Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan. Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin. Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo. Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita. Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo, Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo. Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto. Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad. Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1-3

Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal. Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan; Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian. Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi. Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob. Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay. Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa. Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan. Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila. Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man. Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1-2

Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon. Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:3-4

Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang. Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:15

Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:10

Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Maraming salamat po, mahal naming Diyos, sa 'Yong walang hanggang katapatan. Nagpapasalamat po kami sa Iyong kabutihan at awa. Nadarama po namin ang Iyong pag-ibig na siyang bumubuhay at nagpapalakas sa amin. Ama, taos-puso po ang aming pasasalamat sa Iyong kapayapaan at pangangalaga, at sa pagkakataong ipagdiwang ang aming anibersaryo. Dalangin po namin na patuloy Mong pagtibayin ang aming pagsasama, na ang Iyong salita at ang matamis na pakikipag-isa sa Iyong Banal na Espiritu ang siyang maging sentro ng aming buhay. Panginoon, hawak Kamay, gabayan Mo po kami sa lahat ng pagsubok. Alam po namin na ang tunay na pagsasama ay hindi 'yung walang problema, kundi 'yung sama-samang hinaharap ang mga ito. Bigyan Mo po kami ng karunungan upang patuloy naming mapagtibay ang aming tahanan at pagsasama, na ang Iyong presensya ang siyang maghari sa aming mga puso, at hindi mabigyan ng puwang ang kaaway sa pamamagitan ng masasakit na salita. Panginoon, ilayo Mo po kami sa tukso ng pangangalunya at paghihiwalay. Nawa'y ang kapayapaan at pagkakasundo ang laging manaig sa amin, dahil ang pinagbuklod Mo ay huwag paghiwalayin ng tao. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas