Alam mo, minsan mahirap humingi ng tulong. Kahit nahihirapan na tayo, pilit pa rin nating kinakaya mag-isa. Napapagod tayo, physically and emotionally, dahil natatakot tayong makaabala o mahusgahan. Nagtatayo tayo ng pader para hindi tayo masaktan, pero nakakalimutan natin na may mga taong handang tumulong, kasama na si Hesus. Siya yung nagmamahal nang tunay, hindi nanghuhusga, at may solusyon sa lahat ng problema natin.
Kung may isang tao na hindi mo dapat ikahiya na hingan ng tulong, 'yun ay ang Diyos. Siya ang ating takbuhan at matibay na kanlungan. Hawak Niya ang ating kamay at sinasabi Niyang, "Huwag kang matakot, tutulungan kita."
Gusto ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya nang buong-buo. Ibuhos mo sa Kanya ang lahat ng nararamdaman mo, ang iyong mga sakit at alalahanin. Iiyak mo lang sa Kanya lahat. Hayaan mong pagalingin ka at palakasin ng pagmamahal Niya.
Hindi masamang humingi ng tulong sa tamang tao. Hindi ka ipapahiya ni Hesus. Gusto Niyang ilabas mo lahat ng nasa loob mo, para gumaan ang pakiramdam mo at mawala ang mga pabigat na pumipigil sa'yo para makalaya ka.
Sa anumang sitwasyon, gusto Niyang kumilos at ipahayag mo ang Kanyang kabutihan at mga himala. Mahal ka ng Diyos at parang anak ka Niya. Inaalagaan ka Niya, pati ang pamilya mo, ang trabaho mo, at ang kalusugan mo.
Lagi mong tatandaan ang pangako Niya: “Huwag kang matakot, sapagkat kasama mo ako; huwag kang mangamba, sapagkat ako ang iyong Diyos. Palalakasin kita at tutulungan, aalalayan kita sa pamamagitan ng aking matuwid na kanang kamay.” (Isaias 41:10). Hindi lang "balang araw" ka Niya tutulungan. Ang pangako Niya ay "lagi" ka Niyang tutulungan. Kailangan mo lang humingi sa Kanya nang may pananampalataya, at maniwala na nakikinig Siya at sasagot.
Tanggapin mo ngayon ang kapayapaan mula sa Diyos, ang tiwala at katiyakan na lumapit sa Kanya nang walang takot. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang lahat ng pangangailangan mo, dahil ang tulong mo ay mula sa Lumikha ng langit at lupa, na mabuti at ang pag-ibig Niya ay bago bawat umaga.
Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo.
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.
Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.
May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”
Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa.
Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”
Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.
Mabibigo ka kapag hindi ka humihingi ng payo tungkol sa iyong mga pinaplano, ngunit kapag marami kang tagapayo magtatagumpay ang mga plano mo.
Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin.
Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.
At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayoʼy aking sasagutin. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,
O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin. Mula sa dulo ng mundo, tumatawag ako sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin nʼyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,
Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa. Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!” Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!” Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak.
Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Tumatawag ako sa inyo; iligtas nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.
Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.
At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Nang tumawag ako sa inyo sinagot nʼyo ako. Pinalakas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.
Madali kang matalo kung nag-iisa ka, pero kung may kasama ka, mahirap kayong talunin. Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla, mahirap itong malagot.
Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.
Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon. Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa Panginoon ang tumulong sa akin. Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.
Tinuruan ako ng Panginoong Dios kung ano ang sasabihin ko para mapalakas ang mga nanlulupaypay. Ginigising niya ako tuwing umaga para pakinggan ang mga itinuturo niya sa akin.
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”
At may kapanatagan tayo sa paglapit natin sa Dios, dahil naniniwala tayong ibibigay niya sa atin ang anumang hilingin natin na ayon sa kanyang kalooban. At kung alam nating nakikinig sa atin ang Dios, alam nating tinatanggap na natin ang hinihiling natin sa kanya.
Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo. Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian; umiikli ang buhay ko dahil sa pag-iyak at kalungkutan. Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan, at parang nadudurog na ang aking mga buto. Kinukutya ako ng aking mga kaaway, at hinahamak ng aking mga kapitbahay. Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan; kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan. Para akong patay na kanilang kinalimutan, at parang basag na sisidlan na wala nang halaga. Marami akong naririnig na banta laban sa akin. Natatakot akong pumunta kahit saan, dahil plano nilang patayin ako. Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon. Sinasabi kong, “Kayo ang aking Dios!” Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod. Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako. Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya, dahil sa inyo ako tumatawag. Ang masasama sana ang mapahiya at manahimik doon sa libingan. Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid. O kay dakila ng inyong kabutihan; sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan. Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan. Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.
Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Magkaisa kayo sa isip at layunin.
O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”
Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Lalong dumarami ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo ako sa aking mga kalungkutan.
Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng Panginoon saan man niya naisin.
Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas para maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Judio. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.
Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan.
Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.
At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.
Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Dios, ako sa inyoʼy nananabik. Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway. Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?” Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas! Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?
Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako. Akoʼy nagpuyat ng buong magdamag, upang pagbulay-bulayan ang inyong mga pangako.
Hahanapin ko ang mga nawawala at ang mga naliligaw. Gagamutin ko ang mga may sugat at may sakit, palalakasin ko ang mahihina. Pero lilipulin ko ang matataba at malalakas na tupa. Gagawin ko sa kanila kung ano ang nararapat.
Hindi ko sinasabi ito dahil nanghihingi ako ng tulong sa inyo. Sapagkat natutunan kong maging kontento anuman ang kalagayan ko.
Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin.
Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.
Mahal ko ang Panginoon, dahil dinidinig niya ang paghingi ko ng tulong sa kanya. Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya. Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.” Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin? Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa Panginoon sa harap ng kanyang mga mamamayan. Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan. Panginoon, ako nga ay inyong lingkod. Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag. Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo sa harap ng inyong mga mamamayan, doon sa inyong templo sa Jerusalem. Purihin ang Panginoon! Dahil pinakikinggan niya ako, patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.
Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Jesus na Anak ng Dios. Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala. Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang mabubuting katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Dios.
Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo; siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan. Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi. Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.
Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.
Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo. O Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
Iligtas nʼyo ako, Panginoon! At ingatan ang aking buhay! Nanganganlong ako sa inyo; huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.
Kapag tumutulong ka sa mahirap, para kang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa iyo.
Kahit na akoʼy sinisiraan ng mga taong mapagmataas, buong puso ko pa ring tinutupad ang inyong mga tuntunin.
Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.
Panginoon, kaawaan nʼyo po kami. Nagtitiwala kami sa inyo. Palakasin nʼyo kami araw-araw, at iligtas sa panahon ng kaguluhan.
Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya. Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin. Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.
Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal. Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog. Pakinggan mo ito! Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. At ang anumang nais sabihin ng Banal na Espiritu ay alam ng Dios na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Banal na Espiritu para sa mga mananampalataya, kung ano ang ayon sa kalooban ng Dios.
Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.
Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan.
Panginoon alam kong matuwid ang inyong mga utos. At dahil kayo ay matapat, akoʼy inyong dinisiplina.
Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”
Ilayo nʼyo ako sa kanilang panghihiya at pangungutya, dahil sinusunod ko ang inyong mga turo.
Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
Pero kasama ko po kayo, Panginoon. Para kayong sundalo na matapang at makapangyarihan, kaya hindi magtatagumpay ang mga umuusig sa akin. Mapapahamak sila at mapapahiya, at kahit kailan, hindi makakalimutan ang kahihiyan nila.
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Ibibigay ko sila sa iyo. Wala kahit isa sa kanila ang makakatalo sa iyo.”
“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”
Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!”
Ngunit kayo, Panginoon, huwag nʼyo akong lalayuan. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan.
Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.
Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.