Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


120 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pangungutya

120 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pangungutya

Sa buhay natin, darating talaga ang mga panahon ng saya, pero may mga pagkakataon din ng lungkot at pangungulila. Isipin mo si Hesus, ang pinakaperpekto at pinakamabuting taong nabuhay sa mundo, dumaan din Siya sa matitinding pagsubok: pinagtaksilan, hinamak, itinakwil, at kinutya. Pero kahit ganoon, hindi nagbago ang pagmamahal Niya sa atin. Sa halip na sumpain tayo, minahal Niya tayo ng walang hanggan at nakiusap pa sa Ama na patawarin tayo sa ating mga kasalanan.

Alam kong may mga taong susubok na manakit at mangutya sa’yo, pati na rin sa mga pangarap at plano mo. Darating ang mga panahong parang gusto mo na lang mawala dahil sa sakit na nararamdaman mo. Kaya gusto kong ibahagi ito sa’yo para mapalakas ang loob mo. Kahit pagtawanan ka nila, tandaan mo kung ano ang tingin sa’yo ng Diyos. Para sa Kanya, isa kang kahanga-hangang nilalang, at sabi nga sa Kanyang salita, “Kaniyang tinutuya ang mga manunuya, ngunit sa mga mapagpakumbaba ay nagbibigay ng biyaya.” (Kawikaan 3:34)

Huwag mong alalahanin ang sasabihin o gagawin ng iba. Hindi hahayaan ng Diyos na ang may sala ay manatiling walang parusa. Magtiwala ka sa Kanyang salita, manalig sa Kanya, at hayaan mong ang Kanyang makapangyarihang kamay ang magtanggol sa’yo laban sa mga nananakit sa’yo. Huwag kang padadaig sa mga pananakot ng kaaway; tandaan mo, kaya mong gawin ang lahat sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa’yo, at sa Kanyang pangalan, ikaw ay higit pa sa isang nagtatagumpay.


Mga Kawikaan 1:22-23

Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:22

Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:34

Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 20:7

Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:14

Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:32

At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:3

Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:7-8

Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili. Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:8

Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 26:24

At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:18

Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:17-19

Samantalang umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:31

At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:12

Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 30:1

Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:1

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 17:2

Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:63-65

At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay. At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas? At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:6

Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:12

Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:11

At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:31-32

Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:21

Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:35

At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:10

Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:12

Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:2

Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:10

Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:25

Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:24

Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:9

Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:5

Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:17

Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:28-29

Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan. Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:6

Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 29:20

Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:22

Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:18

Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:12

Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:7

Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 13:41

Tingnan ninyo, mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam: Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:12-13

Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin. Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:10-12

Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin. Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:2

Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 123:4

Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:1

Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:3

Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:4-5

Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya. Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:22

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:29

At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:23

At lumingap si Jesus sa palibotlibot, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:22

Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:14

At ang mga Fariseo, na pawang maibigin sa salapi, ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito; at siya'y tinutuya nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:14

Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:10

Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:18

Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:10

Kami'y mga mangmang dahil kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:12-14

Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay? Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo: At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7-8

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya. Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit; Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:11-12

Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom. Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:6

Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:19

Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:13-14

Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin. Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa, at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 59:12

Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi, makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan, at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 64:8

Sa gayo'y sila'y matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila: ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:11-12

Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:51

Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:29-30

Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:18

May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:7

Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:6-7

Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas. Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:17-18

Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal, at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal: Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:14

Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan, mabibilang na sumpa sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:12-13

Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili. Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:1-2

Sa aba ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim, at ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak! Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti. Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito. Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan. Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli. Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem: Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo, Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan: ang naniniwala ay hindi magmamadali. At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako. At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon. Sa tuwing dadaan, tatangayin kayo; sapagka't tuwing umaga ay daraan, sa araw at sa gabi: at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas. Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:31

At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:30

Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:14

Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:10

Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:15

Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5-6

Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy! At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:14

Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan; Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:12

Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:14

Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:5

Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:26

Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:8

Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:3

Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:12

Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:8

Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:21-22

Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin: Sapagka't madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:15

At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa't nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka't ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:24-25

Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili: Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:12

Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:26

Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:3-4

Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia. Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa. O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:4

Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:6

Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:9

Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:3

Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 120:5-7

Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:20-22

Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit. Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:16

Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:18

Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, ng kapalaluan at paghamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:7

Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:39

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31

Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:18-19

Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong. Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1-2

Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso. Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya. Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay. Yaong lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo. Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman. Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan. Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang. At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios. Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus. Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa. Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili; Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin. Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:15

May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at kagila-gilalas ang pangalan Mo, Panginoon. Karapat-dapat kang sambahin at purihin. Buong pagkatao ko'y kumikilala sa iyong kadakilaan. Salamat po sa walang sawang pag-ibig at katapatan Mo sa buhay ko. Sa bawat sandali, ikaw ay naging mabuti. Nakatayo ako ngayon dahil alam kong ang iyong makapangyarihang kamay ang sumusuporta sa akin sa bawat hakbang ng aking paglalakbay. Salamat sa pagsama Mo sa aking mga masasayang panahon, at lalo na sa pag-alalay Mo sa akin sa gitna ng aking mga pagsubok. Salamat sa lakas na ibinibigay Mo upang ako'y magpatuloy, at sa pagiging aking kanlungan. Ngayon po, hinihiling ko ang iyong tulong sa aking pinagdaraanan. Bigyan Mo po ako ng pusong katulad ng sa'yo, at pagalingin ang aking kaluluwa mula sa lahat ng sugat na aking natamo. Pagkalooban Mo po ako ng lakas upang sumulong at hindi matumba sa harap ng mga taong nais akong bumagsak. Patahimikin Mo po ang mga nanlalait at yaong mga may masamang loob na tumatayo laban sa akin. Maghihintay ako sa iyong katarungan dahil alam kong ang aking tulong ay mula sa Panginoong lumikha ng langit at lupa. Nananalig ako sa iyong salita, at may buong tiwala akong sumasampalataya sa'yo, Panginoon. Maraming salamat po sa lahat, sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas