Sa buhay mo, darating at darating ang mga pagsubok na talagang mahirap. Parang gusto mo na lang tumakas, sumuko, at maghanap ng mas madaling daan. Mahirap ang magpatuloy lalo na kung nakaranas ka ng kawalan ng hustisya, pagtataksil, sakit, pag-iisa, o iba pang paghihirap. Laging iaalok sa'yo ng kaaway ang mga pinakamasamang solusyon, yung taliwas sa plano ng Diyos para sa'yo.
Maaaring sa tingin mo'y iyon ang pinakamabuti sa mga oras na iyon, pero mas makabubuti pa rin ang sumunod sa kalooban ng Diyos. Sa piling Niya, doon ka makakahanap ng kapayapaan at ginhawa para sa puso't kaluluwa mo. Si Hesus ang kanlungan nating lahat. Hindi ang bisyo, droga, o anumang tukso ng diyablo para magkaroon ng panandaliang ligaya. Sa presensya ng Espiritu Santo, doon mo matatagpuan ang tunay na seguridad. Maniwala ka, doon ka maliligtas sa anumang paghihirap.
Kahit gaano kalakas ang bagyo sa paligid mo, kahit may magsalita ng masama o sumumpa sa'yo, ang presensya ng Diyos ang magbibigay ng kapayapaang kailangan mo. Magtiwala ka sa Ama na nagmamahal sa'yo at maniwala ka sa Kanyang salita. Tulad ni David, lakasan mo rin ang loob mo na sabihin, "Ngunit aawit ako ng iyong kapangyarihan; sa umaga ay pupurihin ko ang iyong pag-ibig; sapagkat ikaw ang aking tanggulan, aking kanlungan sa panahon ng kabagabagan." (Awit 59:16).
Sa oras ng pagsubok, magnilay-nilay sa banal na kasulatan. Doon mo makikita ang kasagutan sa lahat ng iyong pinagdaraanan. Malalaman mo ang kalooban ni Hesus para sa'yo at makakapamuhay ka nang payapa. Huwag mong kalimutan na ang Diyos ang iyong tagapagligtas. Siya ang mag-iingat sa'yo mula sa panganib at hindi ka Niya hahayaang mapahiya kung mananatili ka sa lilim ng Kanyang walang hanggang pagmamahal.
Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya. walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan. Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.” Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”
Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.
Nasa Dios ang aking kaligtasan at karangalan. Siya ang matibay kong batong kanlungan. Siya ang nag-iingat sa akin. Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.
Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod, at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.
Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.
Sinabi ko, “O Panginoon, kayo po ang kalakasan at tagapagkalinga ko sa panahon ng pagdadalamhati. Lalapit po sa inyo ang mga bansa mula sa buong mundo at sasabihin nila, ‘Walang kwenta ang mga dios-diosan ng aming mga ninuno. Wala silang nagawa na anumang kabutihan.
Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
Ikaw ang takbuhan ng mga dukha at ng mga nangangailangan sa panahon ng kahirapan. Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo at tag-init. Sapagkat ang paglusob ng mga malulupit na taoʼy parang bagyo na humahampas sa pader,
Nasa Dios ang aking kaligtasan at karangalan. Siya ang matibay kong batong kanlungan. Siya ang nag-iingat sa akin.
Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo.
O Dios, maawa kayo sa akin, dahil sa inyo ako nanganganlong. Katulad ng sisiw na sumisilong sa ilalim ng pakpak ng inahing manok, sisilong ako sa inyo hanggang sa wala ng kapahamakan.
Ang Dios ay nasa mga muog ng Jerusalem, at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.
Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.
O Dios, kayo ang aking kalakasan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo, dahil kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal.
O kay dakila ng inyong kabutihan; sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan. Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan. Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan. Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga. At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba.
dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.
Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan.
Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan kaya ligtas ako sa kapahamakan.
Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Ang katulad nilaʼy ilog na dumadaloy sa disyerto, at lilim ng malaking bato sa mainit at tuyong lupain.
Ang pagsunod ng matuwid sa pamamaraan ng Panginoon ay mag-iingat sa kanya, ngunit ang mga suwail dito ay mapapahamak.
Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan. Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo. Tinutulungan sila ng Panginoon at inililigtas sa mga taong masama, dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.
Kayo ang aking maging batong kanlungan na lagi kong malalapitan. Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.
Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan. Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.
At ang dalawang bagay na ito – ang pangako niya at panunumpa – ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Dios. Kaya tayong mga nagpakalinga sa kanya ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin. Ang pag-asang ito ay matibay tulad ng angkla, at ito ay nagbibigay kapanatagan sa buhay natin, dahil umaabot ito sa Pinakabanal na Lugar,
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal. Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
Panginoon, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway, dahil sa inyo ako humihingi ng kalinga.
Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.
Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”
Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba. At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar. Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana. Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin, at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako. Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan, kaya hindi ako natitisod. Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila. Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak, at hindi na makabangon sa aking paanan. Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan, ang buhay koʼy inyong iniingatan. Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway. Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.
Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
Ang walang hanggang Dios ang inyong kanlungan; palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan, at iuutos niya sa inyo ang pagpapabagsak sa kanila.
Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo. O Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin. Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko. Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan, dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama. Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway, dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan ng kasinungalingan, at nais nilang akoʼy saktan. Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon, habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo. Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon! Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin, sila ang nabubuwal at natatalo! Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Dios.
Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.
Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin. Mga mamamayan ng Israel, kayo ang aking mga saksi. Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, para makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at para maunawaan ninyo na ako lamang ang Dios. Walang ibang Dios na nauna sa akin, at wala ring Dios na susunod pa sa akin. Ako lang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas. Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Dios na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Dios. Mula pa noon ako na ang Dios. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.” Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki. Ako ang Panginoon, ang inyong Banal na Dios, ang lumikha sa Israel, ang inyong Hari. Ako ang Panginoon na gumawa ng daan sa gitna ng dagat. Tinipon ko ang mga karwahe, mga kabayo, at mga sundalo ng Egipto, at winasak sa gitna ng dagat at hindi na sila nakabangon pa. Para silang ilaw na namatay. Pero huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan, dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto. Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.
Ngunit kayo, Panginoon, huwag nʼyo akong lalayuan. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan.
Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.
Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
Mapanganib kung tayo ay matatakutin. Ngunit kung magtitiwala tayo sa Panginoon ay ligtas tayo.
Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa. Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!” Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!” Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak.
Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya. Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin. Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.
Sino sa inyo ang may takot sa Panginoon at sumusunod sa mga itinuturo ng kanyang lingkod? Kinakailangang magtiwala siya sa Panginoon niyang Dios kahit sa daang madilim at walang liwanag.
Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. O Dios, kayo ang aking kalakasan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo, dahil kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal.
Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan. Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.
Iligtas nʼyo ako, Panginoon! At ingatan ang aking buhay! Nanganganlong ako sa inyo; huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.
Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot. Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?
Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.
Sa Dios ko lang matatamo ang kapahingahan dahil binibigyan niya ako ng pag-asa. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan kaya ligtas ako sa kapahamakan.
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.
Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.
Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”
Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas, at umaaliw sa akin sa kahirapang aking dinaranas.
Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.
Siya ang aking Dios na mapagmahal at matibay na kanlungan. Siya ang kumakanlong sa akin kaya sa kanya ako humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.
Ngunit ang taong nakikinig sa akin ay mabubuhay ng matiwasay, ligtas siya sa panganib at walang katatakutan.”
Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa tao. Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa mga pinuno.
Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko.
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”
Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan.
Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon. Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan, kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.”
Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha, ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.
“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo.
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.
Walang anumang takot sa pag-ibig. Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, itoʼy dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig.
Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.
O Dios, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway. At sa mga kumakalaban sa akin, ako ay inyong ingatan.
at parang kubol na magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.
Sinabi pa ng Panginoong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, “Magbalik-loob kayo sa akin at pumanatag, dahil ililigtas ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa akin, dahil palalakasin ko kayo. Pero tumanggi kayo
Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin.
Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan.
Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan.
O Panginoon, dahil napakarami ng aking mga kaaway, gabayan nʼyo ako tungo sa inyong matuwid na daan. Gawin nʼyong madali para sa akin ang pagsunod ko sa inyong kagustuhan.
Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.
Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon na kanyang Dios,
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”
Ingatan nʼyo ang buhay ko dahil akoʼy tapat sa inyo. Kayo ang aking Dios, iligtas nʼyo ang inyong lingkod na nagtitiwala sa inyo.
Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!
At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.
Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.
Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.
Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.
Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon. Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin. Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,
Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.
Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.
Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.