Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


105 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Divine Justice

105 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Divine Justice

Mahalaga, kaibigan, na isipin natin ang ganap na katarungan ng Diyos. Ito ang nagpapakita ng kaniyang kabanalan. Siya ay makatarungan sa lahat ng bagay, at ang katarungang ito ang sumasalungat sa lahat ng kasalanan, kaya't naipapakita ang kaniyang kadalisayan.

Sa Roma 2:6-10 nga, sinasabi, “Babayaran ng Diyos ang bawat isa ayon sa kaniyang ginawa. Ang mga nagtitiyaga sa paggawa ng mabuti at naghahangad ng kaluwalhatian, karangalan at kawalang-kamatayan ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang mga mapaghimagsik at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kalikuan ay daranas ng poot at galit ng Diyos. Darating ang kapighatian at paghihirap sa bawat taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayundin sa mga Hentil. Ngunit kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan ang tatanggapin ng bawat taong gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at gayundin sa mga Hentil.”

Talaga ngang ang katarungan ng Diyos ay bahagi ng kaniyang pagkatao. Makatarungan siya, kaya't makakaasa tayo sa kaniya.


Mga Awit 50:6

Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos, isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:37

“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:17

Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:5

Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:8

Ang sabi ni Yahweh: “Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan. Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin, walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 37:23

Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, kaya walang makalapit sa kanyang kinalalagyan. Siya ay tapat at makatarungan sa pakikitungo sa sangkatauhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:12

Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:18

Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:1

Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 9:8

Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dumakot kayo ng abo sa pugon at ito'y pataas na ihahagis ni Moises na nakikita ng Faraon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:18

Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:4

“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:14

Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:7-8

Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:6

Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3-4

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:15

Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7-9

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:30

Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:160

Ang buod ng kautusa'y batay sa katotohanan, ang lahat ng tuntunin mo'y pawang walang katapusan. (Shin)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:6

Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:6

Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:1-2

Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran, sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan; Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya. Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya. Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya, mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina. Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak. Pagpalain itong hari! Siya nawa ay mabuhay! At magbuhat sa Arabia'y magtamo ng gintong-yaman; sa tuwina siya nawa'y idalangin nitong bayan, kalingain nawa ng Diyos, pagpalain habang buhay. Sa lupai'y sumagana nawang lagi ang pagkain; ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim at matulad sa Lebanon na mauunlad ang lupain. At ang kanyang mga lunsod, dumami ang mamamayan, sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan. Nawa ang kanyang pangalan ay huwag nang malimutan, manatiling bantog hangga't sumisikat itong araw. Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, at sa Diyos, silang lahat dumalanging: “Harinawa, pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.” Si Yahweh, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla; ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa. Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman, at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan! Amen! Amen! nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:26

Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:1

Sinabi ni Yahweh, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:6

Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:2

Ang paligid niya'y ulap na punô ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:6-7

“Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mahihirap. Huwag kayong magbibintang nang walang katotohanan. Huwag ninyong hahatulan ng kamatayan ang isang taong walang kasalanan; paparusahan ko ang sinumang gagawa ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:1-2

Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan; na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria, hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito, ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?” Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan. Sapagkat ang sabi niya: “Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan, inalis ko ang hangganan ng mga bansa, at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan; ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono. Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad. Tinipon ko ang buong lupa tulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan, wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad, walang bibig na bumubuka o huning narinig.” Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito? Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito? Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito? Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma, at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan, parang sigang maglalagablab nang walang katapusan. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy, ang Banal na Diyos ay magniningas, at susunugin niya sa loob ng isang araw maging ang mga tinik at dawag. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin, kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat, ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos. upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:2-3

Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol. Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 8:3

Hindi pinipilipit ng Diyos ang katarungan; hindi binabaluktot ng Makapangyarihan ang katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:5

“Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 16:5

At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono, at uupo doon ang isang hahatol nang tapat; magmumula siya sa angkan ni David, isang tagapamahalang makatarungan, at mabilis sa paggawa ng matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:15

Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:9

Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa, nangungulila sa iyo ang aking espiritu. Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig, malalaman nila kung ano ang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:6

“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 67:4

Nawa'y purihin ka ng mga nilikha, pagkat matuwid kang humatol sa madla; ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:26

Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 11:7

Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti'y nalulugod; sa piling niya'y mabubuhay ang sa kanya'y sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:8-9

Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno. Sa isang lupaing puno ng kasaganaan, ang hari ang may pinakamainam na kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:15

mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan, diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:9

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:14-15

Itinakwil namin ang katarungan at lumayo kami sa katuwiran. Ang katotohanan ay nahandusay sa mga liwasang-bayan, at hindi makapanaig ang katapatan. Hindi matagpuan ang katotohanan, kaya nanganganib ang buhay ng mga tao, na ayaw gumawa ng kasamaan. Nang makita ni Yahweh na wala nang katarungan, siya ay nalungkot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:10-12

Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw naman, bakit mo hinahamak ang iyong kapatid? Tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Sabi ng Panginoon, ‘Dahil ako'y buháy, ang lahat ay luluhod sa harap ko, at ang bawat isa'y magpupuri sa Diyos.’” Kaya't bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:16

Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:3

Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:17

Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:123

Malamlam na ang mata ko, sa tagal ng paghihintay, sa pangako mo sa aking tatanggapi'y kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:24

Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:1

Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:1-2

O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado? Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 8:12

Kung sabagay, daan-daan man ang kasamaang gawin ng masama ay wala ring mawawala sa taong nabubuhay nang matuwid pagkat siya'y may takot sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:3

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:23

“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:3

At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan, na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:5

Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian; gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:1

Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:20

Katarungan lamang ang inyong paiiralin, at kayo'y mabubuhay nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:5-6

Ngunit kung ang kasamaan natin ay nagpapakilala ng katarungan ng Diyos, masasabi ba nating hindi siya makatarungan dahil tayo'y pinaparusahan niya? (Ganyan ang pangangatuwiran ng tao.) Hinding-hindi! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:16-17

Ang katarungan at katuwiran ay maghahari sa buong lupain. Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:1-2

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam, kahit hanapin mo'y di masusumpungan. Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila. Ang taong masama'y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi'y nagngangalit. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na. Taglay ng masama'y pana at patalim, upang ang mahirap dustai't patayin, at ang mabubuti naman ay lipulin. Ngunit sa sariling tabak mamamatay, pawang mawawasak pana nilang taglay. Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain. Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin. Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:5

Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:23

Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:6

sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:10

Kahit mahabag ka sa taong masama, hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat; kahit na kasama siya ng bayang matuwid, kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:38-39

“Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 85:10

Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad, ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:16

Nakita ko rin sa mundong ito na ang katarungan at pagiging matuwid ay nababahiran pa rin ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:4

Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan; kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan, marapat na ako'y iyong parusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:5

Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:24-25

Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:8

O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian, ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 7:18

Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:39-40

Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan laban sa masama, ipagsasanggalang; sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:9

Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman; ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:27

Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:15

Sa loob ng maikling panahon ng aking pamumuhay, nakita ko ang lahat ng bagay. Nakita kong ang tao'y namamatay kahit siya mabuti, at may masamang nabubuhay nang matagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:1-2

Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo! Mahal ni Yahweh ang lahat ng namumuhi sa masama, siya ang nag-iingat sa buhay ng mga lingkod niya; sa kamay ng mga buktot, tiyak na ililigtas niya. Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway, sa dalisay namang puso maghahari'y kagalakan. Kayong mga matuwid, kay Yahweh ay magalak, sa banal niyang pangalan kayo'y magpasalamat. Ang paligid niya'y ulap na punô ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:16-17

Linisin ninyo ang inyong sarili at magbalik-loob sa akin; sa aking harapan, kasamaan ninyo'y inyong tigilan. Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 17:15

Dahil ako'y matuwid, ang mukha mo'y makikita; at sa aking paggising, sa piling mo'y liligaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:32

Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:15

Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buháy sa lahi ni Jose.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 43:1

Hatulan mong ako'y walang kasalanan, Panginoon, at laban sa masasama, ako'y iyong ipagtanggol; sa masama't sinungaling, ilayo mo ako ngayon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:1

Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama, sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal, at ang aking tagumpay ay mahahayag na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:15

Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:23

Mahalin ninyo si Yahweh, kayong kanyang bayan. Mga tapat sa kanya, ay kanyang iniingatan, ngunit ang palalo'y pinaparusahan ng angkop sa kanilang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:6-7

“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:16-17

Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama? Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa? O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:12

Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:27

Masama'y itakwil, mabuti ang gawin, upang manahan kang lagi sa lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:17

Ganito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel, ni Yahweh na sa iyo'y tumubos: “Ako ang iyong Diyos na si Yahweh. Tuturuan kita para sa iyong kabutihan, papatnubayan kita sa daan na dapat mong lakaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Manunubos! Sa araw na ito, dumadalangin ako at hinahanap ang iyong mukha upang magbigay sa iyo ng papuri at karangalan. Amang Banal, iniiaalay ko ang aking panalangin, kinikilala na ikaw ay Diyos na nalulugod sa katarungan at kabutihan. Hinihiling ko po na turuan mo akong lalong maghintay at manalig sa iyong banal na katarungan. Bigyan mo ako ng lakas at tapang upang mapanatili ang aking puso na malayo sa paggawa ng masama o pagsasaya sa kasawian ng iba, dahil tunay ngang sinasabi ng iyong salita: “Sapagka't may panahon ang bawa't nasa, at panahon ang bawa't gawa sa silong ng langit.” Diyos na Makatarungan, tulungan mo akong lalong magtiwala sa iyong makatarungang paghatol at lumakad sa kabutihan ayon sa iyong salita. Ipinapakiusap ko na ipagtanggol mo ako sa aking mga kaaway, iligtas mo ako sa masasamang taong umaaligid sa akin. Panginoon, itago mo ako sa ilalim ng iyong mga pakpak, turuan mo akong tumingin gamit ang lente ng awa at pagpapatawad. Sinasabi mo sa iyong salita: “Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan: huwag kayong magparusa, at hindi kayo parurusahan: magpatawad kayo, at patatawarin kayo.” Panginoon, tulungan mo akong maunawaan na hindi ako ang dapat humatol at lalong hindi ang magbigay ng hatol, sapagkat ikaw lamang ang tanging Hukom. Dalangin ko rin na ingatan mo ang aking pamilya, ang iyong simbahan, ang aking kapwa, at bigyan mo kami ng katarungan sa lahat ng oras. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas