Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


110 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pasensya

110 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pasensya

Kaibigan, ang pagtitiis ay bunga ng Espiritu Santo at isa sa pinakamahalagang katangian na maaari nating taglayin. Kung matiisin tayo, makakayanan natin ang mga pagsubok nang may lakas ng loob at hindi puro reklamo.

Ang nagtitiis sa Panginoon ay hindi malulugi, hindi mapapahiya, at kalugod-lugod sa Kanya habang naghihintay tayo sa Kanya. Bago tayo magtiwala sa sarili nating karunungan, mas mabuti pang maghintay tayo sa patnubay ng Diyos, na siyang gagabay sa atin sa tamang landas at magdadala sa atin sa mga lugar na magpapala sa ating kaluluwa.

Huwag kang mainggit sa mga masasama kahit mukhang masagana sila, dahil nabubuhay sila nang walang kapayapaan at katiwasayan. Magtiwala ka na ang iyong mga pangarap ay matutupad sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Hesus, at sa gayon, mabubuhay ka nang payapa.

Ang pagtitiis ay pamumuhay nang may katahimikan, nagtitiwala sa Diyos sa halip na matakot sa bukas. Kung sa tingin mo ay mainipin ka at gusto mong kontrolin ang lahat, maglaan ka ng oras para magmuni-muni. Nakaka-stress 'yan at minsan, delikado pa.

Kung nahihirapan kang maging matiisin, hilingin mo sa Espiritu Santo na punuin ang iyong puso ng pagtitiis, at ang pag-ibig Niya ay sasaiyo, papawiin ang iyong mga takot, pag-aalinlangan, at kawalan ng pag-asa. Doon mo masisimulang magtiwala sa Diyos at sa kapangyarihan ng Kanyang biyaya.

Huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa takdang panahon ay aanihin natin kung hindi tayo mawawalan ng pag-asa. (Galacia 6:9)




Lucas 21:19

At kung magpapakatatag kayo, magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:7

Pumanatag ka sa piling ng Panginoon, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:29

Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2

Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:25

Pero kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:32

Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:20

Pero kung parusahan kayo dahil sa ginagawa ninyong masama, wala ring kabuluhan kahit tiisin ninyo ito. Ngunit kung pinaparusahan kayo kahit mabuti ang ginagawa ninyo, at tinitiis ninyo ito, kalulugdan kayo ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:15

Ang mapagpasensya at ang mahinahon magsalita ay makapanghihikayat ng mga pinuno at kahit na ng may matitigas na puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:7

Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang magsasaka: matiyaga niyang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos niyang magtanim, matiyaga rin siyang naghihintay sa susunod na ulan at anihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:8

Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:5

Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1

Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:10

Darating ang matinding kahirapan sa buong mundo na susubok sa mga tao. Ngunit dahil sinunod ninyo ang utos ko na magtiis, ililigtas ko kayo sa panahong iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:9

Ang masama ay ipagtatabuyan, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay mananatili sa lupaing ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:166

Panginoon umaasa ako na akoʼy inyong ililigtas, at sinusunod ko ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:2

Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:1-2

Bilang isang bilanggo dahil sa paglilingkod sa Panginoon, hinihiling kong mamuhay kayo nang karapat-dapat bilang mga tinawag ng Dios. At siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay.) Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal, at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo. Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Dios, at ganap na lalago sa espiritwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Cristo. At kapag naabot na natin ito, hindi na tayo tulad ng mga bata na pabago-bago ng isip at nadadala ng ibaʼt ibang aral ng mga taong nanlilinlang, na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian. Sa halip, mananatili tayo sa katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay maging katulad tayo ni Cristo na siyang ulo ng iglesya. At sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan, na walang iba kundi ang mga mananampalataya, ay pinag-uugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin nang may pag-ibig, ang buong katawan ay lalago at lalakas. Sa pangalan ng Panginoon, iginigiit kong huwag na kayong mamuhay gaya ng mga taong hindi nakakakilala sa Dios. Walang kabuluhan ang iniisip nila, dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espiritwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Dios dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso. Nawalan na sila ng kahihiyan, kaya nawili sila sa kahalayan at laging sabik na sabik gumawa ng karumihan. Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:26-27

Nagmamakaawang lumuhod ang aliping iyon sa hari, ‘Bigyan nʼyo pa po ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari, kaya pinatawad na lang siya sa kanyang utang at pinauwi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:34

Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya at patitirahin sa lupain ng Israel, at makikita mong itataboy niya ang mga taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:12

Kaya kayong mga pinabanal ng Dios na sumusunod sa kanyang mga utos at patuloy na sumasampalataya kay Jesus, kinakailangang maging matiisin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya. Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin. Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:1-2

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay. Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob. Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas. Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay. Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng sekswal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espiritwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan. At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya. Ang paglapit nʼyo sa Dios ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila –  ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin. Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:7-8

Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang magsasaka: matiyaga niyang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos niyang magtanim, matiyaga rin siyang naghihintay sa susunod na ulan at anihan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:8

Mas mabuti ang pagtatapos kaysa sa pagsisimula. Ang pagiging matiisin ay mas mabuti kaysa sa pagiging mapagmataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:18

Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4

Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:12

Huwag kayong maging tamad, sa halip, tularan nʼyo ang mga tao na tumatanggap ng mga ipinangako ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya nila at pagtitiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:36

Kailangan ninyong magtiis para masunod nʼyo ang kalooban ng Dios, at matanggap nʼyo ang ipinangako niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:20

Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:11-12

Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan. At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makabahagi sa mamanahin ng mga pinabanal niya, ang manang nasa kinaroroonan ng kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:14

Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:13

Ngunit ang mananatiling tapat hanggang sa wakas ay maliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:11

Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:24

Ang lingkod ng Dios ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat, marunong magturo at mapagtimpi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:5

Ang Panginoon nating Dios ay mabuti, matuwid at mahabagin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:11

Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-4

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:15

Ngunit kayo, Panginoon, ay Dios na nagmamalasakit at mahabagin. Wagas ang pag-ibig nʼyo, at hindi madaling magalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:13-14

Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon, habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo. Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:19

Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:12-13

Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo. Kapag sinusubok ang inyong pananampalataya, huwag ninyong isipin kung ano na ang mangyayari sa inyo. Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Cristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:1

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:20

Mas mabuti pa ang kahihinatnan ng mangmang kaysa sa taong pabigla-biglang magsalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:14

Nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:8

Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:5

Sa Dios ko lang matatamo ang kapahingahan dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:7

Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, papuri mula sa Dios, at buhay na walang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:3

Nang tumawag ako sa inyo sinagot nʼyo ako. Pinalakas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-2

Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa. Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!” Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!” Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:18

Pero naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:14

Magalak ka kung mabuti ang kalagayan mo. Pero kung naghihirap ka, isipin mong ang Dios ang gumawa sa dalawang bagay na ito. Para hindi natin malaman kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:15

At pagkatapos ng matiyagang paghihintay, natanggap ni Abraham ang mga ipinangako sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:12

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:16

Ang hangal ay madaling magalit kapag iniinsulto, ngunit ang taong may karunungan ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:26

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:7

Mabuti noon ang mga ginagawa ninyo. Sino ang pumigil sa inyo sa pagsunod sa katotohanan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:74

Matutuwa ang mga may takot sa inyo kapag akoʼy kanilang nakita, dahil akoʼy nagtitiwala sa inyong salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:5

Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1

Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina sa pananampalataya. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:10

O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:10

Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:9

At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayoʼy aking sasagutin. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:14

Pero kung usigin kayo dahil sa kabutihang ginagawa nʼyo, mapalad kayo. Huwag kayong matakot o mag-alala sa ano mang gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:7

matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:22

Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:11

Hindi baʼt itinuturing nating mapalad ang mga taong nagtitiis? Alam nʼyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at alam naman ninyo kung paano siya tinulungan ng Panginoon sa bandang huli. Sadyang mabuti at maawain ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:28-30

Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon, at silaʼy iniligtas niya mula sa kapahamakan. Pinatigil niya ang malakas na hangin at kumalma ang dagat. Dahil tinipon niya kayo mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga. At nang kumalma ang dagat, silaʼy nagalak, at pinatnubayan sila ng Dios hanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:1-2

Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin. Mga mamamayan ng Israel, kayo ang aking mga saksi. Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, para makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at para maunawaan ninyo na ako lamang ang Dios. Walang ibang Dios na nauna sa akin, at wala ring Dios na susunod pa sa akin. Ako lang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas. Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Dios na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Dios. Mula pa noon ako na ang Dios. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.” Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki. Ako ang Panginoon, ang inyong Banal na Dios, ang lumikha sa Israel, ang inyong Hari. Ako ang Panginoon na gumawa ng daan sa gitna ng dagat. Tinipon ko ang mga karwahe, mga kabayo, at mga sundalo ng Egipto, at winasak sa gitna ng dagat at hindi na sila nakabangon pa. Para silang ilaw na namatay. Pero huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan, dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto. Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:17-18

Noong una, alipin kayo ng kasalanan. Pero salamat sa Dios dahil ngayon, buong puso ninyong sinusunod ang mga aral na itinuro sa inyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at ngayoʼy mga alipin na kayo ng katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:15

Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:5

Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:8

Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:2

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:1-2

Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan. Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin. Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap. Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan, at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga. Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit. Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas. Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad. At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig. Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan. Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon. Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin. Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:1

Pag-isipan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay nga na tayoʼy mga anak niya! Kaya hindi tayo nakikilala ng mga tao sa mundo dahil hindi nila kilala ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:14

Dahil hindi nʼyo itatakwil, Panginoon, ang mamamayang pag-aari ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:6

Kung naghihirap man kami, itoʼy para mapalakas ang inyong loob, at para kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Dios ang aming loob, itoʼy para mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:73

Akoʼy nilikha at hinubog nʼyo; kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 49:18

Pagkatapos, sinabi ni Jacob, “O Panginoon, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:5

Magtiwala kayo sa Panginoon at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagpatibay sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:11-12

Nais naming patuloy na maging masigasig ang bawat isa sa inyo sa pag-asa nʼyo sa Dios hanggang sa wakas, para makamtan ninyo ang inaasahan ninyo. Huwag kayong maging tamad, sa halip, tularan nʼyo ang mga tao na tumatanggap ng mga ipinangako ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya nila at pagtitiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:15

Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:22

Huwag kang maghiganti. Magtiwala ka sa Panginoon, at tutulungan ka niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:6

Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:23

Pero kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:25-26

Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:2-4

Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios. Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo. Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo. Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Dios pero hindi naman niya tinutupad ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong tumitingin sa salamin na pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at agad kinakalimutan ang ayos niya. Ngunit ang taong nagsasaliksik at tumutupad sa Kautusang ganap na nagpapalaya, at hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad, ay ang taong pagpapalain ng Dios sa mga ginagawa niya. Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili. Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nʼyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:9

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathala naming mabuti at walang hanggan, Kataas-taasang Panginoon! Pinupuri ka namin dahil Ikaw ay Makatarungan, Banal, at Karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Lumalapit po ako sa iyong trono ng biyaya, sa ngalan ni Hesus, upang humingi ng iyong paglingap at patnubayan ng iyong Espiritu ang bawat salitang nais ipahayag ng aking puso. Ikaw ang Diyos na nakakaalam ng lahat, nakikita mo ang lahat ng bagay, nakikita at di nakikita, kaya't hinihiling ko po ang iyong kapatawaran sa aking mga pagkukulang, lalo na sa mga pagkakataong nasaktan ako dahil sa aking kawalan ng pasensya. Linisin mo po ako at patnubayan sa daan ng katuwiran, panibaguhin Mo ang Iyong Espiritu sa akin, Panginoon, dahil nais kong maging kalugud-lugod sa Iyo maging sa aking mga gawa. Sabi nga po sa iyong salita: “Mga kapatid ko, ituring ninyong lubos na kagalakan kapag kayo’y nahaharap sa iba’t ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis. At hayaan ninyong malubos ang pagtitiis, upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang.” Bigyan mo po ako ng sapat na pasensya upang mapagtiisan ang mahahabang paghihintay, upang makibagay sa mga di-inaasahang pangyayari, upang matiis ang mga bagay na nakakairita sa akin. Punuin mo ako ng lakas at ng pasensyang kailangan upang mahalin at igalang ang mga taong walang pakialam o pabigla-bigla sa kanilang mga salita at gawa. Tulungan mo ako, Espiritu Santo, na harapin ang mga pagsubok at panatilihin ang aking pananampalataya sa Iyo. Ngayon po ay tinatalikuran ko ang kasalanan, ang lahat ng karumihan, at ang kawalan ng pasensya. Ingatan Mo po ang aking mga tainga sa mga tsismis, ingatan Mo ang aking dila sa mga paninirang-puri, at nawa’y maging kalugud-lugod sa Iyo ang mga salita ng aking bibig at ang aking buhay ay maging katulad ng mabangong samyo sa Iyong harapan. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas