Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


114 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Alak

114 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Alak

Alam mo, sa Biblia, madalas nating mababasa ang tungkol sa alak. Minsan simbolo ito ng saya at pagdiriwang, parang sa kasalan sa Cana kung saan ginawa ni Hesus na alak ang tubig. Isipin mo, ang unang himala niya ay nagdala ng tuwa at saya sa mga tao! Parang pinapakita niya sa atin na gusto Niyang maranasan natin ang kagalakan sa buhay.

Naaalala ko rin yung kwento ni Noe pagkatapos ng delubyo. Nagtanin siya ng ubas at gumawa ng alak. Parang simbolo 'yun ng biyayang ibinigay ng Diyos sa kanya at sa sangkatauhan, 'di ba? Yung mga bunga ng lupa, tanda ng pagpapala Niya.

Pero siyempre, may mga babala rin tayo sa Biblia tungkol sa pag-abuso sa alak. Sa Kawikaan nga, nababasa natin na nakakaakit ang alak, pero puwede rin itong magdulot ng kalasingan at kawalan ng kontrol. Kaya dapat, maging maingat tayo. Dapat alam natin ang limitasyon natin at maging responsable sa mga kilos natin.

Katulad nga ng lagi nating sinasabi, lahat ng bagay ay may tamang lugar at panahon. Kahit ang mga magagandang bagay, kung hindi natin kokontrolin, puwedeng magdulot ng problema. Kaya dapat, lagi tayong maging maingat at manalangin para sa gabay ng Diyos sa lahat ng ginagawa natin. Para sa ikaluluwalhati Niya.




Efeso 5:18

Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:7

Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Dios na gawin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:14

Binigyan niya sila ng keso at gatas ng mga baka at kambing, at binigyan ng matatabang tupa at kambing mula sa Bashan. Binigyan din niya sila ng pinakamagandang trigo at pinainom ng katas ng ubas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:20-21

Si Noe ay isang magsasaka at siya ang unang nagtanim ng ubas. Isang araw, uminom siya ng alak na mula sa ubas, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:3

Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 14:18

Sinalubong din siya ni Haring Melkizedek ng Salem at pari ng Kataas-taasang Dios. May dala si Melkizedek na pagkain at inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:23

Dahil sa madalas na pananakit ng sikmura mo, uminom ka ng kaunting alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 27:37

Sumagot si Isaac, “Ginawa ko na siya na maging iyong amo at ginawa ko rin ang lahat ng kamag-anak niya na maging mga alipin niya. Ibinigay ko na sa kanya ang saganang pagkain at inumin. Kaya ano pa ang maibibigay ko para sa iyo anak?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 29:40

Sa paghahandog mo ng tupa sa umaga, maghandog ka rin ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis mula sa pinigang olibo. Maghandog ka rin ng isang litrong katas ng ubas bilang handog na inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 6:26

At malugod sana ang Panginoon sa inyo at bigyan niya kayo ng mabuting kalagayan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 10:9

“Ikaw at ang iyong mga anak ay hindi dapat uminom ng alak o ng anumang inuming nakakalasing kapag papasok sa Tolda. Kapag ginawa ninyo iyon, mamamatay kayo. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ester 5:6

At habang nag-iinuman sila, tinanong ng hari si Ester, “Ano ba talaga ang kailangan mo? Sabihin mo na dahil ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng kaharian ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 23:13

Kasama nito, maghandog din kayo ng apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon, at isang litrong katas ng ubas bilang handog na inumin. Mga handog ito sa pamamagitan ng apoy, at ang mabangong samyo nitoʼy makalulugod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 5:1

Noong si Belshazar ang hari ng Babilonia, naghanda siya ng malaking piging para sa kanyang 1,000 marangal na mga bisita. Habang nag-iinuman sila, ipinakuha ni Belshazar ang mga tasang ginto at pilak na kinuha ng ama niyang si Nebucadnezar sa templo ng Dios sa Jerusalem. Ipinakuha niya ang mga ito para gamitin nila ng kanyang mga marangal na mga bisita, ng kanyang mga asawa, at ng iba pa niyang mga asawang alipin. Nang madala na sa kanya ang mga tasa, ginamit nila ito para inuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 5:4

At habang silaʼy nag-iinuman, pinupuri nila ang kanilang mga dios na gawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 6:3

kailangang hindi siya iinom ng alak na mula sa ubas o ng kahit na anong nakalalasing na inumin. Hindi rin siya gagamit ng suka na galing sa anumang inuming nakalalasing. Hindi rin siya dapat uminom ng katas ng ubas, o kumain ng ubas o pasas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 5:23

sa halip itinuring mong mas mataas ka kaysa sa Panginoon. Ipinakuha mo ang mga tasang mula sa templo ng Dios at ginamit ninyong inuman ng iyong marangal na mga bisita, mga asawa, at iba pang mga asawang alipin. Maliban diyan, sumamba ka pa sa mga dios-diosang gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal, kahoy, at bato. Itoʼy mga dios na hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakaunawa. Ngunit hindi mo man lang pinuri ang Dios na siyang may hawak ng iyong buhay at nakakaalam ng iyong landas na dadaanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 14:26

Pagkatapos, ang pilak na iyon ang ipambili ninyo ng baka, tupa, katas ng ubas o ng iba pang inumin, o ng anumang magustuhan ninyo. Pagkatapos, kainin ninyo ito ng inyong pamilya sa presensya ng Panginoon na inyong Dios at magsaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:8

Natutulog sila sa kanilang sambahan na suot ang damit na isinangla sa kanila ng mga mahihirap. At nag-iinuman sila sa aking templo ng alak na binili galing sa ibinayad ng mga mahihirap na may utang sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:14-15

Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at ang mga tanim ay para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain – may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 6:6

Kawawa kayong malalakas uminom ng alak at gumagamit ng mamahaling pabango, pero hindi nagdadalamhati sa sasapiting pagbagsak ng inyong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:15

may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 9:14

Pababalikin ko ang mga mamamayan kong Israelita sa kanilang lupain mula sa pagkakabihag. Muli nilang itatayo ang kanilang mga nasirang bayan at doon na sila maninirahan. Magtatanim sila ng ubas at iinom ng katas nito. Magtatanim sila sa kanilang mga halamanan, at kakainin nila ang mga bunga nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:1

Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagbubunga ng panunuya at kaguluhan, kaya ang taong naglalasing ay salat sa karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:2

Pagkatapos, nagkaroon siya ng malaking handaan. Naghanda siya ng mga pagkain at mga inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:21

Mas mabuti pang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gawin ang isang bagay kung iyon ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:30-35

Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak! Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas. Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti. Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko. Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko para muli akong makainom?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:13

Mamahalin niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong katas ng ubas at langis. At padadamihin niya ang inyong mga hayop doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno at sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:13

Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:34

pinainom nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo, pero nang matikman ito ni Jesus ay hindi niya ininom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 3:18

Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong katas ng ubas na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:9

Nadudurog ang puso ko dahil sa mga bulaang propeta. Nanginginig pati ang mga buto ko at para akong lasing dahil sa banal na mensahe ng Panginoon laban sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:1

Sinabi ng Panginoon, “Lumapit kayo, lahat kayong nauuhaw, narito ang tubig! Kahit wala kayong pera, lumapit kayo at kumain! Halikayo, kumuha kayo ng inumin at gatas ng walang bayad!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:20

Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 27:25

Sinabi ni Isaac, “Sige nga, dalhin mo rito ang niluto mo mula sa pinangaso mo, at pagkatapos kong kumain ay babasbasan kita.” Kayaʼt binigyan siya ni Jacob ng makakain at maiinom, at kumain siya at uminom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:12

Pupunta sila sa Bundok ng Zion at sisigaw dahil sa kagalakan. Magsasaya sila dahil sa mga pagpapala ko sa kanila. Magiging sagana ang mga trigo, ang bagong katas ng ubas, langis at mga hayop nila. Matutulad sila sa halamanang palaging dinidiligan at hindi na sila muling magdadalamhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 22:13

Sa halip, nagdiwang kayo at nagsaya. Nagkatay kayo ng mga baka at tupa, at nagkainan at nag-inuman. Sabi ninyo, “Magpakasaya tayo, kumain tayoʼt uminom, dahil baka bukas, mamamatay na tayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:17

Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at pareho silang magtatagal.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:6

Dito sa Bundok ng Zion, ang Panginoong Makapangyarihan ay maghahanda ng isang piging para sa lahat. Masasarap na pagkain at inumin ang kanyang inihanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:17

Ang taong maluho at puro pagdiriwang ay hindi yayaman kundi lalo pang maghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:29

Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng aking Ama. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 44:21

Hindi rin sila dapat uminom ng alak kung pupunta sa loob na bakuran ng templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:25

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 29:6

Wala kayong pagkain doon o katas ng ubas o ng iba pang inumin, pero binigyan kayo ng Panginoon ng mga kailangan ninyo para malaman ninyong siya ang Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 2:22

Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at pareho itong hindi na mapapakinabangan. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 5:37-38

Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:34

At nang dumating naman ako na Anak ng Tao, nakita ninyong kumakain ako at umiinom, ang sabi naman ninyo, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:18

Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 2:1-11

Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Jesus. at sinabi, “Karaniwan, ang pinakamainam na alak muna ang inihahanda, at kapag marami nang nainom ang mga tao, saka naman inilalabas ang ordinaryong alak. Pero iba ka, dahil ngayon mo lang inilabas ang espesyal na alak.” Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea ay ang unang himala na ginawa ni Jesus. Sa ginawa niyang ito, ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan, at sumampalataya sa kanya ang mga tagasunod niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:13

Pero tinuya ng iba ang mga mananampalataya. Sinabi nila, “Lasing lang ang mga iyan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:21

Hindi tayo maaaring makiinom sa baso ng Panginoon at sa baso ng masasamang espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:25

Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:11

Mapuspos nawa kayo ng mga katangiang ipinagkaloob ni Jesu-Cristo sa inyo para maparangalan at mapapurihan ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:3

Ganoon din sa mga nakatatandang babae: turuan mo silang mamuhay nang maayos bilang mga mananampalataya. Huwag silang mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak. Dapat ay ituro nila ang mabuti,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:10

Tayong mga mananampalataya ay may altar, at walang karapatang makisalo rito ang mga pari ng mga Judio na naghahandog sa sambahan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:11

Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:5

Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:8

Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa na puno ng bumubulang matapang na alak na nagpapahiwatig ng kanyang galit. Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama hanggang sa huling patak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:13

Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:5

Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:65-66

Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay; at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak. Itinaboy niya at pinaatras ang kanyang mga kaaway; inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 60:3

Kami na mga mamamayan nʼyo ay labis-labis nʼyong pinahirapan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak, sumusuray-suray.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:12

Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang bayan. At ang mga lasing ay kumakatha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:6-7

Hayaan mong mag-inom ang mga taong nawalan na ng pag-asa at naghihirap ang kalooban, upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:7

Malalanta ang mga ubas, at mauubos ang katas nito. Ang mga nagsasaya ay malulungkot,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:2

Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang mga sweldo ninyo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 35:5-6

Pagkatapos, naglagay ako ng mga lalagyang puno ng alak at mga tasa sa harap ng mga Recabita, at sinabi kong magsiinom sila. Pero sumagot sila, “Hindi kami umiinom ng alak. Iniutos sa amin ng ninuno naming si Jonadab na anak ng pinuno naming si Recab na kami at ang angkan namin ay hindi iinom ng alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:15

Pinuno niya ako ng labis na kapaitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 27:18

“ ‘Nakipagkalakalan din ang Damascus sa iyo dahil sa napakarami mong kayamanan at produkto. At ang ibinayad nila sa iyo ay alak mula sa Helbon at puting telang lana mula sa Zahar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 1:5

Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:11

Ang gusto ninyong mangangaral ay iyong nangangaral nang walang kabuluhan, manlilinlang at sinungaling, at ganito ang sinasabi: ‘Sasagana kayo sa alak at iba pang mga inumin.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 10:7

Ang mga mamamayan ng Israel ay magiging katulad ng mga malalakas na kawal. Magiging masaya sila na parang nakainom ng alak. Ang tagumpay na ito ay maaalala ng kanilang mga kaapu-apuhan at matutuwa sila dahil sa ginawa ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:19

At nang dumating naman ako, na Anak ng Tao, nakita nilang kumakain ako at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay sumasang-ayon na tama ang ipinapagawa ng Dios sa amin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:27

Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:23

Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:15

dahil magiging dakila siya sa harap ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina ay sasakanya na ang Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:34

Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:55

Sapagkat ang aking katawan ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:14

Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:21-22

dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom. Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang iglesya ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap. Ano ngayon ang gusto ninyong gawin ko? Purihin kayo? Aba, hindi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:16

Sa tuwing nagtitipon tayo bilang pag-alaala sa kamatayan ni Cristo, may iniinom tayo na ating pinasasalamatan sa Dios at may tinapay din tayong hinahati-hati at kinakain. Hindi baʼt pakikibahagi ito sa dugo at katawan ni Cristo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:14

Sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Cristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:24

Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:1-2

Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Cristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Banal na Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya. At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama. Mga minamahal, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap nʼyo, at gawin nʼyo ito nang may takot at paggalang sa Dios. Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya. Gawin nʼyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan nʼyo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. At kung gagawin nʼyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Cristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin. Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko riyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, para masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:6-8

Kaya nga, huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili. Pero dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin natin bilang panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at bilang helmet naman ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:14

Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may mga sapat na gulang na, at alam na kung ano ang mabuti at masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:13-14

Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Dios. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga namumuno sa iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:3

Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon para mag-inuman at gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga dios-diosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:13

Ito ang kabayaran sa ginagawa nilang kasamaan. Mahilig silang gumawa ng lantarang kalaswaan. Malaking kahihiyan at kapintasan ang dala nila sa inyo. Natutuwa silang lokohin kayo habang kumakain silang kasama ninyo sa mga pagsasalo-salo ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:12

Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:7

Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 16:10

Naglaho ang kagalakan nila at kasayahan sa kanilang mga ubasan. Wala nang umaawit o humihiyaw sa mga ubasan. Wala na ring pumipisa ng ubas para gawing alak. Pinatigil na ng Panginoon ang kanilang hiyawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:6

Hindi siya sumasamba sa mga dios-diosan ng Israel o kumakain ng mga inihandog sa mga dios-diosang ito sa mga sambahan sa mga bundok. Hindi siya sumisiping sa asawa ng iba o sa babaeng may buwanang dalaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 9:13

Sinabi pa ng Panginoon tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:15

Magtatanim kayo, pero hindi kayo ang aani. Magpipisa kayo ng mga olibo pero hindi kayo ang makikinabang sa langis nito. Magpipisa rin kayo ng bunga ng inyong mga ubas, pero hindi rin kayo ang iinom ng katas nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:6

Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios, dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:43-44

Pero hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:12-14

Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa nag-imbita sa kanya, “Kung maghahanda ka, huwag lang ang mga kaibigan, kapatid, kamag-anak, at mayayamang kapitbahay ang imbitahin mo, dahil baka imbitahin ka rin nila, at sa ganooʼy nasuklian ka na sa ginawa mo. Kaya kung maghahanda ka, imbitahin mo rin ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay at mga bulag. Sa ganoon ay pagpapalain ka, dahil kahit hindi ka nila masusuklian, ang Dios ang magsusukli sa iyo sa araw ng muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 2:10

at sinabi, “Karaniwan, ang pinakamainam na alak muna ang inihahanda, at kapag marami nang nainom ang mga tao, saka naman inilalabas ang ordinaryong alak. Pero iba ka, dahil ngayon mo lang inilabas ang espesyal na alak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:16

Huwag mong gawin ang anumang bagay na itinuturing ng iba na masama kahit na para sa iyo ito ay mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:12

Maaaring may magsabi sa inyo ng ganito, “Pwede kong gawin ang kahit ano.” Totoo iyan, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit pwede kong gawin ang kahit ano, hindi naman ako paaalipin dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:10

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 1:7

Sapagkat kailangang maganda ang reputasyon ng isang namumuno bilang tagapangasiwa sa gawain ng Dios. Dapat ay hindi siya mayabang, hindi mainitin ang ulo, hindi lasenggo, hindi basagulero, at hindi gahaman sa pera.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:9

Huwag kayong padadala sa kung anu-anong mga aral na iba sa natutunan ninyo. Mas mabuting patibayin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng biyaya ng Dios kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa pagkain, na wala namang naidudulot sa mga sumusunod nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:103

Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:9

May kapayapaan ang taong namumuhay nang matuwid, ngunit ang masama ang pamumuhay ay malalantad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:19

Makapagpapasaya sa tao ang handaan at inuman; at ang pera ay makapagbibigay ng lahat niyang pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi tungkol sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa isaʼt isa, at kagalakan na mula sa Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathala, sa iyong walang hanggang kabutihan, karapat-dapat ka sa lahat ng papuri at kadakilaan. Nagpapasalamat ako sa mga kababalaghan na ipinagkakaloob mo sa amin araw-araw. Ang iyong pag-ibig ay bumabalot at sumasama sa amin sa lahat ng oras. Bilang pasasalamat, kinikilala ko ang iyong presensya sa bawat aspeto ng aking buhay at nagpapasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo. Sa gitna ng mga pagsubok at balakid, inalalayan mo ako at binigyan ng lakas upang magpatuloy. Ipinagkakaloob mo ang karunungan upang makagawa ng tamang desisyon at pinupuno mo ako ng pag-asa sa mga pinakamahirap na sandali. Mahal na Hesus, sa oras na ito, hinihiling ko na tulungan mo akong mamuhay ayon sa iyong kalooban. Nawa'y huwag akong gumawa ng anumang bagay upang masiyahan ang mga pagnanasa ng aking laman, kundi mabuhay upang mapalugod ka sa lahat ng aking ginagawa at iniisip. Punuin mo pa ako ng iyong presensya at maging aking lakas sa aking mga kahinaan. Bigyan mo ako ng iyong takot upang hindi ako mahulog sa tukso at iligtas mo ako sa kasamaan. Hinihiling ko na gabayan mo ako sa iyong katuwiran, upang mapanatili ko sa lahat ng oras ang iyong mga utos at tuntunin nang hindi lumilihis sa mga ito. Likhain mo sa akin, O Diyos, ang isang pusong katulad ng sa iyo, at panibaguhin mo ang isang matuwid na espiritu sa loob ko. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas