Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Genesis 2:3 - Magandang Balita Biblia

3 Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 At binasbasan ng Diyos ang ikapitong araw at kanyang ginawang banal, sapagkat sa araw na iyon ay nagpahinga ang Diyos sa lahat ng gawain na kanyang ginawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

3 Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.

Tingnan ang kabanata Kopya




Genesis 2:3
22 Mga Krus na Reperensya  

Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaanim na araw.


Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw.


Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit,


Itinuro mo sa kanilang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga at ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.


“Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay titigil kayo sa paggawa upang makapahinga rin ang inyong mga baka, asno, alipin at ang mga manggagawang dayuhan.


“Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayo'y magpapahinga maging ito ma'y panahon ng pagbubungkal ng lupa o ng pag-aani.


Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.


Ibinigay ko rin sa kanila ang mga tuntunin para sa Araw ng Pamamahinga para maalala nila na akong si Yahweh ang nagpapabanal sa kanila.


Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayo'y magpapahinga. Iyon ay araw ng banal na pagtitipon. Huwag magtatrabaho ang sinuman sa inyo, saanman kayo naroroon; iyon ay Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh.


Sinabi rin ni Jesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.


Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira. Pagsapit ng Araw ng Pamamahinga, nangilin sila ayon sa Kautusan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas