Pupurihin din kita gamit ang aking instrumento, O Diyos ko; aawitan ko ang iyong katotohanan gamit ang alpa, O Banal ng Israel. (Mga Awit 71:22) Noon pa man, naipahahayag na natin ang ating mga damdamin sa pamamagitan ng awit at musika. Sa banal na kasulatan, mababasa natin na nalulugod ang Diyos sa musika. Sinasabi ng Diyos sa Mga Awit 50:23: “Ang naghahandog ng pasasalamat bilang papuri ay siyang nagpaparangal sa akin; at sa kaniya na nag-aayos ng kaniyang lakad ay aking ipakikita ang pagliligtas ng Diyos.”
Sa Diyos natin natatanggap ang inspirasyon, talento, at talino para matuto ng kahit anong gawain. Hindi tayo ipinanganak na mayroon na ng lahat ng ito. Si Hesus ang nagbibigay sa atin ng iba't ibang kaloob para magamit natin dito sa lupa. At dahil alam mo kung gaano kabuti ang Diyos sa'yo, gamitin mo ang lahat ng iyong nalalaman para sa Kanya. Ang pagpupuri at pagsamba ay hindi lang basta pagkanta. Ito ay pagpapakita ng pagmamahal mo bilang tugon sa pagmamahal ng Diyos sa'yo. Maipapakita mo ito gamit ang buong katawan mo. May mga sumasayaw, tumatalon, sumisigaw, at nagpapatirapa. At mayroon ding mga naghahandog ng musika. Kaya mahalaga na ialay mo ang iyong buhay sa Diyos para sa tuwing tutugtog ka ng instrumento, ang tunog nito ay maging kalugod-lugod sa harapan ng Ama.
Ingatan mo ang iyong puso. Ang tunay mong motibasyon ay dapat ang pagpupuri sa Diyos, hindi ang mapansin ng tao. Ibigay mo ang lahat ng papuri sa Diyos sa lahat ng iyong ginagawa at maging karapat-dapat na instrumento Niya. Nawa'y malugod Siya sa tuwing maririnig ka. At higit sa lahat, tandaan na ang lahat ng iyong kaalaman at kakayahan ay galing kay Hesus. Kaya manatili kang tapat at totoo, handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Magpuri sila sa kanya sa pamamagitan ng pagsasayaw; at tumugtog sila ng tamburin at alpa sa pagpupuri sa kanya.
Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta.
Patunugin ninyo ang tambuli tuwing Pista ng Pagsisimula ng Buwan na ating ipinagdiriwang tuwing kabilugan ng buwan.
Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa tuwa sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon habang tinutugtog ang mga alpa at mga trumpeta at tambuli. Sumigaw kayo sa galak sa presensya ng Panginoon na ating Hari.
Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira!
Pagdating niya sa kabundukan ng Efraim, hinipan niya ang trumpeta para tawagin ang mga Israelita sa pakikipaglaban. Pagkatapos, bumaba ang mga Israelita mula sa kabundukan sa pangunguna ni Ehud.
O Dios ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa. O Banal na Dios ng Israel, aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.
at hindi na maririnig ang magagandang tugtugan ng mga tamburin at alpa, at ang hiyawan ng mga taong nagdiriwang.
Pasalamatan ninyo ang Panginoon sa pamamagitan ng mga alpa at mga instrumentong may mga kwerdas.
Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang.
Nang marinig ng mga tao ang kulog, at ang tunog ng trumpeta, at nang makita nila ang kidlat at ang bundok na umuusok, nanginig sila sa takot. Tumayo sila sa malayo
Buong lakas na nagdiwang si David at lahat ng mga Israelita sa presensya ng Dios. Umawit sila at tumugtog ng mga alpa, lira, tamburin, pompyang at trumpeta.
Ang mga kahoy na almug ay ginamit ng hari upang gawing hagdan para sa templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang iba ay ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Iyon ang pinakamagandang kahoy na almug na ipinadala sa Israel; wala nang makikita na kagaya nito hanggang sa ngayon.)
At dinala ng lahat ng mga Israelita ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon nang may kagalakan. Pinatunog nila ang mga tambuli, trumpeta at pompyang; at pinatugtog ang mga lira at mga alpa.
Buong kagalakang nagdiwang si David at ang buong Israel sa presensya ng Panginoon nang buong kalakasan. Umaawit sila at tumutugtog ng mga alpa, lira, tamburin, kastaneta at pompyang.
Kinaumagahan ng ikatlong araw, kumulog at kumidlat, at may makapal na ulap na tumakip sa bundok at narinig ang malakas na tunog ng trumpeta. Nanginig sa takot ang lahat ng tao sa kampo.
Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta.
Nang sa gayon, makalapit ako sa inyong altar, O Dios, na nagpapagalak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Dios.
May mga banda pa kayo at mga alak sa inyong mga handaan. Pero hindi ninyo pinapansin ang ginagawa ng Panginoon.
Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira.
O Dios na aking Hari, nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpay papunta sa inyong templo. Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog; at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.
Si Asaf ang nanguna sa kanila at siya ang nagpapatunog ng mga pompyang. Sumunod sa kanya ay sina Zacarias, Jeyel, Shemiramot, Jehiel, Matitia, Eliab, Benaya, Obed Edom at Jeyel. Sila ang mga tagatugtog ng lira at alpa. Ang mga pari na sina Benaya at Jahaziel ang palaging nagpapatunog ng mga trumpeta sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng Dios.
Inutusan ni David ang mga pinuno ng mga Levita na pumili ng mang-aawit mula sa kapwa nila Levita, sa pag-awit ng masasayang awitin na tinugtugan ng mga lira, alpa at pompyang.
Pasalamatan ninyo ang Panginoon sa pamamagitan ng mga alpa at mga instrumentong may mga kwerdas. Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol. Nagagalak tayo, dahil tayoʼy nagtitiwala sa kanyang banal na pangalan. Panginoon, sumaamin nawa ang inyong matapat na pag-ibig. Ang aming pag-asa ay nasa inyo. Awitan ninyo siya ng bagong awit. Tugtugan ninyo siya ng buong husay, at sumigaw kayo sa tuwa.
Bakit niloko mo ako at umalis nang hindi nagpapaalam sa akin? Kung nagsabi ka lang, paglalakbayin pa sana kita nang may kagalakan sa pamamagitan ng tugtugan ng tamburin at alpa.
Kataas-taasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat at umawit ng papuri sa inyo. Pinalakas nʼyo ako na tulad ng lakas ng lakas ng toro at binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan. Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway, at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin. Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma, at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon. Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios, lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag. Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan. Nakalulugod na ipahayag ang inyong pag-ibig at katapatan araw at gabi, habang tumutugtog ng mga instrumentong may kwerdas.
Ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon na tinutugtugan ng mga trumpeta, pompyang at iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang inaawit: “Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Pagkatapos, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon. Hindi na makaganap ang mga pari ng kanilang gawain sa templo dahil sa ulap, dahil binalot ng makapangyarihang presensya ng Panginoon ang kanyang templo.
O Dios, lubusan akong nagtitiwala sa inyo. Buong puso kitang aawitan ng mga papuri. Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa lungsod nito na napapalibutan ng pader? Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami? Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal. Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan. Sa tulong nʼyo, O Dios, kami ay magtatagumpay dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway. Gigising ako ng maaga at ihahanda ko ang alpa at mga instrumentong may mga kwerdas.
Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw. Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila: “Umawit kayo sa Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”
Tungkulin nina Heman at Jedutun ang pagpapatunog ng mga trumpeta, pompyang at ng iba pang mga instrumento na ginagamit sa pag-awit ng mga awitin para sa Panginoon. Ang mga anak ni Jedutun ang pinagkatiwalaan na magbantay sa pintuan.
Pagdating mo sa bundok ng Dios sa Gibea, kung saan may kampo ng mga Filisteo, may makakasalubong kang grupo ng mga propeta pababa galing sa sambahan sa mataas na lugar. Tumutugtog sila ng lira, tamburin, plauta at alpa, at nagpapahayag ng mensahe ng Dios.
Ang mga musikerong Levita na sina Asaf, Heman, Jedutun at ang kanilang mga anak at mga kamag-anak ay tumayo sa bandang silangan ng altar. Nakasuot sila ng pinong linen at tumutugtog ng pompyang, alpa at lira. Sinasamahan sila ng 120 pari na nagpapatunog ng trumpeta. Ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon na tinutugtugan ng mga trumpeta, pompyang at iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang inaawit: “Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Pagkatapos, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon.
Inihatid si Haring Solomon ng mga tao pauwi sa Jerusalem na nagkakasayahan at tumutugtog ng mga plauta. Nayanig ang lupa sa ingay nila.
Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog; at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.
Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay.
Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira. Pinapunta rin ang mga mang-aawit mula sa mga baryo sa paligid ng Jerusalem at mula sa baryo ng Netofa.
Panginoon, iniligtas nʼyo po ako, kaya sa saliw ng tugtog, aawit kami sa inyong templo habang kami ay nabubuhay.
Magpapakita ang Panginoon sa ibabaw ng kanyang mga mamamayan. Kikislap ang kanyang pana na parang kidlat. Patutunugin ng Panginoong Dios ang trumpeta; at darating siyang kasama ng bagyong mula sa timog.
Nang kunin niya iyon, lumuhod sa harap ng Tupa ang apat na buhay na nilalang at ang 24 na namumuno at sumamba sa kanya. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na gintong sisidlan na puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga pinabanal. May alpa rin silang tinutugtog, at umaawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, dahil kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Dios. Ang mga taong ito ay mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa.
ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.”
Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.
Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.
Tanggapin nʼyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos.
Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.
Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan.
Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari. Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon.
May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo: Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas. Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin. Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Dios ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Dios para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya. Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Dios ang mga pangyayari. Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran. Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay. Sinusubok ng Dios ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop. Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat! May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani. Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik. Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?” Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay. May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo. May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.