Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 5:14 - Magandang Balita Bible (Revised)

14 Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

14 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

14 Pagkatapos ay natagpuan siya ni Jesus sa templo, at sinabi sa kanya, “Tingnan mo, ikaw ay gumaling na; huwag ka nang magkasala, baka may mangyari pa sa iyo na lalong masama.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

14 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

14 Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

14 Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

14 Hindi nagtagal, nakita ni Jesus sa templo ang taong pinagaling niya, at sinabihan, “O, magaling ka na ngayon. Huwag ka nang magkasala pa, at baka mas masama pa ang mangyari sa iyo.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 5:14
23 Mga Krus na Reperensya  

Lalong nagkasala laban kay Yahweh si Haring Ahaz sa panahon ng kanyang kagipitan.


Ngunit nang ang buhay nila'y naging matiwasay, muli silang nagkasala laban sa iyo, kaya't pinababayaan mo silang muling matalo ng kaaway. Ngunit kapag sila'y muling nagsisi at humingi ng tulong, pinapakinggan mo sila mula sa langit at paulit-ulit mo silang inililigtas sapagkat ikaw ay mahabagin.


Pinagdusa ako at pinarusahan nang labis at labis, ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid.


Lahat ng utos niya ay aking tinupad, mga batas niya ay hindi ko nilabag.


Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan.


O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan,


Si Yahweh ang magliligtas sa akin, kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan. Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay.”


At itinanong ni Hezekias, “Ano ang magiging palatandaan na ako'y maaari nang umakyat sa Templo ni Yahweh?”


Kung makita niyang tagos sa laman ang sugat at ang balahibo nito ay namuti, ang taong iyon ay may sakit sa balat na parang ketong; ang pinagmulan nito ay sa pigsa.


“At kung sa kabila nito'y di pa rin kayo magbabago at patuloy pa ring sumuway sa akin,


Kung ito'y inihandog bilang pasasalamat, ang handog ay sasamahan ng tinapay na walang pampaalsa. Ito'y maaaring makakapal na tinapay na yari sa harinang minasa sa langis, o maninipis na tinapay na pinahiran ng langis, o tinapay na yari rin sa harinang minasa sa langis.


aalis muna siya't magsasama pa ng pitong espiritung mas masama pa kaysa kanya at papasok sila at maninirahan doon. Dahil dito, ang kanyang magiging kalagayan ay mas masama pa kaysa dati. Ganyan ang mangyayari sa masamang lahing ito.”


Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo.”


Ngunit hindi alam ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, sapagkat nawala na si Jesus sa karamihan ng tao.


May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit.


“Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”]


Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas