Araw-araw tayong pinipiling mabuhay nang banal. Alam ko, tao lang tayo at may mga kahinaan. Pero sa dugo ni Cristo, nakakasumpong tayo ng kapatawaran at katuwiran dahil sa biyaya Niya.
Hindi natin pwedeng ipagpaliban ang pagiging banal. Para sa atin, ito’y isang pamaraan ng pamumuhay na dapat nating piliin. Hangad nating maisalarawan ang kabanalan ng Diyos, dahil ang ating patotoo ay magiging halimbawa sa mga nakapaligid sa atin.
Hinihingi ng Diyos ang kabanalan sa Kanyang Iglesia, isang pusong malaya sa karumihan. Sa pamamagitan ng pagkilala sa kabanalan ng Diyos, mas nakikilala natin Siya.
Tandaan, ang banal na pamumuhay natin dito sa lupa ang siyang magbibigay sa atin ng katiyakan ng buhay na walang hanggan sa langit.
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.
Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.
Kayoʼy magpakabanal dahil ako, ang Panginoon ay banal. At kayoʼy hinirang ko mula sa ibang mga bansa para maging akin.
Iniligtas at tinawag tayo ng Dios para maging kanya, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Cristo Jesus bago pa nagsimula ang mundo.
Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita.
Banal ang Dios na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”
Mga minamahal, dahil sa mga ipinangako ng Dios sa atin, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Dios.
Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.
Walang ibang banal maliban sa Panginoon. Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.
Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makararaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng Panginoon.
Pero sa kabila nito, banal pa rin ang Kautusan; ang bawat utos nito ay banal, matuwid at mabuti.
Ako ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Egipto para akoʼy maging Dios ninyo. Kaya dapat kayong mamuhay nang banal dahil akoʼy banal.
Pero pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Dios. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan.
At dahil dito, magiging malakas ang loob nʼyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng ating Dios Ama sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Jesus, kasama ang mga pinili niya.
Sa ganitong paraan ipapakita ko ang aking kapangyarihan at kabanalan sa lahat ng bansa. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”
Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.
At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Dios para maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Jesu-Cristo at sa Espiritu ng ating Dios.
Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.
Ang sinumang wawasak sa templo ng Dios ay parurusahan niya, dahil banal ang templo ng Dios. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.
Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.
Dahil mga banal kayo, hindi nararapat na ang isa man sa inyo ay masabihang siya ay malaswa, mahalay at sakim.
Alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.
Mahal kong mga kapatid sa iglesya ng Dios diyan sa Corinto. Kayoʼy naging kanya sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Tinawag niya kayo upang maging banal, kasama ng lahat ng kumikilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo saan mang lugar. Siyaʼy Panginoon nating lahat. Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi baʼt ipinakita ng Dios na ang karunungan ng mundo ay kamangmangan? Sapagkat sa karunungan ng Dios, hindi niya pinahintulot na makilala siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Dios na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang. Ang mga Judio ay ayaw maniwala hanggaʼt walang nakikitang himala, at ang mga Griego naman ay humahanap ng sinasabi nilang karunungan. Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Cristo na ipinako sa krus – bagay na hindi matanggap ng mga Judio, at isang kamangmangan para sa mga hindi Judio. Ngunit para sa mga tinawag ng Dios, Judio man o hindi, si Cristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Dios. Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Dios ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Dios ay higit pa sa kalakasan ng tao. Mga kapatid, isipin ninyo kung ano ang inyong kalagayan nang tawagin kayo ng Dios. Iilan lamang sa inyo ang masasabing matalino sa paningin ng mundo, at iilan lamang ang makapangyarihan o nagmula sa mga kilalang angkan. Ngunit pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. At pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harap ng Dios. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong pusong maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan. Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis. Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad. Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,
Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios.
Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay dapat maging matuwid sa kanyang buhay, tulad ng buhay ni Cristo na matuwid.
Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.
Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.
Ito ang mensaheng narinig namin mula kay Jesu-Cristo at ipinapahayag naman namin sa inyo: Ang Dios ay liwanag at sa kanya ay walang anumang kadiliman.
Binuhay kayong muli kasama ni Cristo, kaya sikapin ninyong makamtan ang mga bagay na nasa langit kung saan naroon si Cristo na nakaupo sa kanan ng Dios. at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Dios na lumikha nito, para maging katulad niya tayo at para makilala natin siya nang lubusan. Sa bagong buhay na ito, wala nang ipinagkaiba ang Judio sa hindi Judio, ang tuli sa hindi tuli, ang naturuan sa hindi naturuan, at ang alipin sa malaya dahil si Cristo na ang lahat-lahat, at siyaʼy nasa ating lahat. Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Cristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Dios upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat. Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo. At anuman ang ginagawa nʼyo, sa salita man o sa gawa, gawin nʼyo ang lahat bilang mananampalataya sa Panginoong Jesus, at magpasalamat kayo sa Dios Ama sa pamamagitan niya. Mga babae, magpasakop kayo sa asawa nʼyo, dahil iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan. Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.
Walang sinumang makapagsasabi na ang puso niya ay malinis, na kailanman ay hindi siya nakagawa ng mali.
Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Dios, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa.
Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng templo ng Panginoon, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.
Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.
Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso.
Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at makadios, habang hinihintay nʼyo ang araw ng pagdating ng Dios at ginagawa ang makakayanan nʼyo para mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masusunog ang langit sa apoy at matutunaw ang lahat ng nasa lupa sa tindi ng init.
para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila
O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay!
Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.
Sapagkat ibinukod kayo ng Panginoon na inyong Dios. Sa lahat ng mga tao, kayo ang pinili ng Panginoon na inyong Dios na maging espesyal niyang mamamayan.
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Mahal kong mga kapatid sa iglesya ng Dios diyan sa Corinto. Kayoʼy naging kanya sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Tinawag niya kayo upang maging banal, kasama ng lahat ng kumikilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo saan mang lugar. Siyaʼy Panginoon nating lahat.
Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo. Ang mundo at lahat ng bagay dito na hinahangad ng tao ay mawawala, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay mabubuhay magpakailanman.
At dahil sinunod ni Jesu-Cristo ang kalooban ng Dios, nilinis niya tayo sa mga kasalanan natin sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng sarili niya.
Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
Mapalad ang taong namumuhay nang malinis, na naaayon sa utos ng Panginoon. Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos. Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda, dahil sinusunod ko ang inyong mga tuntunin. Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali, upang masunod ko ang inyong mga salita. Hindi ako lumihis sa inyong mga utos, dahil kayo ang nagtuturo sa akin. Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot. Sa pamamagitan ng inyong mga tuntunin, lumalawak ang aking pang-unawa, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng gawaing masama. Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan. Tutuparin ko ang aking ipinangako na susundin ang inyong matuwid na mga utos. Hirap na hirap na po ako Panginoon; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Tanggapin nʼyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Kahit na akoʼy palaging nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan. Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo. Ang masasama ay naglagay ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo ang aking mana na walang hanggan, dahil itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan. Aking napagpasyahan na susundin ko ang inyong mga tuntunin hanggang sa katapusan. Kinamumuhian ko ang mga taong hindi tapat sa inyo, ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan. Kayo ang aking kanlungan at pananggalang; akoʼy umaasa sa inyong mga salita. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, upang masunod ko ang mga utos ng aking Dios. Panginoon, bigyan nʼyo ako ng kalakasan ayon sa inyong pangako upang ako ay patuloy na mabuhay; at huwag nʼyong hayaan na mabigo ako sa pag-asa ko sa inyo. Tulungan nʼyo ako upang ako ay maligtas; at nang lagi kong maituon sa inyong mga tuntunin ang aking isipan. Itinakwil nʼyo ang lahat ng lumayo sa inyong mga tuntunin. Sa totoo lang, ang kanilang panloloko ay walang kabuluhan. Itinuturing nʼyo na parang basura ang lahat ng masasama rito sa mundo, kaya iniibig ko ang inyong mga turo. Purihin kayo Panginoon! Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Nanginginig ako sa takot sa inyo; sa hatol na inyong gagawin ay natatakot ako. Ginawa ko ang matuwid at makatarungan, kaya huwag nʼyo akong pababayaan sa aking mga kaaway. Ipangako nʼyong tutulungan nʼyo ako na inyong lingkod; huwag pabayaang apihin ako ng mga mayayabang. Nagdidilim na ang aking paningin sa paghihintay sa inyong pangako na ililigtas ako. Gawin nʼyo sa akin na inyong lingkod ang naaayon sa inyong pagmamahal, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Ako ay inyong lingkod, kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa, upang maunawaan ko ang inyong mga katuruan. Panginoon, ito na ang panahon upang kayo ay kumilos, dahil nilalabag ng mga tao ang inyong kautusan. Pinahahalagahan ko ang inyong mga utos, nang higit pa kaysa sa ginto o pinakadalisay na ginto. Sinusunod ko ang lahat nʼyong mga tuntunin, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng masamang gawain. Kahanga-hanga ang inyong mga turo, kaya sinusunod ko ito nang buong puso. Paulit-ulit kong sinasabi ang mga kautusang ibinigay ninyo. Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman. Labis kong hinahangad ang inyong mga utos. Masdan nʼyo ako at kahabagan, gaya ng lagi nʼyong ginagawa sa mga umiibig sa inyo. Patnubayan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong mga salita, at huwag nʼyong hayaang pagharian ako ng kasamaan. Iligtas nʼyo ako sa mga nang-aapi sa akin, upang masunod ko ang inyong mga tuntunin. Ipakita nʼyo sa akin na inyong lingkod ang inyong kabutihan, at turuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. Labis akong umiiyak dahil hindi sinusunod ng mga tao ang inyong kautusan. Matuwid kayo, Panginoon, at tama ang inyong mga paghatol. Ang inyong ibinigay na mga turo ay matuwid at mapagkatiwalaan. Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita. Nagagalak akong sumunod sa inyong mga katuruan, higit pa sa kagalakang dulot ng mga kayamanan. Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod. Kahit mahirap lang ako at inaayawan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga tuntunin. Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan. Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan. Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay. Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Tumatawag ako sa inyo; iligtas nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako. Akoʼy nagpuyat ng buong magdamag, upang pagbulay-bulayan ang inyong mga pangako. Panginoon, dinggin nʼyo ako ayon sa inyong pagmamahal; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong paghatol. Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan. Palapit na nang palapit ang masasamang umuusig sa akin, ang mga taong tumatanggi sa inyong kautusan. Ngunit malapit kayo sa akin, Panginoon; at ang inyong mga utos ay maaasahan. Sa pag-aaral ko ng inyong mga turo, naunawaan ko noon pa man na ang inyong mga katuruan ay magpapatuloy magpakailanman. Masdan nʼyo ang dinaranas kong paghihirap at akoʼy inyong iligtas, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong kautusan. Ipagtanggol nʼyo ako at iligtas, panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Hindi maliligtas ang masasama, dahil hindi nila ipinamumuhay ang inyong mga tuntunin. Napakamaawain nʼyo Panginoon; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong paghatol. Marami ang umuusig sa akin, ngunit hindi ako lumayo sa inyong mga turo. Kinasusuklaman ko ang mga hindi tapat sa inyo, dahil hindi nila sinusunod ang inyong salita. Tingnan nʼyo Panginoon kung paano ko sinusunod ang inyong mga tuntunin. Panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong tapat na pag-ibig. Magagalak ako sa inyong mga tuntunin, at ang inyong mga salitaʼy hindi ko lilimutin. Totoo ang lahat ng inyong salita, at ang inyong mga utos ay makatuwiran magpakailanman. Inuusig ako ng mga namumuno ng walang dahilan, ngunit salita nʼyo lang ang aking kinatatakutan. Nagagalak ako sa inyong mga pangako na tulad ng isang taong nakatuklas ng malaking kayamanan. Namumuhi ako at nasusuklam sa kasinungalingan, ngunit iniibig ko ang inyong kautusan. Pitong beses akong nagpupuri sa inyo bawat araw dahil matuwid ang inyong mga utos. Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal. Panginoon umaasa ako na akoʼy inyong ililigtas, at sinusunod ko ang inyong mga utos. Buong puso kong iniibig ang inyong mga turo, at itoʼy sinusunod ko. Ang lahat kong ginagawa ay inyong nalalaman, kaya sinusunod ko ang inyong mga tuntunin at katuruan. Panginoon, pakinggan nʼyo sana ang aking hinaing. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa ayon sa inyong pangako. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod, upang patuloy akong makasunod at makapamuhay ng ayon sa inyong salita. Sanaʼy dinggin nʼyo ang aking dalangin, at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako. Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat nʼyong mga utos. Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin. Panginoon, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan nʼyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay upang kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban. Para akong tupang naligaw at nawala, kaya hanapin nʼyo ako na inyong lingkod, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong mga utos. Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan. Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan, kaya ipaliwanag nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban. Sa lahat ng oras ay naghahangad akong malaman ang inyong mga utos. Sinasaway nʼyo ang mga hambog at isinusumpa ang mga ayaw sumunod sa inyong mga utos. Ilayo nʼyo ako sa kanilang panghihiya at pangungutya, dahil sinusunod ko ang inyong mga turo. Kahit na magtipon ang mga namumuno at mag-usap laban sa akin, akong lingkod nʼyo ay patuloy na magbubulay-bulay ng inyong mga tuntunin. Ang inyong mga turo, ay nagbibigay sa akin ng kagalakan, at nagsisilbing tagapayo. Akoʼy parang mamamatay na, kaya panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at pinakinggan nʼyo ako. Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Ipaunawa nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa. Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako. Ilayo nʼyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan nʼyo ako na sundin ang inyong kautusan. Hindi sila gumagawa ng masama kundi sumusunod sa mga pamamaraan ng Dios.
Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.
Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.
Ginawa niya ito para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis.
Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,
Nalulugod ako sa Panginoon kong Dios, dahil para niya akong binihisan ng kaligtasan at tagumpay. Para akong lalaking ikakasal na may suot na katulad ng magandang damit ng pari, o babae sa kasal na may mga alahas.
Bumangon ka, O Zion, at magpakatatag. Ipakita mo ang iyong kapangyarihan, O banal na lungsod ng Jerusalem, dahil ang mga kaaway mong hindi mga Israelita, na itinuturing mong marumi ay hindi na muling makakapasok sa iyo.
Sapagkat alam na ng Dios noon pa man kung sinu-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Jesus para siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.
sundin mong mabuti ang mga iniutos sa iyo para walang masabi laban sa iyo. Gawin mo ito hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya.
Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at makadios,
Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.
Ang Banal na Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Dios. At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng Dios at kasama ni Cristo na magmamana ng mga pagpapalang inilaan niya. Sapagkat kung magtitiis tayo kagaya ni Cristo noon, darating ang araw na pararangalan din tayong kasama niya.
Mga minamahal, mga anak na tayo ng Dios. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Alam natin na sa pagbabalik ni Cristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin kung sino talaga siya.
Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
“At ngayon, ipinagkakatiwala ko kayo sa Dios at sa kanyang salita na tungkol sa kanyang biyaya. Makapagpapatibay ito sa inyong pananampalataya at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Dios para sa lahat ng taong itinuring niyang sa kanya.