Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 3:34 - Ang Biblia

34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

34 Sa mga nanunuya siya ay mapanuya, ngunit sa mapagkumbaba ay nagbibigay siya ng biyaya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

34 Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

34 Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

34 Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

34 Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 3:34
12 Mga Krus na Reperensya  

Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.


Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay; at sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas.


Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;


Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.


Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.


Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.


Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.


Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.


Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.


Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.


Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas