Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 23:3 - Magandang Balita Biblia (2005)

3 Nagsalita ang Diyos ng Israel, ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang haring namamahalang may katarungan at namumunong may pagkatakot sa Diyos,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Ang Diyos ng Israel ay nagsalita, sinabi sa akin ng Malaking Bato ng Israel: Kapag ang isang tao ay may katarungang namumuno sa mga tao, na namumunong may takot sa Diyos,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Nagsalita ang Diyos ng Israel, ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang haring namamahalang may katarungan at namumunong may pagkatakot sa Diyos,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Nagsalita ang Diyos ng Israel, ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang haring namamahalang may katarungan at namumunong may pagkatakot sa Diyos,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

3 Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel, ‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 23:3
27 Mga Krus na Reperensya  

Doon siya nagtayo ng altar at tinawag niyang El-Elohe-Israel, na ang kahulugan ay si El ang Diyos ng Israel.


“Maliban kay Yahweh, may Diyos pa bang iba? Iisang tanggulan, hindi ba't siya na?


Naghari si David sa buong Israel. Ipinatupad niya ang batas at pinairal ang katarungan.


Purihin si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagpala sa inyo at naglagay sa inyo sa trono ng Israel. Dahil sa walang katapusang pag-ibig ni Yahweh sa Israel, ginawa niya kayong hari upang mamahala dito at magpairal ng katarungan.”


Sa loob ng labindalawang taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ika-20 taon ng paghahari ni Artaxerxes hanggang ika-32 taon, ako, ni ang aking mga kamag-anak ay hindi kumain ng pagkaing nauukol sa gobernador.


Hindi ba ang Diyos ay makatarungan, bakit hinahatulan siya na parang makasalanan?


Magmula sa dakong Zion, ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop; “At lahat ng kaaway mo'y sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.


Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika, “Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa? Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama?”


Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran, sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan;


nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.


Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Gawin mo silang tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu.


“Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.


Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman.


Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”


Makikita ninyo, may haring mamamahala nang matuwid, at mga pinunong magpapairal ng katarungan.


“Nalalapit na ang araw,” sabi ni Yahweh, “na pipili ako ng isang matuwid na Sanga na magmumula sa lahi ni David, isang hari na mamamahala ng buong karunungan. Paiiralin niya sa buong lupain ang katarungan at katuwiran.


O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan.


“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.


Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas