Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


109 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Katapatan

109 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Katapatan

Alam mo, sabi nga sa Kawikaan 12:22, ang mga labi na sinungaling ay kasuklam-suklam sa Panginoon, pero ang mga gumagawa ng katotohanan ang kinalulugdan Niya. Isipin mo, ang pagiging tapat pala natin ay isang paraan para mapalugdan natin ang Diyos.

Hindi lang naman sa pagsasabi ng totoo ang pagiging tapat. Kasama rin dito ang pagiging makatarungan at tama sa lahat ng ating ginagawa. Katulad ng sinasabi sa Efeso 4:25, dapat nating iwasan ang pagsisinungaling at lagi tayong magsalita ng totoo sa ating kapwa. Tandaan natin, iisang katawan tayo, kaya ang pagiging tapat natin ay nakakaapekto hindi lang sa relasyon natin sa Diyos, kundi pati na rin sa relasyon natin sa ibang tao.

May magandang paalala rin sa atin ang Mga Awit. Sa Awit 15:2, tinatanong tayo, "Sino ang maaring makatahan sa banal na bundok ng Panginoon?" Ang sagot: "Ang lumalakad nang matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso." Nakaka-inspire, 'di ba? Dapat pala, nasa puso natin ang pagiging tapat, hindi lang sa salita kundi pati na rin sa ating mga iniisip at ginagawa.

Sabi naman sa Roma 12:17, huwag nating gantihan ng masama ang masama. Sa halip, sikapin nating gumawa ng mabuti sa lahat ng tao. Kahit pa nga minsan, hindi tayo tinatrato nang maayos ng iba, dapat pa rin tayong maging makatarungan at tapat.

Sa totoo lang, napakahalaga ng katapatan sa buhay ng bawat Kristiyano. Sa pagiging tapat natin, ipinapakita natin ang ating pagsunod sa Diyos at pinapatibay pa natin ang ating relasyon sa ibang tao. Parang masarap sa pakiramdam 'yun, 'di ba?


Filipos 4:8

Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:15

Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tama ang paggamit sa salita ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:25

Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:10

Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:9

Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:3

Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:6

Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10

Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:16

“Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:7

Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:8

“Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:17

Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:27

Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:21

Ang layunin namin ay gawin kung ano ang marangal, hindi lamang sa paningin ng Panginoon kundi maging sa paningin ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:2

Ang yamang buhat sa masama ay di papakinabangan, ngunit ang katuwiran ay maglalayo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:37

Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:22

Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:9

Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:5

Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 19:7

Igalang at sundin ninyo si Yahweh. Mag-ingat kayo sa paghatol sapagkat hindi pinahihintulutan ng Diyos nating si Yahweh ang pandaraya, ang pagkiling sa sinuman at ang pagtanggap ng suhol.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:11

Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan, at sa negosyo ay katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:12

Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:9

Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:1

Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:11

“Huwag kayong magnanakaw, mandaraya, o magsisinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:19

Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 24:16

Kaya't pinagsisikapan kong laging maging malinis ang aking budhi sa harap ng Diyos at ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

“Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:21

Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan, sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:1-2

O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado? Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:5

Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:6

Nais mo sa aki'y isang pusong tapat; puspusin mo ako ng dunong mong wagas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:15

Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:7

Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:1-4

“Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’ “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.” “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.” “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” “Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang ilaw mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman.” “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan. “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:6

Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:29

Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:13

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:12

Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:35-36

“Huwag kayong mandaraya sa pagsukat, pagtitimbang o pagbilang ng anuman. Ang inyong timbangan, kiluhan, sukatan ng harina, at sukatan ng langis ay kailangang walang daya. Ako ang nag-alis sa inyo sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:6

Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:26

Ang tapat na kasagutan ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:13

Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan, at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:16-17

Ganito ang dapat ninyong gawin: Katotohanan lamang ang sasabihin ninyo sa isa't isa, paiiralin ninyo ang katarungan at pananatilihin ang kapayapaan. Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa at huwag magsisinungaling, sapagkat nasusuklam ako sa mga ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:1

Ipahayag mo ako, Yahweh, na walang sala, pagkat ako'y matuwid at sa iyo'y lubos na umaasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15

Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 12:24

Subalit matakot kayo kay Yahweh. Manatili kayong tapat sa kanya, paglingkuran ninyo siya nang buong puso at lagi ninyong alalahanin ang mga kabutihang ginawa niya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:47

Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Jesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita. Wala siyang anumang pagkukunwari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:7

Pawang katotohanan itong aking bibigkasin, at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:32

Ang salita ng matuwid ay palaging angkop, ngunit ang salita ng masama ay puro paninira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:3-4

Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang layunin, o sa hangad na manlinlang. Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na sumisiyasat ng ating puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:7

Sa aking palasyo yaong sinungaling di ko papayagan, sa aking presensya ang mapagkunwari'y di ko tutulutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:7

Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:17

Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 18:21

Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Gawin mo silang tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:15

Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila'y namumunga dahil sa pagtitiyaga.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:5

Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:32

Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:16

sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:4

Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:10

Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi, di ko inilihim, hindi ko sinarili; pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat, sa mga lingkod mo'y isinisiwalat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 12:15

Hindi na nila hinihingan ng ulat ang mga namamahala sa mga gawain sapagkat matatapat ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:22

Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:6

Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:3-4

Iniwasan naming makagawa ng anumang makakahadlang kaninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod. Sa halip, sa lahat ng paraan sinisikap naming ipakita ang aming katapatan bilang mga lingkod ng Diyos. Kami'y matiyagang nagtiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:16

Pag-ingatan mong ang inaakala mong mabuti ay huwag masamain ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:8

Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:5

Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pinautang, di nasusuhulan para ipahamak ang walang kasalanan. Ang ganitong tao'y di matitinag kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:18

Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:25

Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit ang salita ng sinungaling ay pawang kataksilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:16

Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:33

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:163

Sa anumang di totoo muhi ako't nasusuklam, ang tunay kong iniibig ay ang iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:28

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:23

Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang may daya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:7

Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:6

Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:18

Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:8-9

Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:20

Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, at minamabuti naman iyong masama, ang kaliwanaga'y ginagawang kadiliman at ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan. Sa lasang mapait ang sabi'y matamis, sa lasang matamis ang sabi'y mapait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:16

Kaya pinapunta nila kay Jesus ang ilan sa kanilang mga alagad kasama ng ilang tagasunod ni Herodes. Sinabi ng mga sugo, “Guro, nalalaman naming kayo'y tapat at itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Wala kayong itinatangi sapagkat patas ang pagtingin ninyo sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:20

Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga, ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kagaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:6

Pinupuksa mo, Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:5

Ang taong matuwid ay mabuting makiharap, ngunit ang masama ay bihira lang magtapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:5

Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:18-19

Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin. Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:24

Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay, ilayo ang mga labi sa kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:5

Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:24

Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:23

“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:27

Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:14

Ang taong puro pangako lamang ay parang ulap at hanging walang dalang ulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Karapat-dapat sa papuri at karangalan, aking mahal na Tagapagligtas, magpakailanman ay tanggapin mo ang lahat ng pagdakila. Ikaw ang aking bahagi, ang aking awit, at ang aking kagalakan. Ikaw ang aking kapayapaan, ang aking katiwasayan, at ang aking kabuhayan. Wala akong magagawa kung wala ka. Dahil sa’yo ako’y nabubuhay at humihinga. Nagpapasalamat ako sa lahat ng iyong ginawa para sa akin. Salamat sa iyong pagpapatawad at sa iyong pagyakap sa akin sa iyong awa. Salamat sa iyong pagpapakita ng iyong katapatan at pagbigkas sa aking pangalan tuwing umaga. Salamat sa iyong pagsama at hindi pagbitaw sa akin. Kinikilala ko na ang lahat ng ako ay dahil sa’yo. Panginoon, tulungan mo akong mamuhay sa kabanalan. Nawa’y maging tapat ang mga layunin ng aking puso at magkaroon ako ng pusong katulad ng sa’yo. Nawa’y mahayag sa akin ang bunga ng iyong Banal na Espiritu sa lahat ng pagkakataon, nang sa gayon ay mapasailalim ako sa iyong kapangyarihan at manatili sa iyong katotohanan. Tulungan mo akong isabuhay ang katapatan. Nawa’y ang mga salitang lumalabas sa aking bibig ay maging matapat at kalugud-lugod sa iyong harapan. Ayaw kong mabuhay sa kasamaan at kasalanan. Nais kong gawin ang lahat ng iyong kalooban para sa akin. Iniaalay ko ang aking sarili sa iyong paanan upang patuloy mo akong hubugin ayon sa iyong wangis. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas