Dahil sa pagkalinga ng Diyos, narito ka pa, naligtas sa lahat ng kapahamakan at nailayo sa plano ng kaaway. Mula pa lang sa iyong pagkabuo, binabantayan ka Niya at inaalagaan sa bawat yugto ng iyong paglaki, patunay na ikaw ay mahalaga Niyang nilikha. Punuhin mo ang iyong araw ng pasasalamat, lagi mong alalahanin ang Kanyang kabutihan sa buhay mo.
Magpakalakas ka sa Panginoon, pagnilayan mo ang Kanyang salita at magtiwala ka sa Kanyang wagas na pag-ibig, at doon mo matatagpuan ang tunay na kalayaan at kapayapaan. Sa gitna ng mga pagsubok, isipin mong kasama mo ang Banal na Espiritu, na siyang iyong kanlungan. Kahit ano pa man ang pagdaanan mo, magtiwala ka sa pagkalinga ng Diyos na Makapangyarihan, alam mong nasa piling ka ng Diyos ng iyong kaligtasan.
Hanapin mo ang kagalakan at kapayapaan sa Kanyang piling. Kapag natanto mo ang kapangyarihan ng Diyos, makakaranas ka ng ganap na kalayaan at makakatagpo ka ng kapayapaang makasamba nang malaya. Sa pagkakilala mo sa Diyos, makakasiguro kang inaalagaan Niya ang iyong kaluluwa at binibigyan ka ng kapahingahang kailangan mo.
Kung wala ang tulong ng Panginoon sa pagtayo ng bahay, walang kabuluhan ang pagtatayo nito. Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan, walang kabuluhan ang pagbabantay dito.
Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya. walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan. Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.” Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”
Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.
Kayong mga mamamayan ng Dios ay titira sa mapayapang tahanan at ligtas sa kapahamakan. At wala nang gagambala sa inyo.
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.
Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.
Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.
Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.
Ang dugong ipinahid ninyo sa hamba ng pintuan ninyo ang magiging tanda na nakatira kayo roon. Kapag nakita ko ang dugo, lalampasan ko ang bahay ninyo, at walang salot na sasapit sa inyo kapag pinarusahan ko ang Egipto.
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.”
Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.
Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”
Walang anumang sandatang ginawa na magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.
Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”
Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan, ang buhay koʼy inyong iniingatan. Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway. Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Aalagaan ko kayo hanggang sa tumanda at pumuti ang inyong buhok. Nilikha ko kayo kaya kayoʼy aalagaan ko. Tutulungan ko kayo at ililigtas.
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.
Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot, o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw.
Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.
Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.
Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.
Alalahanin mo palagi na kasama mo ako at iingatan kita kahit saan ka pumunta. Pababalikin kita sa lupaing ito at hindi kita pababayaan hanggang sa matupad ko ang aking ipinangako sa iyo.”
Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen!
Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.
Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo.
Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.
Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.
“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.
Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili magpakailanman. Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem, ang Panginoon ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan magpakailanman.
Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.
Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin.
Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.
Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.
At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.
Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.
Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Malayo ang Panginoon sa masasama, ngunit malapit siya sa mga matuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.
Totoong nagplano kayo ng masama sa akin, pero plinano na ng Dios na magdulot iyon ng kabutihan na siyang nagligtas ng marami sa inyo sa taggutom.
Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.
Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.
Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay magdudulot ng mahabang buhay, kasapatan, at kaligtasan sa kapahamakan.
Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.
Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.
Hindi baʼt napakamura ng halaga ng dalawang maya? Pero wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ayon sa kagustuhan ng inyong Ama. si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeus, si Tadeus, Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.”
Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!
Sa halip na kahihiyan, dodoble ang matatanggap ninyong pagpapala sa inyong lupain at talagang masisiyahan kayo sa matatanggap ninyo. Magiging maligaya kayo magpakailanman.
Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios.
Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan.
Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Ang katulad nilaʼy ilog na dumadaloy sa disyerto, at lilim ng malaking bato sa mainit at tuyong lupain.
Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan.
Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal. Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
Akoʼy nilikha at hinubog nʼyo; kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.
Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako.
Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.
“Siya ang Dios, ang Dios natin magpakailanman. Siya ang gagabay sa atin habang buhay.”
Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman. Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”
Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan.
Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
Ibinibigay niya sa isang pamilya ang sinumang nag-iisa sa buhay. Pinalalaya rin niya ang mga binihag nang walang kasalanan at binibigyan sila ng masaganang buhay. Ngunit ang mga suwail, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.
Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin. Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan. Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.
At may kapanatagan tayo sa paglapit natin sa Dios, dahil naniniwala tayong ibibigay niya sa atin ang anumang hilingin natin na ayon sa kanyang kalooban. At kung alam nating nakikinig sa atin ang Dios, alam nating tinatanggap na natin ang hinihiling natin sa kanya.
Sumigaw sana sa kagalakan ang mga taong nagagalak sa aking kalayaan. Palagi sana nilang sabihin, “Purihin ang Panginoon na nagagalak sa tagumpay ng kanyang mga lingkod.”
Iligtas nʼyo ako sa mga nang-aapi sa akin, upang masunod ko ang inyong mga tuntunin.
Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.
Pero ito ang sagot ng Panginoon, “Oo, maililigtas mo pa ang mga binihag ng mga sundalong malulupit at mababawi mo pa ang mga sinamsam nila. Sapagkat lalabanan ko ang mga lumalaban sa iyo at ililigtas ko ang iyong mga mamamayan.
Nalalaman nʼyo, O Panginoon, na pansamantala lang kami rito sa mundo gaya ng aming mga ninuno. Ang buhay namin ay gaya ng anino na hindi nananatili.
Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon, at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas. Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?
Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga bahay at isara ninyo ang inyong mga pintuan. Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon. Sapagkat darating na siya mula sa kanyang tirahan para parusahan ang mga tao sa mundo dahil sa kanilang mga kasalanan. Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay, at hindi na niya itatago pa.
Sa pamamagitan ng karunungan, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan. Dumaan ako sa bukid ng taong tamad at mangmang. Puno na ito ng mga damo at matitinik na halaman, at giba na ang mga bakod nito. Nang makita ko ito, napaisip ako ng mabuti, at natutunan ko ang aral na ito: Sa kaunting pahinga, kaunting pagtulog, at paghalukipkip mo, taong tamad, ay biglang darating sa iyo ang kahirapan na para kang ninakawan ng armadong tulisan.
Huwag kang matatakot dahil kasama mo ako. Titipunin ko ang iyong mga lahi mula sa silangan hanggang sa kanluran.
Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.
Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo; siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan. Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi. Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.
Pero tapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa diyablo.
Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Dios, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.