Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga kapistahan na may papuri sa Diyos

74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga kapistahan na may papuri sa Diyos

Alam mo, ang pagkanta ay isang paraan para maipahayag natin ang ating kagalakan. Noon pa man, ginagamit na ng bayan ng Diyos ang awit para magpuri at humingi sa Kanya. Sa pag-awit ng papuri, naipapakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos.

Sabi nga sa Salmo 50:14, “Mag-alay ka sa Diyos ng pasasalamat, at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataas-taasan.” Nalulugod ang Diyos sa taos-pusong papuri, kaya dapat lagi natin Siyang pinupuri.

Dapat nating tandaan na ang Diyos natin ay lubos na dakila. Kaya, dapat din namang maging dakila ang ating pagpupuri sa Kanya. Siya ang Makapangyarihan sa lahat at karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian at karangalan. Ang pagdiriwang natin para sa Diyos ng langit at lupa ay nagpapakita ng ating pagkaunawa sa Kanyang kadakilaan. Ipinapakita nito na si Jesus ay napakataas, mapagtagumpay, at Hari ng mga Hari. Wala at hindi magkakaroon ng katulad Niya.

Magdiwang tayo! Pinalitan Niya ng kagalakan ang ating kalungkutan. Inalis Niya ang ating mga luha. Wala nang paghatol. Magdiwang kahit pa sa gitna ng pagsubok, dahil panandalian lamang ito. Hindi ka Niya iiwan. Magsigawan sa kagalakan! Magalak sa Panginoon at sa Kanyang kapangyarihan! Umawit ng bagong awit! Damitan ang sarili ng kagalakan! Kanyang pinasan ang ating kalungkutan. Kaya, purihin Siya nang malaya! Nahati na ang tabing, at wala nang makahahadlang sa ating paglapit sa Kanya. Buhay ang ating Manunubos! Ipinagtatanggol Niya tayo at iniingatan sa lahat ng panganib.

Magbihis tayo ng ating pinakamagandang damit. Tawagin ang ating mga kapitbahay, pamilya, kaibigan, at mga kapatid kay Kristo. Ipagdiwang natin ang kadakilaan ng Panginoon! Siya ay karapat-dapat at Siya ay walang hanggan. Luwalhatiin ang Kanyang pangalan!




Mga Bilang 29:12

“Sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:1

Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:30

Pupurihin ko ang Panginoon, pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:1

Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 9:2

“Ipagdiriwang ng mga Israelita ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa nakatakdang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:22

“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Pag-aani kung mag-aani kayo ng mga unang ani ng trigo, at ipagdiwang din ninyo ang Pista ng Katapusan ng Pag-ani sa katapusan ng taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:4-5

Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa tuwa sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon habang tinutugtog ang mga alpa at mga trumpeta at tambuli. Sumigaw kayo sa galak sa presensya ng Panginoon na ating Hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:9

Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11-12

Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:3

Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:14

“Dapat ninyong tandaan ang araw na ito magpakailanman. Ipagdiwang ninyo ito taun-taon bilang pista ng pagpaparangal sa akin. Ang tuntuning itoʼy dapat ninyong sundin hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:15

Naririnig ang masayang sigawan ng mga mamamayan ng Dios sa kanilang mga tolda dahil sa kanilang tagumpay. Ang Panginoon ang nagbigay sa kanila ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan! Ang kapangyarihan ng Panginoon ang nagbibigay ng tagumpay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:29

Pero kayong mga mamamayan ng Dios ay aawit, katulad ng ginagawa ninyo sa gabi ng pista ng pagpaparangal sa Panginoon. Magagalak kayo katulad ng taong nagmamartsa sa tunog ng plauta habang naglalakad patungo sa Bundok ng Panginoon para sambahin siya, ang Bato na kanlungan ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:8

Kayong mga tao, purihin ninyo ang Dios! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:1

Dakila ang Panginoon na ating Dios, at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan, ang kanyang banal na bundok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:1

Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:10

Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1-6

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:13-14

Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa. Pinalalakas niya at pinararangalan ang kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na kanyang pinakamamahal. Purihin ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:3

Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:4

Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:9

Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag ang tungkol sa Dios ni Jacob, aawit ako ng mga papuri para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:21

Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171

Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:1-3

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong mga lingkod niya, Winasak niya ang maraming bansa, at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari, katulad nina Sihon na hari ng Amoreo, Haring Og ng Bashan, at ang lahat ng hari ng Canaan. At kinuha niya ang kanilang mga lupain at ibinigay sa mga mamamayan niyang Israelita upang maging kanilang pag-aari. Panginoon, ang inyong pangalan at katanyagan ay hindi malilimutan sa lahat ng salinlahi. Dahil patutunayan nʼyo, Panginoon, na ang inyong lingkod ay walang kasalanan, at silaʼy inyong kahahabagan. Ang mga dios ng ibang mga bansa ay mga yari sa pilak at ginto na gawa ng tao. May mga bibig, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita. May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig, at silaʼy walang hininga. Ang mga gumawa ng dios-diosan at ang lahat ng nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito na walang kabuluhan. Kayong mga mamamayan ng Israel, pati kayong mga angkan ni Aaron at ang iba pang mga angkan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon! Kayong mga may takot sa Panginoon, purihin ninyo siya! na naglilingkod sa templo ng Panginoon na ating Dios. Purihin ninyo ang Panginoon na nasa Zion, ang bayan ng Jerusalem na kanyang tahanan. Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Panginoon, dahil siya ay mabuti. Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, dahil ito ay kaaya-aya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:8

Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:17

Pinasasalamatan ko kayo Panginoon, dahil matuwid kayo. Aawitan ko kayo ng mga papuri, Kataas-taasang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:25

Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-3

Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya. Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:49

Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa. O Panginoon, aawitan ko kayo ng mga papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 81:1-3

Umawit kayo nang may galak sa Dios na nagbibigay sa atin ng kalakasan. Sumigaw kayo nang may tuwa sa Dios ni Jacob! Ako ang Panginoon na inyong Dios. Ako ang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto. Humingi kayo sa akin at ibibigay ko sa inyo ang mga pangangailangan ninyo. Ngunit kayong mga Israelita na aking mga mamamayan, hindi kayo nakinig at sumunod sa akin. Kaya hinayaan ko kayo sa katigasan ng inyong ulo at ginawa ninyo ang inyong gusto. Kung nakinig lang sana kayo sa akin at sumunod sa aking mga pamamaraan, kaagad ko sanang nilupig at pinarusahan ang inyong mga kaaway. Ang mga napopoot sa akin ay yuyukod sa takot. Ang kaparusahan nila ay walang katapusan. Ngunit kayo na aking mga mamamayan, pakakainin ko kayo ng pinakamainam na bunga ng trigo at pulot hanggang sa mabusog kayo.” Umawit kayo at tugtugin ang tamburin kasabay ng magandang tunog ng alpa at lira. Patunugin ninyo ang tambuli tuwing Pista ng Pagsisimula ng Buwan na ating ipinagdiriwang tuwing kabilugan ng buwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:7

Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:19

doon sa inyong templo sa Jerusalem. Purihin ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30

Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 8:10

Sinabi pa ni Nehemias, “Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:32

Umawit kayo sa Dios, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:6

Umawit kayo ng mga papuri sa Dios. Umawit kayo ng mga papuri sa ating hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:3

Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon, at punong-puno tayo ng kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2

Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-6

Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin nʼyo siya! Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin. Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo. Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:23-31

Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa. Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios, dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay ginawa lang nila para sambahin, ngunit ang Panginoon ang lumikha ng langit. Nasa kanya ang kaluwalhatian at karangalan; ang kalakasan at kagalakan ay nasa kanyang tahanan. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng tao sa mundo. Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan. Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kanyang kabanalan. Binigyan niya ng tinapay, karne, at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan. Matatag niyang itinayo ang mundo at hindi ito mauuga. Magalak ang buong kalangitan at mundo; ipahayag sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:3

Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon, at itaas natin ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:14

Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 12:27

Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19

Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1-3

Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan. Magalak ang mga taga-Israel sa kanilang Manlilikha. Magalak ang mga taga-Zion sa kanilang Hari. Magpuri sila sa kanya sa pamamagitan ng pagsasayaw; at tumugtog sila ng tamburin at alpa sa pagpupuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 9:9

Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, dahil ang inyong hari ay darating na. Matuwid siya at mapagtagumpay. Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa bisirong asno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:37-40

Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng tagasunod niya at nagpuri nang malakas sa Dios dahil sa mga himalang nasaksihan nila. Sinabi nila, “Pinagpala ng Panginoon ang haring kanyang ipinadala. Mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios. Purihin ang Dios sa langit!” Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga tagasunod mo.” Kaya patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na dadaan doon. Pero sinagot sila ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1-2

Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga. Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo. Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa! Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila. Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway. Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan, upang masabi ko sa lahat ng tao sa pintuan ng Zion, ang inyong mga ginawa, at akoʼy magagalak at magpupuri dahil sa inyong pagliligtas. Nangyari mismo sa kanilang bansa ang plinano nilang masama. At sila mismo ang nahuli sa sarili nilang bitag. Ipinakita ng Panginoon kung sino siya sa pamamagitan ng paghatol niya ng matuwid. At ang masasama ay napahamak, dahil na rin sa kanilang ginawang masama. Mamamatay ang taong masasama sa lahat ng bansa, dahil itinakwil nila ang Dios. Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan, at ang pag-asa ng mga mahihirap ay hindi na mawawala kailanman. O Panginoon, huwag nʼyong pabayaang manaig ang kakayahan ng mga tao, tipunin nʼyo sa inyong presensya at hatulan ang mga taong hindi kumikilala sa inyo. Magpapakasaya ako dahil sa inyo, Kataas-taasang Dios. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1-3

Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya. Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa Panginoon. Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin. Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo ng pagkatakot sa Panginoon. Kung nais ninyo ng masaya at mahabang buhay, iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling. Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti. Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan. Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid, at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan. Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama. Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo. Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin. Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa. Marami ang paghihirap ng mga matuwid, ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito. Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon; maririnig ito ng mga api at silaʼy magagalak. Silaʼy iniingatan ng Panginoon, at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali. Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Dios. Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod, at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya. Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon, at itaas natin ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong pusong maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan. Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis. Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:4

Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko na dati ay pinangungunahan ko ang maraming tao na pumupunta sa templo. At kami ay nagdiriwang, sumisigaw sa kagalakan at nagpapasalamat sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:30

Umawit sila ng papuri sa Dios, at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-4

Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Dios nang may kagalakan. O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak. Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin. Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan. Mag-aalay ako sa inyong templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo, mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan. Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing. Halikayo at makinig, kayong lahat na may takot sa Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin. Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri. Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan. Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot. Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit. Purihin ang Dios, na hindi tumanggi sa aking panalangin, at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin. Sabihin ninyo sa kanya, “O Dios, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan, luluhod ang inyong mga kaaway sa takot. Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyo na may awit ng papuri.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:1-3

Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon! Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan. Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan. Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:23

Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog at umaawit ng papuri sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-2

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya. Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago. At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan. Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat. Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:11

Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:1-2

Umawit si Moises at ang mga Israelita ng awit sa Panginoon: “Aawitan ko ang Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito. Pero sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat. Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga. O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay! Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway. “Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan. Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot. Lubhang matatakot ang mga Filisteo. Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot, at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot. “Tunay na matatakot sila. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos, hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon. Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain, at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo – ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang templong kayo mismo ang gumawa. Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.” Tinabunan ng Panginoon ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:7-9

Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon. Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Dios. Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan, at pinauulanan niya ang mundo, at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan. Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:1-2

Panginoong Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo! Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama. Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay. O Panginoong Makapangyarihan, mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo. Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1-2

Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon. Mga taga-Zion, ang Panginoon na inyong Dios ay maghahari magpakailanman. Purihin ang Panginoon! Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Dios ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:1-2

Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga dios. Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. Dahil ipinakita nʼyo na kayo at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:11

Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:5-7

Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa. Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa, at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan. Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 5:13-14

Ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon na tinutugtugan ng mga trumpeta, pompyang at iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang inaawit: “Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Pagkatapos, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon. Hindi na makaganap ang mga pari ng kanilang gawain sa templo dahil sa ulap, dahil binalot ng makapangyarihang presensya ng Panginoon ang kanyang templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Diyos, sa araw na ito, ipinagdiriwang ko ang iyong kadakilaan sa pamamagitan ng awit at sayaw para sa iyo! Nagagalak ako sa iyong kaluwalhatian, nagpupuri at nagbibigay karangalan sa iyong pangalan. Ikaw ang Banal, walang hanggan, O Haring makapangyarihan, nawa'y kilalanin at purihin ang iyong kapangyarihan magpakailanman. Lumalapit ako sa iyong harapan nang nakataas ang mga kamay at buong pusong nagpupuri sa iyo. Ikaw lamang ang Diyos at karapat-dapat sa lahat ng papuri. Inihahandog ko sa iyo ang aking pag-ibig, pagsuko, at papuri. Ako'y aawit at sasayaw, mga salmo sa iyong pangalan, ipapahayag ang iyong pag-ibig sa umaga at ang iyong katapatan sa gabi. Ikaw ang Diyos ng aking kagalakan, ang aking kaluluwa ay nagagalak at nagdiriwang sa iyong harapan. Salamat sa pagpuno mo ng aking bibig ng mga ngiti. Ikaw ang Hari ng kaluwalhatian at kadakilaan! Tanggapin mo ang lahat ng papuri at karangalan! Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas