Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


103 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkasira sa Harap ng Diyos

103 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkasira sa Harap ng Diyos

Matagal na nating naririnig ang tungkol sa krus, parang alam na natin ang lahat tungkol dito; pero, naiintindihan ba talaga natin kung ano ang krus?

Ang kahulugan ng krus ay ang pagdurog ng ating panlabas na pagkatao. Tinatapos nito ang ating lumang sarili, winawasak ito nang lubusan, at binabasag ang ating panlabas na balat. Sinisira nito ang ating mga opinyon, pamamaraan, karunungan, pagkamakasarili, at lahat ng iba pa. Kapag nangyari ito, malaya nang makakalabas ang ating panloob na pagkatao, at makakakilos na ang Espiritu.

Ginagamit ng Diyos ang pagdurog bilang isang gawa ng biyaya para makita natin ang espirituwal na realidad ng ating mga puso. Ang sakit ba ng espirituwal na pagdurog ay maaaring biyaya ng Diyos? Oo naman! Ang biyaya ng Diyos ay mahiwaga. Marami sa ating mga luha ay hindi dahil sa paghatol ng Diyos, kundi dahil sa Kanyang biyaya.

Biyaya ng Diyos na sa pamamagitan ng pagdurog ay magkakaroon tayo ng malalim na pagkaunawa sa ating pagkakasala at sa ating pangangailangan na lubos na umasa kay Cristo. Sa sakit ng pagdurog, dinadala tayo ng Diyos sa pagtatapat ng kasalanan, sa pagpapakumbaba, at sa malalim na pangangailangang ito kay Cristo.

Doon natin masasabi nang buong puso, “Amen!” sa mga salita ni Cristo: “Hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.” (Juan 15:5). Masakit ang pagdurog ng sarili, pero mas masakit yakapin ang pride para lang hindi madurog.

Gusto ng Diyos na madurog ka sa Kanyang presensya, para maintindihan mo na ang pagdurog ang magdadala sa iyo kay Cristo sa lubos na pagsuko. Dito mo matatanggap ang Kanyang kapuspusan at biyaya, biyaya na sagana, para mamuhay ka sa kabanalan, kapakumbabaan, at kabanalan.

Kung gusto mong mapalapit sa Ama at maging kalugod-lugod sa Kanya, tandaan mo na sinasabi sa Biblia na malapit Siya sa mga may pusong durog at nagsisisi. Kanyang hinahamak ang palalo at nilalabanan ang mapagmataas. Mamuhay ka sa lubos na pagpapakumbaba at hayaan mong hubugin ka ng Diyos ayon sa Kanyang kagustuhan hanggang sa maipakita mo ang larawan ni Cristo sa iyong buhay.




Mga Awit 51:17

Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan. Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:18

Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:15

Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:8

Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan at kaligayahan upang sa aba kong kalagayan, muling mapasaakin ang kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 32:28

“At ikaw, Faraon, ay mamamatay din at mahihimlay kasama ng mga hindi naniniwala sa Dios na namatay sa digmaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:14

Aawit sila sa tuwa, pero kayoʼy iiyak sa lungkot at sama ng loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 48:4-5

Mawawasak ang Moab at mag-iiyakan ang mga bata. Sinabi pa ng Panginoon, “Tingnan nʼyo! Ang kaaway ng Moab ay parang agila na lumilipad para dagitin ito. Sasakupin ang mga lungsod at ang mga kampo ng Moab. Sa mga araw na iyon, matatakot ang mga sundalo ng Moab katulad ng isang babaeng malapit nang manganak. Mawawasak ang Moab dahil sa paghihimagsik niya sa Panginoon. Ang sasapitin ng mga taga-Moab ay takot, hukay at bitag. “Ang sinumang tatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay. At ang sinumang makakaligtas sa hukay ay mahuhuli sa bitag, dahil talagang parurusahan ko ang Moab sa takdang panahon. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. Ang mga kawawang nakatakas ay nais magtago sa Heshbon. Pero ang Heshbon na pinagharian ni Haring Sihon ay nagliliyab sa apoy at nilamon pati ang mga kabundukan na pinagtataguan ng mga taga-Moab na ang gusto ay digmaan. Hala! Tapos na kayo, kayong mga taga-Moab! Kayong mga sumasamba sa dios-diosang si Kemosh ay bibihagin ang inyong mga anak. Pero darating ang araw na ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng Moab. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.” Ito ang mensahe tungkol sa Moab. Ang mga mamamayan ng Moab ay mag-iiyakan nang malakas habang paakyat sila sa Luhit at pababa sa Honoraim. Mag-iiyakan sila dahil sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 17:1

“Malapit na akong mamatay; parang malalagot na ang hininga ko. Nakahanda na ang libingan para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:9

Nadudurog ang puso ko dahil sa mga bulaang propeta. Nanginginig pati ang mga buto ko at para akong lasing dahil sa banal na mensahe ng Panginoon laban sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:3

“Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:9

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10-12

Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat. Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin. Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:8

Akoʼy pagod na at nanghihina pa, at dumadaing din ako dahil sa sobrang bigat ng aking kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:1-2

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay. Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob. Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas. Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay. Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng sekswal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espiritwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan. At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya. Ang paglapit nʼyo sa Dios ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila –  ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin. Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:5

Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:26

Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:2

Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:24

Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:6-7

Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Dios, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:34

Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 22:29

Kung may taong nanghihina, at kung idadalangin mo sa Dios na palakasin siya, tutulungan niya ang taong iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:67

Nang akoʼy hindi nʼyo pa pinarurusahan, akoʼy lumayo sa inyo, ngunit ngayoʼy sinusunod ko na ang inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:71

Mabuti na pinarusahan nʼyo ako, dahil sa pamamagitan nito natutunan ko ang inyong mga turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa. Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!” Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!” Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak. Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:10

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30-31

Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat. Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:1-2

Mahal ko ang Panginoon, dahil dinidinig niya ang paghingi ko ng tulong sa kanya. Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya. Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.” Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin? Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa Panginoon sa harap ng kanyang mga mamamayan. Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan. Panginoon, ako nga ay inyong lingkod. Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag. Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo sa harap ng inyong mga mamamayan, doon sa inyong templo sa Jerusalem. Purihin ang Panginoon! Dahil pinakikinggan niya ako, patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:10-11

upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya. At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:19

Higit na mabuti ang mamuhay nang may pagpapakumbaba kasama ang mahihirap kaysa sa mamuhay kasama ng mayayabang at makibahagi sa kanilang pinagnakawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:26

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:27-29

Ngunit pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. At pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harap ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:17

Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:58

Buong puso akong nakikiusap sa inyo na ako ay inyong kahabagan ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29-31

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:4

Ang paggalang sa Panginoon at pagpapakumbaba ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay, kayamanan at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:9

Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:4

Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:11

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ako, ang Panginoon na buhay ay sumusumpa na darating ang araw na luluhod ang lahat ng tao sa akin at kikilalanin akong Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:18

Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:1-4

May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo: Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas. Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay. Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin. Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Dios ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Dios para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya. Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Dios ang mga pangyayari. Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran. Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay. Sinusubok ng Dios ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop. Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat! May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani. Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik. Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?” Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay. May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo. May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:26

Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog. Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo. Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:2

Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya. Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin. Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:11-16

Itinataas niya ang mga nagpapakumbaba at kinakalinga ang mga nagdadalamhati. Sinisira niya ang plano ng mga mandaraya, para hindi sila magtagumpay. Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan, at hinahadlangan ang plano ng mga mandaraya. Hindi sila nakakakita kahit maliwanag, at nangangapa sila na parang gabi kahit na katanghalian. Inililigtas ng Dios ang mga dukha mula sa kamatayan at sa mga taong makapangyarihan na umaapi sa kanila. Kaya may pag-asa ang mga dukha, pero ang masasama ay kanyang sinasaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:175

Panatilihin nʼyo ang aking buhay upang kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:21

Ang mga taong lumalayo sa kasamaan ay nabibilang sa mga kasangkapang ginagamit sa mahahalagang okasyon. Nakatalaga sila sa Panginoon, kapaki-pakinabang sa kanya, at laging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:21

hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:8

Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:2

Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26-27

Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at maglalayo sa iyo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:25

Akoʼy parang mamamatay na, kaya panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:22

lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:4

Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala, at hindi lumalapit sa mga mapagmataas, o sumasamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:13-14

Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:16-18

Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang at hindi naman gaanong mabigat. At dahil sa aming mga paghihirap, may inihahandang gantimpala ang Dios para sa amin na mananatili magpakailanman at hinding-hindi mapapantayan. Kaya hindi namin pinapahalagahan ang mga bagay na nakikita sa mundong ito kundi ang mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:13-15

Sa kanilang kagipitan, silaʼy tumawag sa Panginoon, at silaʼy kanyang iniligtas. Pinutol niya ang kanilang mga kadena at silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan. Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon, dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 58:6

O Panginoong Dios, sirain nʼyo ang kanilang kakayahan sa pamiminsala na parang binabali nʼyo ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:5-6

Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:4

Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat para turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:5

Ngunit sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa inyo; hindi ko na ito itinago pa. Sinabi ko nga sa sarili ko, “Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.” At pinatawad nʼyo ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:21

Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:6-7

Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, para masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:139

Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:7

Talikuran na ng mga taong masama ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa Panginoon na ating Dios, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:11

At dahil nakay Cristo Jesus na kayo, ituring ninyo ang inyong mga sarili na patay na sa kasalanan at nabubuhay na para sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 143:10

Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban, dahil kayo ang aking Dios. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Lagi kayong magalak, laging manalangin, at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:143

Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-5

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 88:1-3

Panginoon, kayo ang Dios na aking Tagapagligtas. Tumatawag ako sa inyo araw-gabi. Gumagawa ba kayo ng himala sa mga patay? Bumabangon ba sila upang kayoʼy papurihan? Ang katapatan nʼyo ba at pag-ibig ay pinag-uusapan sa libingan? Makikita ba ang inyong mga himala at katuwiran sa madilim na lugar ng mga patay? Doon sa lugar na iyon ang lahat ay kinakalimutan. Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo. Tuwing umagaʼy nananalangin ako sa inyo. Ngunit bakit nʼyo ako itinatakwil Panginoon? Bakit nʼyo ako pinagtataguan? Mula pa noong bata ay nagtitiis na ako at muntik nang mamatay. Tiniis ko ang mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin. Ang inyong galit ay humampas sa akin na parang malakas na hangin. Halos mamatay ako sa mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin. Dumating ang mga ito sa akin na parang baha at pinalibutan ako. Inilayo nʼyo sa akin ang mga mahal ko sa buhay at mga kaibigan; wala akong naging kasama kundi kadiliman. Dinggin nʼyo ang panalangin ko at sagutin ang aking panawagan. Dahil napakaraming paghihirap na dumarating sa akin at parang mamamatay na ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:9

At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayoʼy aking sasagutin. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:6

Ang masakit na pagsaway ng isang kaibigan ay may katuturan, ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:29

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:19

Ang pag-asang ito ay matibay tulad ng angkla, at ito ay nagbibigay kapanatagan sa buhay natin, dahil umaabot ito sa Pinakabanal na Lugar,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang Panginoong naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila, banal, at marilag ang aking Hesus, ikaw ang makapangyarihan, matibay, at di-magagapi, ang buhay ko'y nasa iyong mga kamay. Ama, muli akong nagpapasalamat sa pagsugo ng iyong Banal na Espiritu sa aking buhay, dahil sa kanya nadarama ko ang iyong presensya, ako'y iyong pinapatnubayan, inaaliw, at binabasag ang aking pagkatao. Mahal kong Diyos, dalangin ko na sa bawat araw ng aking buhay, ang iyong pag-ibig at awa ay dumampi sa aking puso upang mabunot ang lahat ng di-nakalulugod sa iyo, bigyan mo ako ng pusong madaling maturuan at maramdamin sa iyong presensya. Banal na Espiritu, patnubayan mo ang aking mga hakbang, ang aking damdamin at emosyon, iniaalay ko ang bawat sulok ng aking puso upang mabago mo. Panginoon, mahal kita at kahit alam kong mayroon kang magagandang plano para sa aking buhay, minsan ako'y nadidismaya at lumalayo, ilapit mo ako sa iyong presensya gamit ang lubid ng pagmamahal kapag ako'y nasa gitna ng pagsubok, kasalanan, o pagkalito, ipaunawa mo sa akin na mayroon kang mas dakilang plano para sa akin. Basagin mo ang aking puso at hipuin ang aking isipan upang ako'y makabalik sa iyo nang may alab at katatagan. Basagin at panumbalikin mo ang aking buong pagkatao, sapagkat nasusulat: «Malapit si Yahweh sa mga may pusong wasak, at inililigtas niya ang mga may espiritung nagsisisi». Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas