Joel 3:18 - Ang Salita ng Dios18 Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong katas ng ubas na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya. Tingnan ang kabanataAng Biblia18 At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim. Tingnan ang kabanataAng Biblia 200118 “At sa araw na iyon, ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay dadaluyan ng gatas, at ang lahat ng batis ng Juda ay dadaluyan ng tubig; at isang bukal ay lalabas mula sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Shittim. Tingnan ang kabanataAng Biblia (1905-1982)18 At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia (2005)18 Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan; bakahan ang makikita sa bawat burol, at sasagana sa tubig ang buong Juda! Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis, na didilig sa Libis ng Sitim. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia18 Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan; bakahan ang makikita sa bawat burol, at sasagana sa tubig ang buong Juda! Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis, na didilig sa Libis ng Sitim. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Bible (Revised)18 Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan; bakahan ang makikita sa bawat burol, at sasagana sa tubig ang buong Juda! Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis, na didilig sa Libis ng Sitim. Tingnan ang kabanata |
Mga mamamayan ko, alalahanin din ninyong sinugo ni Haring Balak ng Moab si Balaam na anak ni Beor para sumpain kayo. Pero pinagsalita ko si Balaam ng mga pagpapala sa inyo. Alalahanin din ninyo kung paano ko kayo tinulungan nang maglakbay kayo mula sa Shitim hanggang sa Gilgal. Alalahanin ninyo ang mga pangyayaring ito para malaman ninyo na iniligtas ko kayo.”