Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


108 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagbubuntis

108 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagbubuntis

Alam mo, gusto ng Diyos na kasama ka sa bawat aspeto ng buhay mo. Gusto Niyang lubos kang magtiwala na Siyang Ama ang nag-aalaga sa'yo, mapa-maliliit o malalaking bagay. Sa napakagandang yugto na ito ng buhay mo, may dala kang malaking biyaya, isang espesyal na regalo na dapat mong alagaan at mahalin nang buong puso.

Dapat mong bantayan ang paglaki niya, maging matiyaga, at gabayan siya nang may karunungan sa patuloy niyang pag-unlad. Ang pagbubuntis ay puno ng kaligayahan dahil may dala kang isang taong nangangailangan sa'yo araw-araw. Haplusin mo siya, kantahan, at ipanalangin.

Sulitin mo ang bawat yugto ng iyong pagbubuntis at manalig na magiging maayos ang lahat. Kausapin mo ang Espiritu Santo, humingi ka ng tulong sa iyong mga pangamba at lakas para sa panganganak. Kapag kayakap mo na ang iyong sanggol, magpasalamat ka sa Diyos at i-enjoy ang bawat sandali kasama siya.

Isang regalo mula sa Diyos ang magdala ng bagong buhay sa mundong ito.




Juan 16:21

Katulad ito ng isang babaeng naghihirap dahil malapit nang manganak. Pero pagkasilang ng sanggol, nakakalimutan na niya ang lahat ng hirap dahil sa kagalakan sapagkat naisilang na niya ang sanggol dito sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3

Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 25:21

Dahil baog si Rebeka, nanalangin si Isaac sa Panginoon na magkaanak ito. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:1

Pagkatapos noon, sumiping si Adan sa asawa niyang si Eva at nagbuntis ito. Nang manganak si Eva, sinabi niya, “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon, kaya Cain ang ipapangalan ko sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 30:22-23

Hindi rin kinalimutan ng Dios si Raquel. Sinagot niya ang kanyang panalangin na magkaanak din siya. Nagbuntis siya at nanganak ng lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Dios ang aking kahihiyan.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Jose dahil sinabi niya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:27-28

Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya. Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:24-25

Hindi nagtagal, nagbuntis si Elizabet, at sa loob ng limang buwan ay hindi siya umalis ng bahay. Sinabi niya, “Napakabuti ng Panginoon. Inalis niya ang kahihiyan ko sa mga tao bilang isang baog.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:24

Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo: Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:36-37

Maging ang kamag-anak mong si Elizabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon. Sapagkat walang imposible sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:41-44

Nang marinig ni Elizabet ang pagbati ni Maria, naramdaman niyang gumalaw nang malakas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Napuspos ng Banal na Espiritu si Elizabet at malakas niyang sinabi, “Higit kang pinagpala ng Dios sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo! Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon. Nang marinig ko ang pagbati mo sa akin, gumalaw nang malakas sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:11

Dahil sa pananampalataya, nagkaanak si Abraham kahit na matanda na siya at baog ang asawa niyang si Sara, dahil naniwala si Abraham na tutuparin ng Dios ang pangako niya na magkakaanak si Sara.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:35

Muling nagbuntis si Lea at nanganak ng isa na namang lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, pupurihin ko ang Panginoon.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Juda. Mula noon, hindi na siya nagkaanak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:16

Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 35:17

Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:20

At dumating ang panahon na nagbuntis siya at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan niya itong Samuel, dahil sinabi niya, “Hiningi ko siya sa Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:36

Maging ang kamag-anak mong si Elizabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:28

Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:9

Pinaliligaya niya ang baog na babae sa tahanan nito, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:27-28

Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko. Kaya ngayon, ihahandog ko po siya sa Panginoon. Maglilingkod po ang batang ito sa Panginoon sa buong buhay niya.” Pagkatapos ay sumamba sila sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:3

Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:26

at walang babaeng makukunan at walang magiging baog sa inyong lupain, at pahahabain ko ang inyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:3

Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon, at punong-puno tayo ng kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 1:20-21

Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa angkan ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang pagbubuntis niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:1

Makinig kayo sa akin, kayong mga naninirahan sa malalayong lugar: Hindi pa man ako isinilang, tinawag na ako ng Panginoon para maglingkod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 4:19

Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Cristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 1:16

“Kung magpapaanak kayo ng mga babaeng Hebreo, patayin ninyo kung lalaki ang anak, pero kung babae, huwag nʼyo nang patayin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:16

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:7

Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:6

Mula nang akoʼy isilang, kasama na kita at akoʼy inyong iningatan. Pupurihin ko kayo magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:7

Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:6

Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:14

Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:11

Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang mga tupa. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:9

Panginoon, mabuti kayo sa lahat; nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 21:1-2

Ngayon, inalala ng Panginoon si Sara ayon sa kanyang ipinangako. Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.” Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ishmael. Pero sinabi ng Dios sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ishmael at kay Hagar. Sundin mo ang sinabi ni Sara, dahil kay Isaac magmumula ang mga lahi na aking ipinangako. At tungkol naman kay Ishmael, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.” Kinabukasan, maagang kumuha si Abraham ng pagkain at tubig na nakalagay sa sisidlang-balat, at inilagay niya ito sa balikat ni Hagar. Pagkatapos, umalis si Hagar kasama ang kanyang anak. Naglakbay sila sa ilang ng Beersheba na hindi alam kung saan sila pupunta. Nang naubos na ang kanilang tubig, iniwan niya ang anak niya sa ilalim ng isa sa mga mababang punongkahoy at lumakad siya na may layong mga 100 metro mula sa kanyang anak. Doon siya umupo at umiiyak na nagsabi sa kanyang sarili, “Hindi ko matitiis na pagmasdan ang kamatayan ng anak ko.” Ngayon, narinig ng Dios ang iyak ng bata. Kaya sinabi ng anghel ng Dios kay Hagar mula roon sa langit, “Ano ang gumugulo sa iyo Hagar? Huwag kang matakot; narinig ng Dios ang iyak ng anak mo. Tumayo ka at ibangon mo ang bata, dahil gagawin kong malaking bansa ang kanyang mga lahi.” Pagkatapos, may ipinakita ang Dios sa kanya na isang balon. Pumunta siya roon at nilagyan ng tubig ang sisidlan niya. Pagkatapos, pinainom niya ang kanyang anak. Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:15

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:4-5

Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama ay parang pana sa kamay ng sundalo. Mapalad ang taong may maraming anak, dahil may tutulong sa kanya kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17-18

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:9

Niloob kong silaʼy malapit nang maipanganak. At ngayong dumating na ang takda nilang kapanganakan, hindi ko pa ba pahihintulutang ipanganak sila? Siyempre pahihintulutan ko. At hindi pipigilin na silaʼy maipanganak na. Ako, na inyong Dios ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:73

Akoʼy nilikha at hinubog nʼyo; kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:57-58

Dumating na ang oras ng panganganak ni Elizabet, at nagsilang siya ng isang lalaki. Nabalitaan ng mga kapitbahay at mga kamag-anak niya kung paano siya pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 30:1-2

Si Raquel ay hindi pa rin nagbubuntis, kaya nainggit siya kay Lea. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng anak dahil kung hindi, mamamatay talaga ako!” Nabuntis si Zilpa at nanganak ng lalaki. Sinabi ni Lea, “Parang pinalad ako.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Gad. Muling nanganak si Zilpa ng lalaki na pangalawang anak nila ni Jacob. Sinabi ni Lea, “Lubha akong nasisiyahan! Ngayon tatawagin ako ng mga babae na masiyahin.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Asher. Anihan ng trigo noon, pumunta si Reuben sa bukid at may nakita siyang tanim na mandragora. Kumuha siya ng bunga nito at dinala sa ina niyang si Lea. Pagkakita noon ni Raquel ay sinabi niya kay Lea, “Bigyan mo rin ako ng mandragora na dinala ng anak mo.” Pero sumagot si Lea, “Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo ang asawa ko? Ngayon, kukunin mo pa ang mandragora ng anak ko?” Sinabi ni Raquel, “Kung bibigyan mo ako ng mandragora pasisipingin ko si Jacob sa iyo ngayong gabi.” Mag-aagaw dilim na nang dumating si Jacob mula sa bukid, sinalubong siya ni Lea at sinabi, “Kailangang sa akin ka sumiping ngayong gabi, dahil binayaran na kita kay Raquel ng mandragora na dala ng anak ko.” Kaya sumiping si Jacob kay Lea nang gabing iyon. Sinagot ng Dios ang panalangin ni Lea at siyaʼy nabuntis. Nanganak siya ng lalaki na ikalimang anak nila ni Jacob. Sinabi ni Lea, “Ginantimpalaan ako ng Dios dahil ibinigay ko ang alipin ko sa aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang kanyang anak na Isacar. Muling nabuntis si Lea at nanganak ng lalaki na ikaanim nilang anak ni Jacob. Nagalit si Jacob sa kanya at sinabi, “Bakit, Dios ba ako? Siya ang nagpasya na hindi ka magkaanak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26

Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:5

Akoʼy makasalanan at masama mula pa noong akoʼy isinilang, kahit noong ipinaglilihi pa lang ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:15-16

Dinala ng mga tao ang kanilang maliliit na anak kay Jesus upang patungan niya ng kamay at pagpalain. Nang makita iyon ng mga tagasunod ni Jesus, sinaway nila ang mga tao. Pero tinawag ni Jesus ang mga bata, at sinabihan niya ang mga tagasunod niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:5

Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel. Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Cristiano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Dios ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Dios ang mga panalangin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:31

Nakita ng Panginoon na hindi mahal ni Jacob si Lea, kaya niloob niyang magkaanak si Lea, pero si Raquel naman ay hindi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:8

Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin. Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan. Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:15

Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

“Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:11

Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:26

Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:1

Sinabi ng Panginoon, “Umawit ka Jerusalem, ikaw na parang babaeng baog. Umawit ka at sumigaw sa tuwa, ikaw na hindi nakaranas ng hirap sa panganganak. Sapagkat kahit na iniwan ka ng iyong asawa, mas marami ang iyong magiging anak kaysa sa babaeng kapiling ang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:41

Ngunit tinulungan niya ang mga dukha sa kanilang kahirapan, at pinarami ang kanilang sambahayan na parang kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:30-31

Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Dios. Magbubuntis ka at manganganak ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Panginoon kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:17

Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan at kaligayahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:10

Nalulugod ako sa Panginoon kong Dios, dahil para niya akong binihisan ng kaligtasan at tagumpay. Para akong lalaking ikakasal na may suot na katulad ng magandang damit ng pari, o babae sa kasal na may mga alahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 29:11

Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:24

Ang taong marunong ay daan patungo sa buhay ang sinusundan at iniiwasan niya ang daan patungo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:31

Balang araw, silang hindi pa ipinapanganak ay malalaman ang mga ginawa nʼyo, at maging ang pagliligtas nʼyo sa inyong mga mamamayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:10

“Tiyakin ninyo na hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 21:6-7

Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Dios, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin. Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Pero nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:13

Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa. Para mamuhay akong kasama kayo, O Dios, sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:13

Aaliwin ko kayo katulad ng isang ina na umaaliw sa kanyang anak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:5

Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:18

Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:30

Kung dinadamitan ng Dios nang ganito ang mga damo sa parang, na buhay ngayon pero kinabukasan ay malalanta at susunugin, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:16

Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:92

Kung ang inyong kautusan ay hindi nagbibigay sa akin ng kaaliwan, namatay na sana ako dahil sa pagdadalamhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:3

Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:19

Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:4

Ibibigay ko ang ibang mga tao bilang kapalit mo, dahil ikaw ay marangal at mahalaga sa aking paningin, at dahil mahal kita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 18:10

Ang isa sa mga panauhin ay nagsabi, “Tiyak na babalik ako rito sa ganito ring panahon sa susunod na taon at magkakaroon ng anak na lalaki ang asawa mong si Sara.” Nakikinig pala si Sara sa pintuan ng tolda na nasa likod lamang ni Abraham.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:15

Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:4

Purihin ninyo siya dahil pinili niya ang mga mamamayan ng Israel na mga lahi ni Jacob, na maging espesyal niyang mamamayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:26

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:7

Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:5

Kayo ang aking pag-asa, O Panginoong Dios. Mula noong akoʼy bata pa, nagtiwala na ako sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:1

Pag-isipan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay nga na tayoʼy mga anak niya! Kaya hindi tayo nakikilala ng mga tao sa mundo dahil hindi nila kilala ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:21

Kinahabagan ng Panginoon si Hanna. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si Samuel ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:114

Kayo ang aking kanlungan at pananggalang; akoʼy umaasa sa inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:32

Nagbuntis si Lea at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Reuben, dahil sinabi niya, “Nakita ng Panginoon ang paghihirap ko, at ngayoʼy tiyak na mamahalin na ako ng aking asawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:17

Hindi ako mamamatay, sa halip ay mabubuhay, at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:19

Ibinibigay nʼyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan nʼyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:9

Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:28

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at ang huli, ang simula at ang wakas. Ama, sa sandaling ito lumalapit ako sa iyo sa ngalan ni Hesus upang magpasalamat nang buong puso para sa aking pagbubuntis, dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng ganitong napakaganda at walang kapantay na biyaya na isa ring malaking responsibilidad. Salamat po dahil nakasumpong ako ng biyaya sa iyo at pinili mo ako bilang instrumento upang ihatid sa mundo ang kahanga-hangang sanggol na ito na nabubuo sa aking sinapupunan. Mahal na Diyos, iunat mo ang iyong kamay sa akin upang makaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan sa yugtong ito. Ang iyong salita ay nagsasabi: "Walang babaeng maglalaglag, o baog man sa iyong lupain; at aking kukumpletuhin ang bilang ng iyong mga araw." Kaya naniniwala ako na inaalagaan mo ang aming buhay at binabantayan ang kalusugan ng aking anak. Ama, iniaalay ko sa iyong mga kamay ang pag-unlad, paglaki, at kapakanan ng aking sanggol. Hinihiling ko na gawin mo siyang mabuting tao, masipag, matapang, may birtud, at puno ng iyong pabor at biyaya. Bigyan ako ng karunungan upang maturuan siya sa iyong daan at lumaki sa takot sa iyong pangalan. Diyos, tulungan mo akong maging tinig ng kapanatagan at payo para sa kanya. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas