Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Jeremias 10:12 - Magandang Balita Biblia

12 Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

12 Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

12 Siya ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, na nagtatag ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang karunungan, at sa pamamagitan ng kanyang kaunawaan ay iniladlad niya ang kalangitan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

12 Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

12 Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

12 Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

12 Pero ang Dios ang lumikha ng langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan at karunungan niya.

Tingnan ang kabanata Kopya




Jeremias 10:12
38 Mga Krus na Reperensya  

Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;


wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka.


Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan.


Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa gitna ng kawalan.


Tulad ng ginawa niya, ang langit ba'y iyong mailalatag na parang metal na makinis at matigas?


Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan, kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan.


O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.


Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.


Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago; ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.


Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.


Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit;


Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik, pati along malalaki sa panahong nagngangalit; maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit.


Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo, katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako; lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito.


Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawan ay damit na maharlika at puspos ng kalakasan. Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig, kahit ano ang gawin pa'y hindi ito mayayanig.


Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.


Sino ang dalubhasa tungkol sa kalangitan? Sino ang nakapigil ng hangin sa kanyang palad? Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit? Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig? Sino siya? Sino ang kanyang anak?


“O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng Israel, lumikha ng langit at lupa. Ang inyong trono'y nasa ibabaw ng mga kerubin. Kayo lamang ang Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa.


Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan; mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, tulad ng tolda upang matirahan.


Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod,


“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.


Ako ang lumikha ng buong daigdig, pati mga taong doo'y tumatahan. Maging ang kalangitan, ako ang nagladlad, ako ang may kapangyarihan sa araw, buwan at mga bituin.


Si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, siya rin ang lumikha ng daigdig, ginawa niya itong matatag at nananatili, at mainam na tirahan. Siya ang maysabing, “Ako si Yahweh at wala nang iba pang diyos.


Ako ang lumikha sa pundasyon ng daigdig, ako rin ang naglatag sa sangkalangitan; kapag sila'y aking tinawag, agad silang tutugon.


Sinabi pa ni Yahweh sa kanyang bayan: “Sa tamang panahon ay tinugon kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita. Iingatan kita at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay wasak na.


Pagkarinig sa kanyang utos, umugong ang mga tubig sa kalangitan; napagsama-sama niya ang mga ulap mula sa lahat ng hangganan ng lupa. Nagagawa niyang pakislapin ang kidlat sa gitna ng ulan, at nagpapaihip sa hangin mula sa kublihan nito.


Ngunit hindi ganito ang Diyos ni Jacob; siya ang maylikha ng lahat ng bagay; at pinili niya ang Israel upang maging kanyang bayan. Yahweh ang kanyang pangalan, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.


Hindi makakagawa ng ulan ang mga diyus-diyosan ng alinmang bansa; hindi makapagpapaambon man lamang ang mga langit. Nasa iyo, O Yahweh, ang aming pag-asa, sapagkat ikaw lamang ang makakagawa ng mga bagay na ito.


‘Ako ang lumikha sa lupa, sa mga tao, at sa mga hayop na naroon, sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Ibinibigay ko ito sa sinumang aking kinalulugdan.


si Jeremias ay nanalangin: “Panginoong Yahweh, nilikha mo ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan. Walang bagay na mahirap para sa iyo.


Ito ang mensahe ni Yahweh para sa Israel, ang Diyos na gumawa ng langit at lupa, at nagbigay-buhay sa tao:


Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.


Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas